MAHALAGANG ARAL TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG
Layunin ng pag-aaral sa paksang ito:
2. Ano tunay na kahawig ng bautismo sa tubig sa Lumang Tipan
3. Ang bautismo ay mahalagang utos
4. Sino sino nga ba ang nararapat magpabautismo sa tubig
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito.
"Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan."
Markos 16:16
ABSTRAK
Ang Biblikal na pakahulugan ng ikalawang buhay at pag-asang ipinangako at hatid ng Panginoong Jesucristo bilang tunay na Tagapaligtas ng lahat ng makasalanan, ay magsimula sa isang kamatayan. Tinatalakay ng naunang aralin na tungkol sa 'pagsisisi', ipinapaliwanag sa atin na ang tunay na kahulugan ng pagsisisi ay ang kamatayan ng lumang pagkataong makasalanan. Ang magtamo ng panibagong buhay na kaloob ng Dios na tinawag na Kaniyang biyaya sa sangkataohan ay isang proseso. Hindi ito nagtatapos sa pagsisisi ng mga kasalanan, tanda ng kamatayan ng lumang pagkatao, kundi sinundan din ito ng proseso ng paglilibing. Ang patay ay dapat ibaon sa ilalim ng lupa o ilibing.
Ang tamang panunumbalik sa Dios ay magsisimula sa pagsisisi ng mga kasalanan. upang mamatay ang dating taong isinilang sa mundong ito na makasalanan, at ang bautismo naman sa tubig ay ang sunod na mahalagang hakbang na siyang kasunod na magaganap gaya ng libing na isinasagawa ng lahat ng mga namamatay. Sa paksang ito ay tatalakaying mabuti at bigyang diin kung ano ang tunay na katuruan at ang pagpapahalaga nito sa aral ng bautismo sa tubig.
ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG BAUTISMO SA TUBIG
Ang "bautismo sa tubig" ayon sa turo at mahalagang atas ng Panginoong Jesucristong binilin at iniutos niya sa Kaniyang mga alagad at malinaw na masundan sa tala ng mga aklat ng ebanghelyo gaya ng sulat ni Mateo, Markos, Lukas at ni Juan. Hindi mababago ang katotohanang ang patay ay nangangailangang ito ay mailibing o maibaon sa lupa kung saan siya babalik gaya ng kaugaliang pinapairal ng mga Hudeo hango pa sa Lumang Tipan na binanggit din ng Panginoon sa Bagong Tipan. Genesis 23:4, 6; Deuteronomio 23:21;Daniel 12:2; 1 Hari 11:15; Genesis 3:19; Ecclesiastes 12:7; Mga Awit 146:4; Lukas 9:60.
Ang patay na katawan ay may dalang maraming sakit kaya't ang paglilibing nito o pagbabaon nito sa ilalim ng lupa ay ang siyang pinakadahilan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga taong buhay. Ito ay nagiging batas at kaugalian na ng maraming bansa at atas mismo ng Sangay ng Pangkalusugan. Maging sa bansang Pilipinas, ito ay napasailalim ng "Sanitation Code of the Philippines" - Chapter XXI, Sec. 89, 90, at 91 na patungkol sa "Disposal of Dead Persons". Ang patay ay dapat iliibing o ibaon sa ilalim ng lupa.
MAHALAGANG BILIN AT ATAS NG PANGINOON TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG
PAGTUPAD NG MGA ALAGAD SA ATAS NG PAGBABAUTISMO SA TUBIG
Ang unang mensahe na ipinangaral ng mga apostol nang araw ng Petecostes ay humantong sa isang utos na ang bawat isa ay dapat mabautismuhan Gawa 2:38.
Ang bautismo ay mahalaga at dapat maisagawa alinsunod sa banal na kasulatan.
Ang Kahalagahan ng Baustismo sa Tubig
Narito ang mga talata na magpapatunay ng kahalagahan nito Marcos 16:15-16; Roma 6:1-6; 1 Pedro 3:18-21.
Ang Bautismo sa Tubig Ayon sa Tunay Aral at Kahawig
Ito ay hindi wisik o buhos na ginawa ng aral ng taong binago ang diwa ng kahalagahan ng tunay na kahulugan ng bautismo, kundi lubog alinsunod sa tunay na unawa ng pagpapahalaga ng atas ng Panginoong Jesus.
Lubog sa Tubig
- Juan 3:23 - maraming tubig
- Gawa 8:38 - kapwa lumusong sa tubig
- Gawa 8:39 - nagsiahon mula sa tubig
- Roma 6:4 - nangalibing sa pamagitan ng bautismo
- Roma 6:5 - kawangisan ng kaniyang kamatayan
Wisik o Buhos
Baptizo (Griyegong salitang bautismo)
- Sa Greek English ** Liddel, Scott, at Thayer, ang bautismo ay hango sa Griyegong salitang baptizo na nangangahulugang "ilubog".
