ANG BIBLIA: ANG ORIHINAL NA WIKANG GAMIT

____________________________________________________________________________________________
WARNING: 
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.   

The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building. 
____________________________________________________________________________________________





ARALIN UNA
© copyright 2021


Layunin ng pag-aaral sa paksang ito:
1.  Aralin at alamin ang wikang gamit ng bayan ng Dios sa simula.
2.  Aralin at alamin ang wika, sulat at kultura ng bayan ng Dios.
3.  Aralin at alamin ang paglalakbay ng pag-usad ng imbensyon ng sulat o "script"  
4.  Aralin at alamin ang pag-usad ng paglago ng estilo ng pagsusulat hanggang sa pagsasalin nito sa ibang wika mtapos ang matinding baha sa panahon angkan ni Noe.
5.  Lumalim sa pananalig sa Dios sa pamamagitan ng pagkakaalam ng katotohanan.
6.  Maibahagi ng tama sa iba ang katotohanan tungkol sa paksang ito.


ABSTRAK

May isang wika at salita lamang ang inilagay ng Dios sa bibig ng unang bayang tinawag niya para sa kaniya simula kay Adan.  Ito rin ang salitang gamit ng Dios upang kausapin at kaugnayin ng Dios si Adan at kaniyang kabiyak sa halamanan ng Eden, ang tinawag na paraisong ang tao ay wala ng pangangailangan pa dahil naroon kasama nila ang Dios na may lalang ng lahat ng bagay.  Ang nag-iisang salitang ito ay nadagdagan ng marami pang wika simula ng lituin ng Dios ang orihinal na salitang gamit ng mga anak ni Noe ng labagin nila ang kalooban ng Dios na magpangalat sa buong lupain sa pamamagtitan ng pagtatayo nila ng moog ng Babel na ang layunin ay abutin ng taluktok nito ang langit at upang maiwasan ang muling baha na maari pang darating. Ang buong kaganapang ito ay matatagpuan sa salaysay ni Moises sa aklat ng Genesis kapitulo onse (11) sa mga talatang una (1) hanggan siyam (9).  

Ang salita o wikang Hebreo batay sa masusing pag-aaral ay ang wikang unang ginamit ng bayan ng Dios hanggang sa lituin ng Dios ito.

"At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita." 

Gen. 11:1


BUOD

ANG WIKA NG KABANALAN

(Lashon HaKodesh) o

 WIKANG BANAL 

(Lashon Kodesha)


"The Holy Tongue/Language"


Simulain ng Katawagang "Hebreo"

Ang salita o wikang "Hebreo" batay sa masusing pag-aaral ay ang wikang unang ginamit ng bayan ng Dios hanggang sa lituin ng Dios ito.

  • 'Hebrew' (Ivrit: ) ay tawag sa isang pinakamatandang salita (language) sa buong mundo. 

  • Ang katawagang ito nagmumula sa Eber ('ever) (), ang anak ni  Shem; 'ever' ay nagangahulugang  "region across or beyond" mula sa ugat na salitang ang ibig sabihin ay paglampas (pass over).

  • Shem ay tinawag na , "ang ama ng lahat ng anak ni Eber" (Gen 10:21); at kaya ang Hebrew na lahi ay tinawag na Shemites o sa kilalang bansag na Semites.

  • Sa mga kasulatan, ang  Hebreo ay ginamit na pang-uri o adjective () tukuyin ang mga Hudeo (Jews), ibig sabihin ay "mula sa ibang lugar"  (from the other side, i.e., mula sa  Ilog ng Euphrates). 'Ivrit' ang tawag sa 'Modern Hebrew'.

  • Sa Genesis 31:47, sina Laban at Jacob ay bumanggit ng pagsasalangsang ng mga bato sa kanilang sariling salita.  Si Laban ay gumamit ng katagang "Yegar Sahaduta" na Aramaic, ngunit si Jacob ay gumamit ng  () "Gal-Ed" na syang Hebrew.

