____________________________________________________________________________________________
WARNING:
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.
The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building.
____________________________________________________________________________________________
ARALIN PANG LABING WALO
© copyright 2021
Layunin ng pag-aaral sa paksang ito:
1. Ang kahalagahan ng pagapuspos sa banal na Espiritu
2. Ang bautismo sa Espiritu ay ang pagkapuspos sa banal na Espiritu o sa kapanganakan sa Espiritu
3. May kalakip na tamang proseso ang pangtanggap ng banal na Espiritu
4. Ang sinomang puspos ng banal Espiritu ay makita sa kaniya ang bunga nito
5. Ibahaging mabuti ang katotohanan ng Biblia tungkol sa kahalagahan ng kapanganankan sa banal na Espiritu.
"At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain."
Mga Gawa 2:41
ABSTRAK
Ang kapangakan sa espiritu ay tunay na karanasan at patotoo ng pagpasok sa kahariang binanggit ng Panginoong Jesus nang siya ay nasa lupa na gumanap bilang tunay na Cristo. Ang kaharian ng Dios o ng Langit ay malinaw na hindi tumutukoy sa isang pisikal na kaharian dito sa lupa kundi ito ay sa espiritwal na kalagayang pinangangasiwaan ng Dios mismo saganang Siya nga ay Espiritu at nananahan sa kalangitan.
Kung paanong ipinangako ng Dios sa Lumang Tipan sa pamamagitan ng mga propetang ginamit niya tulad ni Joel at Isaias na sa mga huling mga araw ay ibubuhos Niya ang Kaniyang Espiritu sa lahat ng laman Joel 2:28-29, at ganun din ang pahayag ni Isaias na ang Dios ay mangungusap sa kaniyang bayan sa pamamagitan nilang magsasalita sa ibang pangungusap at sa ibang wika, na siyang tinawag ng Dios na tunay na kapahingahan na nais Niyang maranasan ng Kaniyang mga hinirang, sa makatuwid ay tumutukoy hindi sa pisikal na kalagayan ng tao kundi sa kanilang kaluluwa o espiritung kalagayan na hihimlay sa presensya at kapayapaan ng buhay na Dios Isaias 28:11.
ARAL NG KAHALAGAHAN NG PAGKAPUSPOS NG ESPIRITU SANTO
Hindi ang kalagayang nasa laman ang pinapatungkulan na siyang makapasok sa kaharian ng Dios sa dahilang ang kaharian ng Dios ay tumutukoy sa espirtwal na kalagayan ng tao, subali't may kinalaman din ang laman na tumutukoy sa buhay ng tao sa mundong ito na siyang magpapasya upang papasukin niya ang Espiritu ng Dios sa kaniyang puso habang siya ay may pagkakataon pang tanggapin pa ito ayon sa kalayaang pinagkaloob ng Dios sa tao habang siya ay nabubuhay pa sa laman. Ang Banal na Espiritu ay ibubuhos ng Dios sa lahat ng laman o sa lahat ng nabubuhay sa lupa ayon sa Kaniyang ipanangako na siyang tunay na kapahingahan ng mismong kaluluwa nito at magtagumpay sa espiritwal na lakad, ang tunay na panunumbalik sa Dios na syang Espiritu. Ang kaluluwa ang magmamana ng kaharian ng Dios, hindi ang laman o ang katawang lupa na may kabulukan 1 Corinto 15:50.
"At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Diyos. Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kanya."
Paano natin malalaman na ang isang tao ay napuspos na ng Espiritu Santo? Mayroon bang mga palatandaang nakasulat sa Bibliya tungkol sa karanasang ito? Tayo ay napapabilang sa panahon ng mga alagad na tinawag na mga huling araw, at kung paanong naging mahalaga ang aral at karanasan ng pagtanggap at mapuspos ng Banal na Espiritung ipinangako ng Dios, ay ganun din naman tayong saklaw ng ebanghelyo ni Cristo at ng aral ng mga Apostol Gawa 2:41. Upang hindi tayo madaya ninuman, ating pag-aralang mabuti ang mga tala ng Biblia sa kaganapan ng unang iglesiang tinatag ng Panginoon sa unang siglo na natala sa aklat ng "Gawa ng mga Apostol".
