ANG DALAWANG URI NG KAMATAYAN

____________________________________________________________________________________________
WARNING: 
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.   

The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building. 
____________________________________________________________________________________________




ARALIN PANG LABING ISA 
© copyright 2021


Layunin ng pag-aaral sa paksang ito: 

1. Ang tunay na kahulugan ng kamatayan
2. Ang dalawang uri ng kamatayan
3. Ang Biblikal na pagsa-alang alang sa Pisyolohikal, Teolohikal at Metaporikal na pananaw tungkol sa kamatayan
4. Ang kalagayan ng unang kamatayan at ang walang hanggang kamatayan
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito.


"At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;."

 Hebreo 9:27


ABSTRAK

Ang katotohanan ay ang kamatayan, ay di kayang takasan ng sinoman at hindi rin maikailang alam na ito ng lahat ng tao sa dahilang walang taong hindi nasaksihan ang mga pagpanaw ng mga maaring mahal sa buhay, mga magulang, mga anak, asawa, mga kapatid, mga kamag-anak, mga kaibigan o di kaya'y mga kapitbahay o mga kasamahan sa ano mang institusyon.

Tiyak ding alam ng lahat na walang sinoman ang nakakaalam kung kailan ito magaganap sa sinoman at sadya ngang walang katiyakan ang buhay sa mundo lalo na kung pag-uusapan ang kamatayan tulad na lang ng pagkasawi ng buhay ng tao dahil sa hindi inaasahang mga trahedya, sakuna, aksidente o maging ng mga sakit o malubhang karamdaman. Tunay ngang ang lahat ng may simula ay may wakas din, ang lahat ng may umpisa ay may katapusan, tulad ng lahat ng bagay ay masisira, mabubulok, gaya ng buhay ng taong maglalaho din na parang bula lang.

Matapos na ang unang taong ginawa at nilagay ng Dios sa paraiso, ang halamanan o hardin ng Eden, na sinabi ng Dios na ito'y kinuha niya mula sa alabok ng lupa, binigyan ng anyo at lahat nitong sangkap bilang tao, ito'y naging buhay na kaluluwa pagkatapos hingaan ng Dios ang butas ng kaniyang ilong ng hininga ng buhay, ay nagkasala. Dito pumasok ang sumpa ng kamatayan at kabulukan sa sansinukob.

Sa paksang ito, ay ating alamin ang katotohanan tungkol sa kamatayan na binanggit ng banal na kasulatan partikular, ang unang kamatayan tumutukoy sa laman, at ano ang kani-kanilang kalagayan o ang pakakahantungan; at ang kamatayang walanghanggan na tinawag na, ikalawang kamatayan.


BUOD


ANG KAHULUGAN NG KAMATAYAN

Ayon sa mga diksyonaryo, ang kamatayan ay ang pagtatapos ng buhay ng tao o organismo.  ang kalagayan ng pagiging patay na, pang habang buhay na pagtatapos ng mahalagang proseso sa selula "cell" o tisyu "tissue".   

Tatlong pakahulugan ng kamatayan.  Noong maaga ng 1960's, ang medical na mga panulatan ay nagkakaroon ng problema kung paano nila bigyan ng malinaw na pakahulugan ang kamatayan, hanggang sa bumuo sila ng Adhoc committee para dito at kanilang napagsang-ayunan ang kahulugan ng kamatayan. 

(1) Ang Kamatayan ay ang pagkawala ng Buhay. 

(2) Ang Kamatayan ay ang suspensiyon o pagtigil ng mahalagang pagpoproseso ng katawan, tibok ng puso at paghinga. 

(3) Ang ikatlong kahulugan mula sa papel sulat noong 1968 ng Adhoc committee ng  Harvard Medical School na nagsagawa ng pagsusuri at pag-aaral ng patay na utak o "brain dead", matapos ay nagmungkahi ng kanilang  pakahulugan sa panibagong criterion, mula sa hindi na maibalik na coma at sinabi nila na: 

"ang Kamatayan ay isang kalagayan na,  sa dalawang pagkakataon 24 oras na magkahiwalay, ay merong hindi pagtanggap sa hindi pagtanggap ng lahat ng pampasigla o "stimuli", walang pagalaw o tuloy tuloy na paghinga, walang reflexes, pantay na electroencephalogram, at kawalan ng labis na lamig "hypothermia" o labis na dosis ng gamot ayon mga naunang mga pangyayari." 