- Sa Classic Greek-English Dictionary ni Pollet, ang Griyegong salitang baptizo ay nangangahulugang "ilubog sa ilalim".
- Sa Divry's Greek-English Dictionary, ang Griyegong salitang baptizo ay may kahulugang "ilubog".
- Sa Emphatic Diaglott, na naglalaman ng orihinal na Griyegong teksto, ang Griyegong salitang baptizo ay nangangahulugang "lubog" sa bawat pagkakataon
Dagdag na patotoo na ang bautismo ay lubog sa tubig:
- Schaff-Herzog Religious Encyclopedia - Vol. 1, p. 451
- Catholic Biblical Encyclopedia - p. 61, paragraph 2
- Encyclopedic Dictionary of the Bible - p. 202
- World Book Encyclopedia - Vol. 2, p. 70
- Encyclopedia of Lutheran Church - Vol. 1, p. 188
- Pulpit Commentary by Imminent Scholars - Vol. 18, p. 156
- Turo muna bago ang bautismo Mateo 28:19
- Pananampalataya muna bago ang bautismo Mga Gawa 8:36-37
- Pagsisisi muna bago ang bautismo Gawa 2:38
- Chambers' Encyclopedia - Vol. 2, p. 112
- Interpreter's Bible Dictionary - Vol, 1, p. 352
- Encyclopedia Britannica - Vol. 3, p. 138
- A History of the Christian Church ni Walker - p. 87-88
- Time Magazine (May 1968) - p. 58
PAGSIPI:
- Stanley J. Grenz, Theology for the Community of God (Grand Rapids, MI: Eerdmans, 2000), 528
- John Calvin, Institutes of the Christian Religion Archived 17 February 2007 at the Wayback Machine; Gregg Strawbridge, Ph.D.; Jordan Bajis Archived 19 April 2008 at the Wayback Machine,
- "Catechism of the Catholic Church, How is the Sacrament of Baptism Celebrated?". The Holy See. Retrieved 11 February 2021.
- "Infant Baptism: What the Church Believes | Antiochian Orthodox Christian Archdiocese". ww1.antiochian.org. Retrieved 19 June 2021.
- "Coptic Orthodox Diocese of the Southern United States - Q&A". www.suscopts.org. Retrieved 19 June 2021.
- Goebel, Greg (6 March 2013). "Infant Baptism: Why do Anglicans Baptize Babies?". Anglican Compass. Retrieved 19 June 2021.
- "Doctrine - Frequently Asked Questions - The Lutheran Church—Missouri Synod". www.lcms.org. Retrieved 19 June 2021.
- "Why Does the Orthodox Presbyterian Church Baptize Infants?: The Orthodox Presbyterian Church". opc.org. Retrieved 19 June 2021.
- "About Baptism". United Church of Christ. Retrieved 19 June 2021.
- "Doctrine - Frequently Asked Questions - The Lutheran Church—Missouri Synod". www.lcms.org. Retrieved 19 June 2021.
- Manns, Peter; Meyer, Harding (1984). Luther's Ecumenical Significance: An Interconfessional Consultation. Fortress Press. p. 141. ISBN 978-0-8006-1747-9. When modern Methodists expound infant baptism, they think first of " prevenient grace,” for which infant baptism is said to be an effective, or at least a useful, sign.
- "The Sacrament of Baptism | Moravian Church In America". Retrieved 19 June 2021.
- "Baptism and Communion". United Church of Canada. Retrieved 28 March 2021
- The 1980 Instruction of the Congregation for the Doctrine of the Faith states that "Many inscriptions from as early as the second century give little children the title of 'children of God', a title given only to the baptised, or explicitly mention that they were baptised: cf., for example, Corpus Inscriptionum Graecarum, 9727, 9801, 9817; E. Diehl, Inscriptiones Latinae Christianae Veteres (Berlin 1961), nos. 1523(3), 4429A."
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)
1. Ang tunay na kahulugan at biblikal na patunay ng bautismo ay wisik a buhos ng tubig sa babautismohan
.. Tama Mali
2. Hindi na mahalaga ang bautismo sa kaligtasan
ayon sa atas ng Panginoon sa Markos 16:16
Tama Mali
3.
Sino-sino ang nararapat tumanggap ng bautismo
sa tubig tanda ng pagsisisi sa kasalanan?
sanggol nasa hustong gulang upang magpasya ‘señor citizen’
4.
Ang orihinal na gamit sa Griegong salita na
“baptidzo” sa bautismo ay nangangahulugan:
Wisik Buhos Lubog
5. Mahalaga bang utos ni Cristo ang ituro ang
kahalagahan ng pagbabautismo sa tubig?
Oo Hindi
Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...
TumugonBurahin