Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2022

SI HESUS BILANG TUNAY NA MODELO NG PAGIGING DISIPULO

Imahe
SI HESUS BILANG MABUTING HALIMBAWA! © copyright 2022 "Patuloy  na lumaki si Jesus sa pangangatawan, lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao." Luke 5:22 SI HESUS AYON SA KAUGALIAN  NG MGA TAGA GALILEA  Alaming ang mga taga Galilea lalo sa panahon ni Hesus ay mga taong tinawag na pinakarelihiyoso sa buong mundo at may higit na mataas na pagalang sa banal na kasulatan, aral' sa Kautusan at ng "Mishna" o nasa otoridad na koleksyon ng tradisyong pasalita (oral traditions) ng mga Hudeo.  Ito ay taliwas sa pangkaraniwang kaisipan na ang mga alagad ni Cristo na kaniyang tinawag at pinili ay walang pinag-aralan o mga maralita lamang sa kadahilanang sila ay mga mangingisda o nakatira sa Betsaida malapit sa lawa ng Galilea. Si Hesus ay tinawag ding Hudyong taga Galilea na kung saan, ang paaralan nila ay iniugnay sa sinagoga, ang pag-aaral ng banal na kasulatan.  Sa bayan ding ito si Hesus ay lumaki na makikita ang ugaling kaniya...