Ang iba pang mga salita ng kamatayan sa Ingles ay, "curtains, decease, demise, dissolution, doom, end, exit, expiration, expiry, fate, grave, great divide, passage, passing, quietus, sleep".  Ang kamatayan ay hinantulad sa ano mang pagtatapos ng mga bagay o gawain gaya ng, pagsasara ng telon o kurtina, paglampas sa itinakdang panahon, huling hantungan, dakilang pagkawalay, daanan, pagdaan, pagkalusaw, labasan, pamamahinga o pagkatulog.  


Ang selula ng dugo kapag dumating na sa sukdulan ng buhay ng taong ito ay hindi na makakapaglikha pa ng panibago kundi ito ay dahan dahan ng mamatay, sanhi ay ang pagtanda, pagkulubot ng balat at pagdami ng mga sakit, ito ang kaniyang pagwawakas.   




BIBLIKAL NA PAKAHULUGAN
NG KAMATAYAN

Ang biblikal na paliwanag ng kamatayan hango sa lumang semetic na anthropology o konsepto ng komposisyon ng tao ay kapansin pansing iba sa ngayon ng Greek dichotomistic na pananaw. Kulang o hindi magiging tama, kung pairalin ang Biblikal na kaisipan, ito ay tumutukoy lamang sa paghihiwalay ng katawan at ng kaluluwa. kundi mahalagang aralin ang mga datos na tala ng Banal na Kasulatan tungkol sa kamatayan. Ito ay ang sa kalagayang "physiological", "theological" na tindig, at maging ang termino gamit ng "metaphorical" na obserbasyon.

Pisyolohikal (Physiological) na Pagsaalang-alang - Sa taong nasa sinaunang panahon o "ancient orient", ang buhay at kamatayan ay hindi dalawang "abstract" o konsepto na  kalagayan, bagkus ito, ay dalawang magkasalungat na landas o katayuan.  Ang kamatayan sa salitang Hebro "mawet" ay nararanasan hindi lamang sa kalagayan ng daigdig ng mga patay, kundi saklaw din nito ang taglay nitong kapangyarihan Oseas 13:14

Ang pagninilay ng mga Israelita sa kamatayan ay nakatoon hindi sa pisyolohikal na kaparaan o pisikal na kalagayan nito, o, di kaya'y kanilang tintukoy na ang kamatayan ay ang paghihiwalay ng katawan at kaluluwa hango sa Griegong pakahulugan. Bagkus, tiningtingnan nila ito, na ang kamatayan ay siyang panghuli o ang pagdating ng hindi ninanais na panghihina at ang pagkawala ng kaniyang sigla.  Ang mga huling panahon o yugto ng buhay ng tao ay naintindihan nilang darating sa kaniyang pagtanda at tanggapin nilang ito ay ang natural na kalagayan Mga Awit 90:9.  Ang kawalan ng laman "emptying" sa kamatayan ay tiyak na naglalarawan ng paglisan ng "nepes", kaluluwa o mahalagang pwersa o kalakasan Genesis 35:18; 2 Samuel 1:9, 1 Mga Hari 17:21.  Nawawala na sa tao ang kaniyang mahalagang kalakasan kasabay ng kaniyang huling hininga "ruah" Job 11:20; Jeremias 15:9 o pag-alis nito mula sa katawan Mga Awit 145:4, 146:4; 103:9, 104:9, Job 12:10; Ecclesiastes 8:8; 12:7        

Tila, sa paglipas ng panahon ang makabagong pagkaintindi, tumumbok sa dugo at ito ang binigyan ng diin ng pagsaalang alang na siyang mahalagang elemento.  Ang dugo ay tinawag na likmuan o sentro ng buhay; na kung ang dugo ay maibuhos, ang buhay ay dadaloy din Leviticus 17:11; Deuteronomio 12:23.   