UNAWA SA TUNAY NA PAGSUNOD SA PROSESO NG PAGTANGGAP
Ang pagtanggap ninoman sa Panginoon Jesus bilang sariling Tagapagligtas ay pagkaunawa sa tamang pagsunod at pagtalima sa Kaniyang kalooban. Hindi natatapos ang pagtanggap sa Panginoon sa pagpapasya ng isipan lamang, kundi gumagawa ito ng tunay na pagpapasyang sumunod sa lahat ng pinag-uutos ng Panginoon gaya ng Kaniyang mga alagad at pangangaral nila sang-ayon sa atas at utos ng Panginoong Jesus na tumawag sa kanila.
Ang tao ba ng magpasya siyang tanggapin ang Panginoon upang siya ay magiging kaniyang Tagapagligtas ay kasabay na rin na tinanggap niya ang Espiritu Santo? Ang aral ng mga alagad at pagsunod nila sa Panginoon ang sasagot sa katanungang ito sa aklat ng mga Gawa ng mga Apostol. Nang tinawag, sumampalataya, sumunod sila kay Cristo at iniwan nila ang lahat ay wala pa silang Espiritu Santo, ngunit sila'y.nagliilingkod na rin sa Panginoon ng mga panahong iyon. Unawaing mabuti ang konteksto ng mga tunay na pagkakasunod ng prosesong ipinakita ng Dios sa kanila:
- Hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu Santo sapagkat hindi pa niluluwalhati ang Panginoong Hesus Juan 7:37-39.
- Hindi pa umaakyat si Hesus sa langit nang ibigay niya ang pangakong ito Lukas 24:45-49.
- Paakyat pa lamang si Hesus sa langit Mga Gawa 1:8.
TUNAY NA ARAL NG MGA APOSTOL SA PANGTANGGAP NG ESPIRITU SANTO
Suriing mainam at sundang mabuti ang mga halimbawa ng mga unang Kristiyano. Paano nila tinanggap ang Espiritu Santo sa aklat ng mga Gawa? Silang lahat ay nagsalita ng iba't ibang wika ng sila ay mapuspos ng Espiritu Santo ayon na rin sa ipinangako ng Dios sa pamamagitan ng mga propeta na Joel at Isaias na mangyayari sa mga huling araw.
Unawaing mabuti ang mga talang ito ng mga Gawa 2:1-21, 37-39, 10:44-48, 19:1-6. Sila ay nagsalita ng iba't ibang wika o "glossalalia" sa Griegong salita na nangahulugang "ibang salita" (new tongue/language, unknown tongue/language. Ito ay lalakip wika ng Panginoon at tanda sa lahat ng mga sumampalataya at mabautismohan Markos 16:17. Ang simula mismo ng kaganapan ng ipinangako sa Lumang Tipan ay nangyari sa aklat ng mga Gawa 2:3-7, tinawag itong "maagang ulan o unang patak" at hindi dito ito natatapos kundi may sinabi ang Dios sa pammagitan ni propeta Joel na susunod na huling ulan na dakila kay sa unang pagbuhos ng Espiritu Santo sa lahat ng laman Joel 2:23.
HINDI ARAL NG DIYABLO ANG PAGSASALITA NG IBANG WIKA BILANG TANDA NG PAGKAPUSPOS NG BANAL NA ESPIRITU
Ang pagsasalita ng ibang mga wika "glossalalia" matapos ang tao ay sumuko ng kaniyang kasalanan at buhay sa Panginoon, at tinanggap ang bautismo ng Espiritu Santo ay hindi aral ng diyablo ayon sa ipinalalagay ng iba na hindi tumanggap ng tamang unawa ng ebanghelyo ni Cristo at hindi nakaranas ng bautismo ng Espiritu Santo at apoy na mismong si Jesus ang gaganap nito sa tunay na humanap at sumunod sa kaniya batay na rin sa pahayag ni Juan Bautista Mateo 3:11.
