SI HESUS BILANG TUNAY NA MODELO NG PAGIGING DISIPULO

SI HESUS BILANG MABUTING HALIMBAWA!

© copyright 2022


"Patuloy na lumaki si Jesus sa pangangatawan, lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao." Luke 5:22




SI HESUS AYON SA KAUGALIAN NG MGA TAGA GALILEA 

Alaming ang mga taga Galilea lalo sa panahon ni Hesus ay mga taong tinawag na pinakarelihiyoso sa buong mundo at may higit na mataas na pagalang sa banal na kasulatan, aral' sa Kautusan at ng "Mishna" o nasa otoridad na koleksyon ng tradisyong pasalita (oral traditions) ng mga Hudeo.  Ito ay taliwas sa pangkaraniwang kaisipan na ang mga alagad ni Cristo na kaniyang tinawag at pinili ay walang pinag-aralan o mga maralita lamang sa kadahilanang sila ay mga mangingisda o nakatira sa Betsaida malapit sa lawa ng Galilea.

Si Hesus ay tinawag ding Hudyong taga Galilea na kung saan, ang paaralan nila ay iniugnay sa sinagoga, ang pag-aaral ng banal na kasulatan.  Sa bayan ding ito si Hesus ay lumaki na makikita ang ugaling kaniyang kinagisnan kung paano sila inaaralan ng mabuti ng sistema ng edukasyon sa mga pag-aaral ng kasulatan at kautusan.

Si Hesus ay lumago sa pangangatawan at ng karunungan, (Lukas 2:52) malinaw na patunay na siya ay saklaw din sa turo ng mga guro o 'rabbi' ng Juaismo gaya din naman ni apostol Pablo na lumago sa turo ni Gamaliel mula sa angkan ng kilalang guro ng Israel na si Hilel na bihasa sa banal na kasulatan at kautusan.  

Si Hesus, gaya ng mga taga Galilea ay saklaw sa sistema ayon sa kanilang kaugalianng tutok sa disiplina ng pag-aaral ayon sa baitang batay sa kanilang edad tulad ng:

a. Limang taon gulang (5) - Ang ipakilala sa kanila ang kautusan.

b. Sampung taon gulang (10) - Pagsasanay sa tradisyong pasalita "Mishna" o Oral Torah, at ganun din sa interpretasyon nito.

k.. Labing tatlong gulang (13) - Tutok sa pagtuturo ng paganap ng Kautusan (Lukas 2:41)  

d. Labing limang gulang (15) - Pag-aaral ng Talmud o 'Rabbinic Interpretations'

e. Labing walong gulang (18) - Pag-aaral tungkol sa dako ng ikakasal o "Bridechamber)

g. Dalawampung gulang (20) - Pagpapasya ng pagsunod sa tawag o 'Vocation'

h.  Tatlumpung gulang (30) - Pagtuturo na may otoridad, pagkilala bilang ganap na Rabbi.


Si Hesus ay nakitaan ng kahusayan at ningas ng damdamin sa paganap ng kaugalian ng mga taga Galilea bilang isang uliran at kapuri-puring mag-aaral.  Sa gulang na tatlumpu, siya ay nagpapasimula din ng kaniyang pagmiministeryo at pangangaral sa isang malinaw na paksa tungkol sa kaharian ng langit tulad din ni Juan Bautista na anak ng pinsan ni Maria na si Elizabeth, asawa ni Zacarias.   

Malinaw, na ang hinirang ni Hesus na mga alagad ay may malalim na karanasan at dumaan rin sa sistema ng pagsasanay ng kasulatan at kautusan ng Dios, kaya't sa bayan ng Betsaida, sa Galilea siya pumili ng kaniyang magiging mga disipulo. Lahat ng mga alagad ni Hesus ay taga Galilea malban kay Hudas Iscariote na taga Judea. 

Ang pagdidisipulo ay napakahalagang proseso lalo sa mga tunay na tinawag ng Dios, ng tamang paghubog ninoman na may kinalaman ng pagsasanay gamit ang panahon.  Ang tunay na mga lingkod ng Dios ay dapat matutunang sumunod sa tamang pagpapasakop ng proseso at hinog sa tamang panahon.  Walang alagad ng  Dios ng biglaan o bunga ng aksidente lamang.  

Ang manwal na AMP (Apostolikong Manwal ng Pananampalataya) ay sadyang ginawa upang sundan at alamin ang aral ng mga apostol; at ang mga mag-aaral gaya ng unang mga alagad ni Cristo ay hubugin din ng panahon upang maunawaang lubos ang kalooban ng Dios at magiging ganap na tunay na alagad ni Cristo.        .   .  





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MAHALAGANG ARAL TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG

ANG BIBLIA: KASAYSAYAN NG PAGLALAKBAY NG MGA SALIN

RELIHIYONG TUNAY NA SA DIOS