Tinukoy ng Bagong Tipan ang pisyolohikal na palatandaan ng kamatayan "θάνατος" (tanatos) sa parehas ding anyo. Dito din, ang tuntunin o simulain ng buhay ay ang espiritu o hininga "πνεύμα" (pneyma) bigay ng Dios Mga Gawa 17:25Ang kamatayan ay ang pag-alis ng espiritu Mateo 27:50; Lukas 23:46, Juan 19:30 o ng kaluluwa "φυχή" (diatirisi) Juan 10:11; 15:17; 13:37 Kung wala ang espiritu, ang katawan ay patay Santiago 2:26 Kung ang patay na tao ay bumalik ang buhay, ang kaniyang espiritu ay bumalik sa katawan Lukas 8:55

Teolohikal (Theological) na Pagsaalang-alang -  Merong pagpapatuloy na aral ng kamatayan ng Lumang Tipan at sa Bagong Tipan.  Sa bawa't kaso, ang kamatayan ay tinitingnan na tunay na bunga ng kasalanan.  Ngunit sa Bagong Tipan, dahil sa tagumpay ni Kristo sa kasalanan ang kaharian ni satanas, at ang pakikiisa naman ng mga Kristiyano sa kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli, ang kamatayan ay napalitan ng bago, mas kaunting takot na kahulugan.    

Sa Lumang Tipan. dahil sa karahasan ng kamatayan ay masaklap na kasamaan, ang tao ay likas na nakakabit sa kaniyang pinanggagalingan nito sa kauna unahang pagsalangsang at kinahinatnang parusa.   Maaring hindi nga naman ito ninanais ng isang mabuting Dios sa lahat ng panahon, na siyang nagtalaga na sa tao ng buhay Genesis 2:9; 3:22, sa pagsuway lamang sa utos ng Dios, ang tao nga ay namamatay Genesis 2:17; 3:3, Roma 5:12-21Ang kamatayan ay isang hindi matatakasan na pangangailangan, ngunit, doon sa kanilang kapuri puri na namamatay "matapos ang sukdulan ng buhay"  Genesis 25:8 o "sa isang mabuting edad ng katandaan" Genesis 15:15; Mga Hukom 8:32.  .   

Sa mga Israelita, nasa isip nilang ang kamatayan ay hindi lamang umepekto sa katawan, bagkus marka ito ng pagtatapos ng lahat ng gawaing pangrelihiyon.  Ang relasyong ng Dios sa sheol (tirahan ng mga patay - mas mababang mundo) ay mahirap ipaliwanag (tingnan sa Isaias 38:11).  Yon ay saklaw ng Kaniyang walang hangganan na kapangyarihan (Amos 9:2; Isaias 7:11; Mga Awit 139:8; Job 26:6), ngunit parang wala Siyang pakiaalam sa mga patay (Mga Awit 88:6).  Katulad, ang tao kapag namatay na ay wala na itong isipan tungkol sa Panginoon o ng lahat ng Kaniyang kamangha-manghang mga gawa (Mga Awit 6:6; 88:13).  Hindi nya na mapapurihan ang Dios sa Kaniyang kabutihan at katapatan (Mga Awit 30:10; 88:12; 115:17; Isaias 38:18).  Ito ay ang pinakapasya at pinakadurog na salaysay tungkol sa mga patay sa Lumang Tipan.  Ito ay ang natural na pang-eenganyo sa katatakutan ng kamatayan na maaring mapagaan lamang sa pamamagitan ng mahabang buhay, na siyang pinakasalat na patunay ng walanghanggang pabor ng Dios. Ang konsepto ng apokaliptikong mundo na naging kilala sa huli nang Judaismo bumasag sa saligan ng isang mapagpasyang pagbabago ng ugali tungkol sa kamatayan sa Bagong Tipan.  Mula sa pontong ito, pinaniniwalaan na ang Dios ay gagapiin ang kamatayan, kahit na sa kunting bilang ng sangkataohan, sa pamamagitan ng eskatolihikal na pagliligtas sa kapahingahan at ng pagpasinaya ng makabagong panahon.  

