____________________________________________________________________________________________
WARNING:
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.
The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building.
____________________________________________________________________________________________
ARALIN PANG DALAWAMPU'T APAT
© copyright 2021
Layunin ng pag-aaral sa paksang ito, malaman:
1. Ang kahulugan ng salitang relihiyon 2. Ang relihiyong binanggit ng Biblia
3. Ang mga katangian makikita sa tamang relihiyon
4. Sino ang nananahan at lumalakad sa relihiyong sa Dios
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito
"Ang dalisay na relihiyon at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan."
Santiago 1:27
Ang tamang unawa sa ano mang bagay ay magbibigay ng malinaw na kaisipan na siyang gagabay sa tunay na kapayapaang magsimula sa isipan at ng damdamin. Ang pag-aalinlangan o ano mang kahinaan ay resulta lamang ng kawalan ng tamang kaalaman at lakas ng loob buhat sa katotohan. Ganito natin maaring isalarawan ang kahinaan ng pagkabulag sa katotohanan na marami ang nagiging biktima nito at hayag ang mga palantandaan sa sinomang nasa ganitong kalagayan.
Tanging ang tunay na karunungan ng katotohanan ang magpapalaya sa sinoman lalo na sa paksa tungkol sa relihiyon. Ano nga ba ang tunay na relihiyon? Bago sagutin ang tanong na ito, dapat ay alamin muna kung ano ba ang kahulugan ng salitang relihiyon at ano ba ang tinutukoy nitong mga bagay sa likod ng katanungan tungkol sa relihiyon.
Dapat malaman ng lahat, na bago pa man dumating ang Cristianismo na tumutukoy sa taong naniniwala kay Jesucristo, ay may mga nauna ng mga relihiyong nagpangalat sa buong mundo bago pa matupad ang hula ng pagdating ng Mesias na isisilang sa Judah, sa maliit na bayan ng Ephrata, Betlehem.
Ang relihiyong Judaismo ay isa sa pinakamantandang relihiyon na buhat pa sa 500 BCE at kilala sa katawagang pinakamatandang monotheistic na relihiyon. Ang relihiyong Islam na montheistic din ay nagmula sa lahi ni Ismael na anak din ni Abraham sa kanilang alipin. Ang Ehipto sa panahon ni Moses ay meron ding relihiyon na kumikilala at sumasamba sa maraming mga dios diosan. Bago pa dumating si Jesucristo, ang relihiyon na Hinduism, Buddhism, Shintoism, Taoism ay nauna na rin na galing sa katuruan ni Confucius na tinawag na Confucianism. Nang dumating si Jesucristo sa kaniyang bayan, nadatnan din niyang pati ang mga Griego ay meron na ring relihiyon na mananamba din sa mga dios diosan.
Ang paksang ito ay napakahalagang aralin, sapagkat ito ang ay isa sa mga pangunahing tanong lalo't kung ang pag-uusapan ay may kinalaman sa kung ano ba ang tunay na pananampalataya, at ito ay madalas ring tanong ng karamihan ng mga tao sa ngayon. Maraming debate o pagtutunggali ang nagaganap na ang pinag-uusapan ay ang paksang may kinalaman sa relihiyon at kasama na rin sa pag-aangkin na kung sino ang nasa tama. Ang pag-uusap sa talakayang ito, kung hindi nagaganap sa tamang lugar at formal na ugnayan ay madalas na nauuwi sa bangayan, pagkakainitan at sa away.
Mayroong tamang lugar at tamang batayan upang suriin mabuti ang katotohanan tungkol sa relihiyon. Sa tulong ng Bibliya na siyang may otoridad para alamin ang katotohanan tungkol dito, ating saliksiking mabuti kung ano nga ba at alin ang relihiyong buhat nga sa tunay na Dios.
BUOD
TUNAY NA KAHULUGAN NG SALITANG RELIHIYON
Mayroong tinawag na labing dalawang classical na mga pangunahing relihiyon ang matatagpuan sa buong mundo tulad ng ilang mga nabanggit na sa itaas, at ang iba ay mga galamay at sangay na mula sa mga ito. Ano ba o alin ba dito ang tamang relihiyon?