Unang Pinagmumulan  (Primordial Origins)

  • Ang 'Garden of Eden', o gan eden () ay kilala bilang ang unang paraiso, ang lugar na syang pinagmumulan ng pagka 'b'tzelem elohim', sa wangis ng Dios. Ang wangis na ito ay tumutukoy din sa ibinigay ng Dios na kakayahan sa pagsasalita o language. (ang teorya na ang orihinal sa salitang pinanggagalingan na ibinigay sa Eden ay tinawag na "Edenics"). Ang tao ay napalayas sa Eden, at nagsimulang mangalat sa ibabaw ng mundo.

  • Ang Malaking Baha (Great Flood)o 'mabul' () sanhi ng hatol sa lahi o clans ng antediluvian sa tuloy tuloy nilang baliwalain ang sinasabi at kalooban ng PANGINOON. Ang tanging nakaligtas lamang mula dito ay rektang dugo ng lahi ni Noach

  • Ang 'Toldot b'nei Noach' (ang mga henerasyon ni Noe, (Table of 70 Nations) na natala sa Genesis sampu 10), nagpahiwatig ng ilan sa kanilang mga naunang migrasyon ng mga lahi. Ang anak ni Noe na si  Shem ay tinawag ding , "ang ama ng lahat ng mga anak ni Eber" (Gen 10:21); ang mga lahi o 'toldot' ibinigay sa kaniya sa Genesis 11:10ff.

  • Ang Tore ng Babel, o 'migdal bavel' () mula sa "sa mga kapatagan ng Shinar" ng lumang Mesopotamia (Gen 11:1-9) ay knikilala sa kasaysayan na orihinal na lugar ng lumang Babilonia. Marahil ang toreng ito ay larawan ng  'idolatrous ziggurat', naglalayong pag-isahin ang mga luma (ancients).

  • Abraham, a pinagmumulang angkan ng lahi ni Eber, tinawag ng Dios mula sa Ur ng Chaldees (i.e., kasdim) c. 1800 BCE, sa lupain ng Canaan. Ang salita ng Canaan sa panahong iyon ay tinawag na "proto-Canaanite," ang magulang na salita (parent language) na dialect ng mga Hittites, Amorites, Hivites, Jebusites, Perizites. Kaugnay sa mga Hebreo, ang 'proto-Canaanite script' maaring tinawag ding 'ketav Ivri'.

  • Sa loob ng 400 na mga taon na ang  lahi ni Abraham ay nasa Egypt (Genesis 15:13), ang mga Hebreo (Hebrews) ay nanatili parin magsalita ng 'Canaanite variant' (e.g. mga kapatid ni Joseph sa Egypt: tingnan ang Genesis 42:23). Ang artikulo ng orthodox na pananampalatayang Hudeo na ang Dios mismo ang orihinal na naghayag ng Torah kay Moses gami ang 'ketav Ashurit' (galing sa ashrei), hindi ng 'ketav Ivri', yamang ang sinaunang mga sulat ay nabansagang walang kabuluhan at hinaluan ng bugtong bugtong lamang na gawa ng mga pagano. Matapos basagin ni Moses ang unang pares ng tapyas ng bato o tablets, ngunit, ang Dios ay sumulat ng pangalawa gamit ang sinasabing walang kabulahang sulat o profane script.

  • Matapos ang 'Babylonian captivity', ang 'ketav Ashurit' ay buong naayos para sa mga Hudeo (Jewish people) sa pamamagitan ng eskribang si Ezra at dumating ang tawagin ito na 'Lashon HaKodesh' (ang wika o salita ng kabanalan (the holy language or language of holiness)). Ang sulat o 'script' din na ito ay hanggang sa ngayon makikita at ginagamit sa pagsasalin ng Torah.  Ang 'modern soferut' (scribal arts) kasama ang 'Bet Yosef', 'Bet Ari', at 'Sephard' na mga estilo ng 'ketav Ashurit' para sa 'Sifrei Torah' (torah scrolls).