Sa Lumang Tipan, ang kamatayan ay tiningnan na siyang kasukdulan ng lahat ng sakit at paghihinagpis, ang huling pagkahiwalay mula sa Dios na dumaloy mula sa poot ng Dios na pinukaw ng unang panahon at ng personal na mga kasalanan (Kawikaan 2:18; 7:27; 21:16; 22:23; Isaias 5:14).  Ang mahabang buhay naman ay tiningnan na isang gantimpala sa kagalingan at sa katapatan sa utos ng Panginoon (Deuteronomio 30:15-20; 32:47). Sa pamumuhay sa kasalanan, ang mga Israelita ay nagdala ng napaagang kamatayan sa kaniyang sarili (Mga Awit 55:24; Job 15:32; 22:16).  Sa pagsasanay naman ng kagalingan, mabubuting mga gawa, pagkakawang gawa, ang tao ay maaring makagawa ng pagpapagaling ng kaniyang mga kasalanan at mailigtas niya ang kaniyang sarili mula sa maagang kamatayan (Kawikaan 10:2; 11:4).  

Sa Bagong Tipan.  Ang nangingibabaw na pag-aalala sa Bagong Tipan ay hindi sa kamatayan, kundi sa buhay kay Cristo.  Ang buod ng apostolikong pangangaral ay ang kamatayan, pagkalibing at ang pagkabuhay na maguli ni Cristo upang dalhin ang kaligtasan para sa lahat ng tao at siguraduhin ang pagkabuhay na maguli nito.  Sinira ni Cristo ang kamatayan (2 Timoteo 1:10) sa pamamagitan ng paghahadog ng kaniyang sariling buhay bilang pantubos sa kasalanan.  Sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan, Kaniyang nawasak ang siyang may hawak ng emeryo ng kamatayan, ang demonyo (Hebreo 2:14-15).  Ang kamatayan ngayon ay wala ng kapangyarihan sa mga natubos. 

Ang Metaporikal (Metaphorical) na Katuturan -  Malimit ang kamatayan ay tawaging hindi gaanu sa paghihiwalay ng katawan at ng kaluluwa, sa kakapusan ng lahat na maaring maiambag sa tunay na kaligayahan sa mundong ito o kaya sa kabila; e.g., pinagkaitan ng kasalanan ang tao ng pagkakaibigan sa Dios at nauwi ito ng kamatayan (Kawikaan 11:19).  Karagdagan, ang paikot-ikot na mga daan ng kasinungalingan at maraming mga bisyo papunta sa kamatayan (Kawikaan 12:28; 14:12; 16:25).  Sa Bagong Tipan, ang salitang kamatayan ay madalas ginamit upang tukuyin ang walang hanggang kamatayan. i.e., kapahamakan dulot ng kawalan ng pananampalataya at ng kasalanan (Juan 5:24; 8:51; Roma 7:9-11; Santiago 1:15; 1 Juan 3:14; 5:16); 

Ang Pahayag ay gumamit ng salitang "ikalawang kamatayan" tungkol dito (Apocalipsis 2:11; 20:6, 14; 21:8).  Ang Spiritwal na kamatayan ay nagagapi ng spiritwal na pagkabuhay na maguli, i.e., sa pamamagitan ng pagsisi at pagbabalik-loob sa Dios sa karanasan ng muling kapanganakan (Mga Gawa 11:18; Juan 3:3-5). Sa wakas, ang salitang kamatayan ay ginamit ni apostol Pablo na pasimbolo sa daanan ng nasa kalagayan ng kasalanan tungo sa kalagayan ng biyaya sa pamamagitan ng bautismo: ang sumampalataya ay mamatay na sa pagkakasala (Roma 6:2-11; 1 Pedro 2:24), nailibing kasama ni Cristo (Roma 6:4, 8), upang siya ay mabuhay na maguli kasama ni Cristo sa panibagong buhay niya sa Dios.  (Roma 6:5; Colosas 3:1-4).  Sinabi din ni Juan, kaniyang isinalarawan ang pagbibigay-katwiran sa tao na siyang paglipat mula sa kamatayan, sa buhay (1 Juan 3:14). Siya na nagtataglay na ng Anak, i.e., ay kaisa na ng Dios sa pananampalataya at pag-ibig, matamasa ang panibagong spiritwal na buhay ng banal na pagkupkop o pag-ampon na kaniyang masumpungan ang tunay pagtatapos sa makalangit na kaluwalhatian (Juan 3:15). 