Ang salitang relihiyon ayon sa talatinigan, talahulugan o diksyunaryo ay "pulutong ng organisadong paniniwala, mga gawi, at mga sistema na kadalasan ay iniugnay sa paniniwala o pagsamba sa may hawak ng pwersa gaya ng personal na Dios o ibang mga makapangyarihang nilalang. Ang relihiyon ay kadalasang umuugnay sa paniniwala ng kultura, mga pananaw, mga sulat, mga hula, mga kapahayagan, at moralidad na may malaking pakahulugan sa ano mang mga samahan o grupo ng pananampalataya. at ito'y abot ng saklaw sa mga gawi kasama ang mga pangangaral o sermons, mga ritwal, mga panalangin, mga pagbulay-bulay, mga banal na dako, mga simbolo, karanasang espiritwal at mga pagdiriwang o kapistahan."
Ang kilalang Australian neurologist at founder ng psychoanalyst na si Sigmund Freud ay nagsasabing ang relihiyon ay isang "uri ng hinahangad na katuparan" (form of wishful fulfillment). Sa kabilang banda, ang makabagong psychology ay kumikilala na ang relihiyon ay gumanap ng mahalagang tungkulin sa buhay ng tao at mga karanasan, at ginawa ding pinapabuti ang kaniyang kalusugan at pagkatao. Kung suriing mabuti, batay na rin sa pagkakaalam ng tunay na kahulugan ng salitang relihiyon, ito ay walang hangaring mapasama ang sinoman kundi nagiging tulong na umaagapay sa pamumuhay sa pisikal na kalagayan ng indibidwal. Subali't, batay sa tamang kahulugan at layunin ng mga relihiyon, nasasagot ba dito ang tanong na alin sa mga ito ang relihiyong buhat sa nag-iisa at tunay na Dios? Ating ipagpatuloy pa ang pag-aaral.
ANG ANYO NG RELIHIYONG BUHAT SA DIOS
Ang relihiyon batay sa tunay na kahulugan nito ay hindi bumabanggit na ito ay nagliligtas o tumatalakay sa pagliligtas ng kaluluwa ng tao sa parusa ng dagat dagatang apoy na ang karamihan ay hindi naniniwala sa mga ito. Dapat nating malaman ang katotohanan at ito ay mananatili magpakailaman, na hindi ang relihiyon ang siyang makakapagliligtas ng kaluluwa ng tao, kundi si JESUS lamang ang gumawa at nagpapaanyaya sa lahat tungkol sa kaloob ng Dios na buhay na walanghangan, at siya mismo ang nagbayad ng kaniyang dalisay na dugo sa krus ng kalbaryo upang matubos ang sansinukob, hindi ang sino man o ano mang samahan. Tanging ang tamang relasyon kay Jesucristo sa pagtalima sa kaniyang kalooban ang makakapagligtas sa tao, at hindi ang relihiyon.
Bagaman, ang relihiyon ay nagbibigay ng malaking kontribusyon sa moralidad, magandang kalusugan ng pangangatawan, pakikipagkapwa at ikabubuti ng tao, malinaw na ang kaniyang binigyang diin ay ang mga bagay na pawang dito lamang sa sanlibutan o ang pamumuhay lamang sa pisikal na kalagayan. Kung ang relihiyon ay pamamaraan ng tao sa uri ng pamumuhay sa mundong ito, alin ba dito ang relihiyong masasabi nating buhat sa Dios na tunay? Madali na nating masagot ang katanungang ito, yamang atin ng nalalaman ang kahulugan ng salitang relihiyon. Ang relihiyong nagtuturo ng tamang aral ng Dios na magdadala sa tao sa tunay na pakikipagkasundo sa Dios sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang relasyon kay Jesucristo ay ang masasabi nating ang relihiyong ito ay tunay ngang sa Dios, dahil ito ay nagpapahalaga ng kaligtasan ng sangkataohan.
MGA PANGALAN NG MGA SAMAHAN
Ang mga pangalan ng ano mang samahang umaangkin na mga mananampalataya sa Dios ay hindi batayan upang paniwalaang ito nga ay sa Dios lalo sa mga umaangking ito lamang ang tunay na samahang nagliligtas. Pakatandaan, si JESUS lang ang tagapagligtas, hindi ang ano mang relihiyon o samahan lalo na sa mga samahang pang Cristiano na may paniniwala kay Jesucristo.