  • Ang  'Midrash' sa 'Migdal Bavel' o Tore ng Babel (Tower of Babel) ay nagtuturo na pagdating ng pagtatapos ng panahon, ang lahat ng tao ay minsan muli o mauwi din na magsasalita lamang ng isang salita, at yan ang dalisay na anyo ng dilang Hebreo.  Meron ding 'd'rash' sa talata: "Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay maktawag sa pangalan ng Paninoon..." (Zep. 3:9) na nagsasaad din ng ganun.


Ang 'Proto-Canaanite Pictographs'

Gaya ng matandang sistema ng pasusulat, ang alpabetong Hebreo o mas angkop na tawaging mga karakter ay orihinal nasulat gamit ang 'pictographic script': 


Paalala: Sa karagdagang impormasyon tungkol sa pictographs at ang mga kahulugan nito. 



Ang 'Phoenician Script'

Ang 'Phoenician alphabet' napaunlad sa 'proto-Canaanite alphabet', na nangyari sa kalagitnaan ng  ika-labinwalong siglo at ika-pitong siglo ng lumang panahon (18th and 17th centuries BC).




Ang 'Proto-Hebrew Script'

Ang 'Proto-Hebrew Script' ay tinawag ding sinaunang 'Aramaic Script' at  'Phoenician alphabet' na napaunlad na 'proto-Canaanite alphabet', nangyayari sa kalagitnaan ng ika-labing walong siglo at ika-pitong siglo BC (18th and 17th centuries BC).  Ang buhay na halimbawa nito ay ang 'Moabite Stone'. Ito ay ang 'Hebrew-ketav Ivri' na gamit ng Hudeong bansa hanggang sa 'Babylonian Exile' (o ayon ng 'Orthodox Jews', hanggang sa 'Exodus' mula Egypt ng mga Hudeo).  Sa pagtatapos ng ikaanim na siglo BC (6th century BC), ang 'ketav Ivri' ay napalitan ng 'Hebrew square script' (ketav merube).



Paalala: Ketav Ivri ay ang mahalagang Phoenician alphabet namay dagdag na semantic na kahulugan sa pamamagitan ng gamit na nobelang 'dual-purpose' "vowel leters" (i.e., Aleph, Hey, Vav).  Ang script na ito ay ginamit sa panahon ng Unang Templo (bagaman ito ay ginamit din bilang simbolo ng 'nationalistic revival' ng kapanahonan ng Ikalawang Templo.  Ang pinalawig na bersyon ng sulat o "script" na ito (Samarian) ay ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan. 




Ang 'Samaritan Script'

Kahit tinangkilik ng mga Hudeo ang 'Aramaic alphabet' (sa pangunguna ni Ezra na Eskriba), ang  mga Samaritans ay nanatili sa orihinal na anyo ng 'proto-Hebrew', o di kaya'y pinatunayan nila sa kanilang sarili ipahayag na sila ang tunay na tagapagmana ng 'Judaism'. Sa ganitong dahilan pinili ni Ezra ang 'Aramaic square script' (tinawag na Ketav Ashuri or Ketav Meruba).




Ang 'Classical  Hebrew Script' (ketav Ashurit)

Pagkatapos ng 'Babylonian captivity', ang 'ketav Ashurit' ay pinapanatili  ng mga Hudeo (sa pangunguna pa rin ni Ezra na Eskriba) at tinawag na Lashon HaKodesh (ang banal na salita). Ito ay ginawa maari upang edistansya ang kanilang sarili sa 'Samaritanism'. Ang 'Aramaic characters' ay pinili bilang opisyal na sulat o 'script' para sa 'Torah scrolls' sa ikalimang siglo BC (5th century BC). Ang 'Dead Sea Scrolls' (DSS) ay nasulat sa 'transitional period' na kung saan parehas na ang lumang 'ketav Ivri script' gamit kasama ng 'ketav Ashurit'.

