KAHARIAN NG PANGINOONG CRISTO HESUS
Layunin ng pag-aaral sa paksang ito, malaman:
2. Ang tamang unawa sa kaharian ng Panginoong Cristo Hesus
3. Ang tamang paraan ng pagpasok ng kaharian ng Dios
4. Ang kaharian ng Dios ay siya ring Iglesia ng Panginoong Cristo Hesus
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito.
"Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon."
Apocalipsis 20:6
ABSTRAK
Ang kaharian ay malinaw na tumutukoy sa isang organisadong pamayanan o teritoryong pinamamahalaan at pinamumunuan mismo ng isang hari o reyna gaya ng sa kalagayang monarkiya o "monarchy" sa isang payak na halimbawang madaling maintindihan. Ang kaharian ay may bahagdan o sistemang pinapairal na kumikilala sa iba't ibang katungkulan at libel ng kapangyarihan, halpunuan o hirarkiya, ngunit ang lahat ng mga ito'y saklaw ng kapangyarihan ng mismong hari na siyang may taglay na pinakamataas na kapangyarihan.
Ang kaharian ay matagal ng umiiral na sistema ng kapamahalaan na nagsimula sa panahon ng ang bayan ng Israel mula sa ilalim ng rektang pamamahala ng Dios nito na tinawag na Theocracy o "God rules". Ito ang unang halimbawa ng kaharian na nabago at napalitan nang ang bayan ng Dios ay humihiling ng pinuno na kanilang makita at pisikal na malalapitan. Ito ay tinawag na "monarchy" o pinamunuan ng monarch o hari, at si Haring Saul ang tinawag na unang hari ng bayan ng Israel.
Sa pag-aaral ng paksang ito, ay nilalayon na malalaman kung ano nga ba ang kaharian ng Dios at ano ang nais ng Dios na maunawaan ng tao sa uri ng kaniyang pamamahala, at kung ano ang tunay na kalagayan ng kaniyang kaharian na siyang magpasa walanghanggan.
KAHULUGAN AT MGA URI NG KAHARIAN
Ang "monarch" mula sa sistema ng kapamahalaan ng "monarchy" ay ang kataas taasang pinuno o tagapanguna (sovereign ruler) na tinawag na hari. Ang salitang "monarch" ay mula sa griegong wika na (μονάρχης) "monárkhēs" o "sole ruler" (hango sa μόνος, mónos, "single" or "sole", at ἄρχων, árkhōn, lider o "ruler", "chief", pandiwang pangkasalukuyan ng ἄρχειν, árkhein, "to rule", "to lead", mula sa pangngalan na ὰρχή, arkhē, "beginning", "authority", "principle").
Ang kataas taasang mga katawagan "sovereign titles" ay may tatlong grupo na matatagpuan sa Europa at Kanlurang Asya at ito ay ang:
- "Imperial" (Emperor - "military title", "empire"; Ceasar - sa Roma; Kaizer - sa Germany; Tsar / Tzar /Csar /Czar - sa Bulgaria, Russia at Slavic na mga bansa; Huangdi - sa Imperial China; Samrat - sa Ancient India, etc.)
- "Royal" (Hari "King" - mula sa germanic na "kuningaz" na ang ibig sabihin ay anak ng mga tao o "son of the people", ang "realm" ng hari ay tinawag na kaharian o "kingdom"; Rex - latin sa "ruler" magkaugnay sa "Raja" o "Regina"; Basileus - sa Mycenean Greek na ibig sabihin ay "chieftain"; Negus - sa mga Ethiopian; Melech - mula sa sinaunang Hebreo; Sultan/Malik - arabic ng "power" at "king"; Pharaoh - ng Egypt, etc.), at
- "Princely" o "Ducal" (Kataas taasang Prinsipe "sovereign prince" sa latin na "princeps" na nangangahulugang "first citizen"; sa Pilipinas, Bai - cebuano na salita na nangangahulugang prinsipe, Ampuan - sa Maranao "dinadalanginan", Datu - sa Visayas at Mindanao na tumutukoy din sa pinuno ng kaharian na umuugnay din sa Raja, Lakan (sa hari at Dayang sa reyna) o "ruler" - sa Luzon; etc.)
Sa iba't ibang katawagan batay sa kung anong lugar ito napapabilang, isa ang pakahulugan at pinanggagalingan nito na mula sa sistema ng monarkiya "monarchy" na kumikilala sa isang "sovereign ruler" o "sole leader" na siyang nakakataas sa lahat ng kaniyang nasasakupan.