Ang mga pangalan ng ano mang mga samahan na ito na naiimbento, ay hindi mga relihiyon, lalo't masasabi kaagad na ito ay sa Dios o ito ay tunay at totoo, kundi mga pangalan lamang ito ng mga samahang may mga nagpapasimuno o mga samahan na ipinarehistro sa pamahalaan ng kanilang mga tagapagtatag. Ang relihiyon ay ang Cristianismo, ang mga katawagang inembento sa ilalim nito ay mga sekta o denominasyon at nararapat na suriing mabuti kung ito nga ba ay sa Dios.
BIBLIKAL NA KAHULUGAN NG RELIHIYON
Ang relihiyon ayon kay Apostol Santiago ay hindi pangalan ng samahan. Ito ay uri nga ng pamumuhay na gumagawa hindi taliwas sa kalooban ng Dios. Sa Santiago 1:26, ating mababasa ang tungkol sa walang kabuluhang relihiyon. Sa Santiago 1:27 naman ay ang tungkot sa dalisay na relihiyon.
Mayroonng dalawang bagay na napapaloob sa tamang relihiyong buhat sa Dios:
Pagsisisyasat sa samahang kinabibilangan o inaaniban hango sa tamang batayang makatotohanan. Ang relihiyong buhat sa Dios ay:
- Hindi nababatay sa malaki at magagarang gusali, pera, at mga materyal na mga bagay. Hindi nanahan ang Dios sa templong gawa ng kamay ng tao. Mga Gawa 7:48
- Hindi mapagkunwari. Kung mayroon mang nagtuturo na siya ay nasa katotohanan at hindi tama ang pamumuhay, sila ang sinasabi ni Kristong mga bulag na nag-aakay sa kapwa nilang mga bulag II Pedro 1:4, I Juan 2:7, 11.
Ano ang ating gagawin upang tayo ay magkaroon ng tamang relihiyon?
- Ang tamang pananampalataya ay nagbubunga ng tamang pamumuhay Juan 8:31-32.
- Manatili tayo sa salita ni Cristo upang ating makIlala ang katotohanan. Juan 15:6-8
ANG KAWAN NI JESUCRISTO AY ANG TAMANG RELIHIYONG SA DIOS
Ang tamang relihiyong sa Dios ay tunay na mananampalataya sa Panginoong Jesucristo at mananamba sa Dios sa Espiritu at katotohanan. Juan 4:23-24 Sila ay ang tinawag na kawan ni Cristo Jesus. Juan 10:1-8
Mga pagsipi:
- Retreived from https://www.infoplease.com/culture-entertainment/religion/major-religions-world
- Retreived from "Religion - Definition of Religion by Merriam-Webster". Retrieved 16 December 2019.
- Morreall, John; Sonn, Tamara (2013). "Myth 1: All Societies Have Religions". 50 Great Myths of Religion. Wiley-Blackwell. pp. 12–17. ISBN 978-0-470-67350-8.
- Nongbri, Brent (2013). Before Religion: A History of a Modern Concept. Yale University Press. ISBN 978-0-300-15416-0.
- Aldwin CM, Park CL, Jeong Y-J, Nath R. Differing pathways between religiousness, spirituality, and health: A self-regulation perspective. Psychology of Religion and Spirituality. 2014;6(1):9–21. doi:10.1037/a0034416
PAGSUSULIT:
1.
Ang tunay na relihiyon ay
may kasaysayan sa pagnanakaw at pagpapatay
Mayaman at makapangyarihan sa materyal na bagay
Dalisay at walang kapintasan
2.
Ano relihiyong Kristiyanismo ay marami ang sangay ng sekta at denominasyon.
Tama Mali
3.
Ano ang unang relihiyon na umugnay kay Jacob at nagpapatibay sa TANAKH o sa kautusan ni Moises? Islam Kristiyanismo Judaismo
4.
Anong sekta ng relihiyong Judaismo ang hindi naniniwala sa pagkabuhay na maguli ni Cristo Hesus tulad ng mga ‘gnostics’ sa unang siglo AD.?
Saduceo Fariseo Sanhedrin
5.
Ano ang binigyang diin at pagpapahalaga sa tunay na relihiyong sa Dios?.
Idolohiya (ideology) ng samahan
pagpapalawak ng kapamahalaan at kapangyarihan sa lupa
Kaharian at paghahari ni Cristo Hesus - espiritwal na kalagayan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento
As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...