Ang 'classical Hebrew script' na ito ay ginamit ng mga siglo bago dumating ang panahon ng Meseias, at nanantiling hindi nabago hanggang sa mga panahong ito:




Ang 'Modern Hebrew Cursive'

Ang 'modern Hebrew script' (gamit ng Israel ngayon) hango mula sa mga Hudeong 'Polish-Germans'.




Ang 'Rashi-Style Hebrew'

Ang 'Rashi-Style' ay ginamit madalas sa pagsusulat ng komentaryo. Ito ay ipinangalan sa pagkilala kay  Rabbi Shlomo Yitzchaki bilang pagalang (1040-1105 AD) a.k.a. Rashi, isa sa mga dakilang 'medieval Jewish scholars' at 'Bible commentators':


Paalala: Ang Ladino (Judeo-Spanish) at Yiddish (Judeo-German) ay parehong nagmula sa panahon ng middle ages na ang pagamit ng Hebrew characters ay para lamang sa transliterasyon na kadahilanan. Ang Ladino ay gumamit Rashi-style script, samantalang ang  Yiddish ay gumamit ng standard square script.




Mga Panahong Saklaw ng Hebreo

Ang mga 'Scholars' ay madalas na hinati ang salitang Hebreo (Hebrew language) sa apat na salgang panahon o periods:

'Biblical Hebrew' – a.k.a. 'Classical Hebrew'; sa panahon ni Hesus, Aramaic ang pangunahing salita, ngunit ang Hebreo ay ang ginagamit sa mga sinagoga at pagsamba sa Templo. Alam ni Hesus at sinasalita nya ang  'Biblical Hebrew'.

- 'Mishnaic Hebrew' – a.k.a. 'Rabbinic Hebrew'; 'Talmud' at 'Midrash'; ikalawang siglo sa makabagong panahon (2nd century AD). Alamin na ang 'grammar' at bokabularyo nitong 'Hebrew' na ito  ay malaki ang kaibahan sa  'Biblical Hebrew'.

- 'Medieval Hebrew' – Ginamit upang isalin ang gawa ng Arabic sa Hebreo, e.g., Maimonides at iba pang 'medievalists'.

'Modern Hebrew' – Ika-labing siyam na siglo (19th century) AD hanggang sa kasalukuyan. Si Eliezar Ben Yehuda (1858-1922) ay ang nanguna sa pagsilang muli ng Hebreo bilang wikang salitain.  Matapos ng migrasyon sa Israel noong 1881, siya ay nagpapasimulang itaguyod ang pagamit ng Hebrew sa mga bahay at mga eskwelahan.


_____________________________

Pagsipi:

  • Midrash Tanchmah cited by Rashi to Genesis 11:1.
  • Parsons, J. (April, 6, 2021). A Brief History of the Hebrew Language.
  • Kinuha  sa https://hebrew4christians.com/Grammar/Unit_One/History/history.html






TAKDANG ARALIN:

 Sauluhin ang Genesis 11:1




PAGSUSULIT:
ARALIN UNA


1.


Ang salita o wika ay nauna bago ang imbensyon ng pagsusulat.  

                Tama             Mali

2. Ang mahalagang ambag ng sulat ay makilala ang kultura               

          Tama             Mali

3. Pwede bang umusad at  magbabago ang anyo ng estilo ng sulat sa paglipas ng panahon? 

             Oo                Hindi

4.  Ayon sa tala ng kasaysayan, namatay ba ang pagsaslita ng wikang Hebreo?

               Oo                Hindi  

5.


 Sino ang kinikilalang nangunang naghikayat upang buhayin at ibalik ang salitang Hebreo sa bayan ng Israel?.       

    Moses            Eliezar Ben Yehuda’             Ezra

Mga Komento

  1. Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahagi, malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa comment section sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...

Mga sikat na post sa blog na ito

MAHALAGANG ARAL TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG

ANG BIBLIA: KASAYSAYAN NG PAGLALAKBAY NG MGA SALIN

RELIHIYONG TUNAY NA SA DIOS