Ang karanasan ng pagsasalita ng ibang wika o "glosalalia" tanda ng pagkapuspos ng Banal na Espiritu ng sinoman ay malinaw na ipinapaliwanag ni Apostol Pablo sa mga taga Corinto sa 1 Corinto 14:2 na ito'y wika na hindi naintindihan ng nagsasalita nito o ng iba kundi ang Dios ang nakakaunawa, tanda ng pangungusap ng Dios sa espiritu ng taong tumanggap nito,
Kung may tunay na karanasan ng pagsasalita ng ibang wika tanda ng pagkapuspos ng Banal na Espiritu, ay ganun din namang meron itong peke o gaya gaya lamang at hindi totoo. Ito ay pilit na ginagaya ng diyablo, at kaya nga ginagaya ito ay dahil totoo I Corinto 14:18-39 at madali itong maalaman ng mga tumanggap na ng tunay na karanasan o totoong pinanahanan na ng Espiritu ni Cristo.
TUNAY NA MGA TANDA NG TAONG PUSPOS NG BANAL NA ESPIRITU
Taglay ng sinomang puspos na ng Banal na Espiritu o pinanahanan na ng Espiritu ni Cristo ang kaloob o mga kaloob ng Espiritung mahahayag kung saan dito makitang sila'y gumaganap ayon sa pinagkaloop ng Dios sa espiritwal na pagmiministeryo o paglilingkod 1 Corinto 12:1-11; at hingit sa lahat gumagawa ito ng pagbabago at kagandahan sa buhay ng tao na makikita sa kanila ang bunga ng Espiritu Santo Galacia 5:22-23.
Ang mga Patotoo na may Espiritu ng Diyos ang isang Tao
TAMANG UNAWA SA PANAHONG KINABIBILANGAN
Ang panahong kinabibilangan ngayon ng tunay mga tinawag ng Dios sa Kaniya na siyang tunay na iglesiang tinayo sa ibabaw ng batong si Cristo, ang mga tunay na tagapagmana ng kahariaan ng Dios, ay napapabilang sa huling mga araw sinabi at ipinangako ng Dios na ibubuhos Niya ang Kaniyang Espiritu sa lahat ng laman.
Ang unang kaganapan ng unang patak ng ulang ito ay nangyari sa panahon ng mga alagad na kung saan pagkatapos nito ay naisilang ang iglesia ng Dios na silang lahat ay naisilang sa tubig at espiritu. Silang lahat ay nabautismohan sa pangalan ni Hesus at puspos ng Banal na Espiritu. Ang iglesiang nanatili naman sa aral ng mga Apostol na nabautismohan sa pangalan ni Hesus at puspos ng Banal na Espiritu ay ang siyang makakaranas pa sa pangakong darating at aasahan, ang patak ng huling ulan ng pagbuhos ng Banal Espiritu.
Pagsipi:
- (Hango sa mga talata
ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia;TLAB)
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)
1.
Ang kapanganakan sa espiritu o bautismo sa espiritu ay ang pagkapuspos ng banal na Espiritu
Tama Mali
2.
Ang tandang ibinigay ng Dios sa pagtanggap o pagkapuspos ng banal na Espiritu ay sa Isaias 28:11 at Markos 16:17 ay:
pagluha o pagtangis pagsisigaw dila, magsalita ng ibang wika
3. Ayon sa aklat ng mg Gawa 19:6, ano ang palatandaan na napuspos ang mga alagad ni Juan Bautista ng banal na Espiritu ng maipatong ni apostol Pablo ang kaniyang kamay sa kanila?
nag-aawitan sila nangangaral sila
nagsasalita sila ng ibang wika at nanganghuhula
4.
Nagsasalita ba ng ibang wika (glossolalia) ang lahat ng mga alagad sa aklat ng mga Gawa 1:4 ng silang lahat ay mapuspos ng banal na Espiritu?
Hindi Iilan lamang Oo, silang lahat
5.
Nagbabago ang buhay ng taong puspos ng banal na Espiritu at makita sa kaniya ang bunga ng Espiritu ayon sa Galatia 5:22
Tama Mali
Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...
TumugonBurahin