ANG KAMATAYANG PWEDENG TAKASAN

Ang kamatayan ay totoong mararanasan ng lahat ng tao bilang kabayaran ng kasalanan.  Malinaw na binanggit at aral ng Biblia, na may dalawang kamatayan, nang unang kamatayan ay wala ng makatakas, tulad ng pagtanda at ang pagkawala na ng lakas nito hanggang sa ang kaniyang katawan ay babalik na muli sa lupa kung saan ito nanggaling. 

Subalit, dahil kay Cristo na nagbayad ng kaniyang buhay at dugo upang tubusin ang tao sa kasalanan, at dito niya nagapi ang kapangyarihan ng kamatayan sa sang kataohan, ang tao ay may pag-asa ng matakasan ang sumpa ng kasalanan tungo sa ikalawang kamatayan, at walang iba, kundi ang siya ay mamatay sa pagkakasala at makalakip sa pagkalibing ni Cristo upang magtamo ng panibagong espiritwal na buhay, at ito ay ang karanasan ng ikalawang kapanganakan.  

Ang sino mang minsan lang maisilang sa mundong ito, ay makakaranas ng dalawang uri ng kamatayan, at ang sinomang makaranas ng dalawang kapanganankan, ay minsan lamang siyang mamatay at kaniyang matatakasan na ang ikalawang katamayan.  Ito ang biyayang kaloob ng Dios sa pamamagitan ni Cirsto sa lahat ng sumampalataya at nanunumbalik muli sa Dios. 



Pagsipi:

"Three Definitions of Death" © 1977, THE MONIST, La Salle, Illinois 61301.             

Encyclopedic Dictionary of the Bible, tr. and adap. by l. hartman (New York 1963) from a. van den born, Bijbels Woordenboek, 532–536. h. schmid and b. riecke, Die Religion in Geschichte und Gegenwart, 7 v. (3d ed. Tübingen 1957–65) 6:912–914. h. lesÈtre, Dictionaire de la Bible, ed. f. vigouroux, 5 v. (Paris 1895–1912) 4.2:1285–89. r. k. bultmann et al., g. kittel, Theologisches Wörterbuch zum Neuen Testament (Stuttgart 1935–) 2:833–877; 3:7–21. j. a. fischer, Studien zum Todesgedanken in der alten Kirche (Munich 1954). e. c. rust, Nature and Man in Biblical Thought (London 1953). r. k. bultmann, Theology of the NT, tr. k. grobel, 2 v. (New York 1951–55). g. von rad, OT Theology, tr. d. stalker (New York 1962–), passim.

“Death.” Merriam-Webster.com Dictionary, Merriam-Webster.  Retrieved from https://www.merriam-webster.com/dictionary/death. Accessed 30 Jun. 2021.

-   (Hango sa mga talata ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)

 

 

  

 

PAGSUSULIT:

(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)



 

1.  Hindi lahat ng tao ay may kamatayan.            

         Tama            Mali

2. 

 May dalawang uri ng kamatayan, ang sa pisikal at sa espiritwal na kalagayan

          Tama            Mali   

3. 

 Magkaiba ang pananaw at pakahulugan ng kamatayan sa Luma at sa Bagong Tipan    

 Tama           Mali  

4. 

 Ang ugat ng kamatayan ay ang kasalanan

             Oo              Hindi

5. 

 Ang ikalawang kamatayan ay maaring matakasan     

             Pwede        Hindi na






Mga Komento

  1. Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...

Mga sikat na post sa blog na ito

MAHALAGANG ARAL TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG

RELIHIYONG TUNAY NA SA DIOS