ANG KAHARIAN NG LANGIT O NG DIOS
Ang Dios ay may kaharian buhat pa sa simula ng lalangin niya ang tao sa balat ng lupa hanggang sa ito ay naging bayan. Mula sa Theocracy "God rules" na inayawan ng mga tao ng magpasimulang tumigas ang kanilang ulo sa nais at paghahangad ng magsarili at gawin kung ano ang gusto niya. Dito pumasok ang monarkiya "monarchy". 1 Samuel 8:5-6
Nang dumating si Cristo, isa sa pinakalayunin ng kaniyang pagpaparito ay ang itayo muli ang isang kahariang sinira ng tao, ang kaharian na mismo ang Dios muli ang manguna at gagabay sa tao, yamang ito ay mas lalong napapahamak, naging bayang nagkawatak watak na nawalan ng tunay na pastor na siyang mangangasiwa sa kanila, ang wika niya ng makita niya sila. Mateo 9:35-36
Mula sa ilang ay may isang lalaking tinawag ng Dios nagngangalang Juan, ang anak ni Elisabeth. Siya ay taimtim na nanalangin at nag-aayuno, tumugon sa tawag at gumanap sa kalooban ng Dios, ang katuparan ng mga hula sa lumang tipan. may ningas na sumisigaw "Mangagsisi kayo dahil ang Kaharian ng Langit ay malapit na". Mateo 3:1-3 Matapos ng pangyayaring ito, paninigurong sinundan din ito ni Cristo, ang hudyat ng pagpapasimula ng kaniyang ministeryo ng pangangaral tungkol sa kaharian ng langit, ay sa ganun din mensahe sinabi nya, "Mangagsisi kayo dahil ang Kaharian ng Langit ay malapit na". Mateo 4:17
Ang pagamit ng salitang "kaharian ng langit" at "kaharian ng Dios" ay binibigyan ng teyorya "theory" kung ano ang kanilang pagkakaiba.
- Una, ay ang "Vine's View" na nagsasabing ang kaharian ng Dios ay tumutukoy sa kumpletong otoridad, buong katuwiran at kabanalan sa pananahan ng Dios sa puso ng mga mananampalataya, samantalang ang kaharian ng langit ay wala pa sa lupa kundi ito ay sa pagdating ng millenial na paghahari ni Cristo.
- Ang pangalawa, ay ang" Scofield's View" na nagsasabing ang kaharian ng Dios ay para lamang sa mga mananampalataya, parehas ng mga tao at mga anghel na handang magpasakop sa kalooban ng Dios, at ito'y espiritwal at eternal; samantalang ang kaharian ng langit naman ay para sa mga taong nagpapahayag sa Dios, maaring mga naniniwala o hindi at ito'y pisikal at temporal lamang. Ang pananaw na ito ay tinawag na "dispensational theory", at madaling maitanggi kung maniniwala kang ang kaharian ng Dios at kaharian ng langit ay isa lang.
- Ang pangatlo, ay ang "Theory of Similarity" o parehas lamang ito na pananaw. Ang halimbawa nito ay ang sinabi ng Mateo 19:23-24 na bumanggit ng parehas na kaharian ng langit at kaharian ng Dios.
- Ang pang-apat, ay nakatoon sa kung kanino ito sinabi "audience". Ang mismong aklat ni Mateo ay nakatoon sa mga Hudeo na isang pamumusong sa Dios na ituring kapag bigkasin mo ang tetragrammaton na kumakatawan sa Dios batay sa Exodo 20:7. Ang "langit" ay kapag mga Hudeo ang kausap at "Dios" naman sa mga hindi Hudeo na may mga dios diosang kinikilala.
Pagsipi:
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)
1.
Ano ang unang uri ng kapamahalaan sa tao mula sa simula?
‘Theocracy’ pamumuno ng Dios (God rules)
‘Monarchy’ pamumuno ng tao - pamumuno ng Hari o Reyna (Kingly rulership) ‘Democratic’ na uri ng pamamahala - pamumuno ng mga tao (People rules)
2.
Ano ang ipinalit ng bayan ng Dios sa unang kapamahalaan?
‘Theocracy’ pamumuno ng Dios (God rules)
‘Monarchy’ pamumuno ng tao - pamumuno ng Hari o Reyna (Kingly rulership)
‘Democratic’ na uri ng pamamahala - pamumuno ng mga tao (People rules)
3.
Ano ang ibabalik ng Dios na pamamahala sa espiritwal na kalagayan sa pamamagitan ni Cristo Hesus?
‘Democratic’ na uri ng pamamahala - pamumuno ng mga tao (People rules)
‘Monarchy’ pamumuno ng tao - pamumuno ng Hari o Reyna (Kingly rulership)
Kaharian ng Dios (Theocracy) pamumuno ng Dios kay Cristo Hesus
4.
Sino sa mga alagad ang pinagkakatiwalaan ng Panginoong Hesus ng mga susi sa kaniyang kaharian sa Mateo 16:16-17?
Juan Bautista Simon Pedro Pablo
5.
Ang kaharian ng Dios kay Hesus ay kumakatawan sa:
Simbahan o gusaling pananambahan
Relihiyon
Katawan ni Cristo, ang Iglesia
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento
As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...