____________________________________________________________________________________________
WARNING:
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.
The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building.
____________________________________________________________________________________________
ARALIN PANGATLO
© copyright 2021
Layunin ng pag-aaral sa paksang ito ang malaman:
1. Kasaysayan ng pagsakop ng mga mapagsamantalang banyaga gamit ang relihiyon.
2. Ang relihiyong Islam ay una pang dumating sa bansa bago ang Katolisismo.
3. Ang pananakop gamit ang tabak, rebolto, politika at pananamsam ng mga lupain at ginto.
4. Malupit na karahasang sinapit ni Dr. Jose Rizal, ng kaniyang pamilya at mga naglantad ng katotohanan sa kamay ng pananakop ng Romana Katolika.
5. Mahirap na kalagayan sa pagpapalaganap ng Biblia sa bansa.
6. Maibahagi ng tama sa iba ang katotohanan tungkol sa kasaysan ng pagpapalaganap ng Biblia sa bansa.
"Mamatay akong hindi makita ang liwanag ng bukang liwayway ng aking bansa... Kayo, na siyang makakita nito, salubungin nyo at ibati nyo ako sa kaniya... at wag niyong kalimutan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay sa gabi."
Dr. Jose Rizal (bilang si Elyas, Noli Me Tangere)
ABSTRAK
Ang makapangyarihan ay may kakayahang baguhin ang kasaysayan ayon sa nais nilang palabasin at kontrolin o pasunurin ang sinoman sa ano mang kanilang balakin ayon na rin sa kasabihang "ang kasaysayan ay pagmamay-ari ng mga mananagumpay" (history belongs to the victors). Isa sa dahilan kung bakit nais ng tao ang umangkin ng kayamanan ay upang magkaroon ng kapangyarihan. Kapag taglay niya na ang mga bagay na ito, sya na ang makapangyarihan na may kakayahang diktahan o kontrolin ang lahat ayon sa gusto nya ganun na rin sa pagtatala ng kasaysayan pabor na naisin nya. Hindi lahat ng sinabi ng mga manunulat ng kasaysayan ay totoo batay sa totoong mga kaganapan, tulad sa ating bansa. Napakahalaga ang pagsisiyasat ng mainam, busisihin at alamin ang katotohanan na mahigpit na ring ibinilin ni Cristo sa kaniyang mga alagad na alamin ang katotohanan, at ito ang pagpapalaya sa sinoman.
BUOD
PAGDATING NG MGA MANANAKOP SA BANSA GAMIT ANG RELIHIYON
Bago pa man dumating ang Kristiyanismo sa bansang ito, may mga nauna ng paniniwala ang mga katotobo dito at isa na rito ay ang pagsamba nila sa tinawag nilang Bathala.
Hindi maiwasan ang pagpasok ng mga banyagang paniniwala sa dahilang ang mga katutubo ay mga manlalawig na at dumadayo na sa iba't ibang lugar sa pangangalakal o sa pagiging "trader" na ayon sa mga manunuri ay laganap na ito sa lugar ng Butuan sa Agusan del Norte na pangunahing sentro ng kultura, relihiyon at relasyong pang komersyo o kalakalan sa Hilagang Asya. Isa sa mga patunay nito ay ang sasakyang pandagat na tinawag na balangay tinatayang nagawa ito taong 800 AD pa na mas matanda pa kay sa mga bangkang gamit ng Europa sa 16th century. Mother Boat "Balangay"
Ang Islam ang kaunaunahang natala sa kasaysayan na nagdala ng aral tungkol sa iisang Dios o 'monotheism' sa ika- labing apat na siglo (14th century) AD bago pa man ang bansang ito ay tawaging Pilipinas, ngunit hindi nangangahulugan na walang mga sinaunang katutubo na hindi naniniwala sa iisang Dios lamang.
Dumating ang mga muslim sa bansang ito mula sa 'Persian Gulf, Southern India' at ang kanilang tagasunod ay mula sa maraming pamahalaang 'sultanate' sa 'Malay Archipelago'. Dumating ang mga sultan una sa hilagang bahagi ng bansa ang Mindanao at rehiyon ng Sulu. Sila ay nakapagtatag din ng kanilang kaharian hanggang Tondo (kingdom of Tondo) at kaharian ng Maynila (kingdom of Maynila). Islam sa Pilipinas
Pinapalawak ng mga muslim sultanates ang kanilang kaharian sa sentral na bahagi ng bansa sa ika labing anim na siglo (16th century) AD, sa panahong dumating ang barko lulan ng mga banyagang Kastila sa pangunguna ni Ferdinand Magellan na naglalayong sakupin ang bansang ito sa pamamagitan ng relihiyon na ang dala ay tabak at rebolto. Siya ay napatay ng mga matatapang na tagapagtanggol ng bayan mula sa mga banyaga sa pangunguna ni Lapu lapu na hindi sumang-ayon sa kanilang balak noong taong 1521. Lapu lapu vs. Magellan
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa bansa, ito ay sibilisado na, may kasanayan at bihasa na sa paglalakbay gamit ang mga bangka, pagnegosyo, sining lalo na't sa pagmimina ng mga pilak at ginto na ginagamit ito na palamuti at kasuutan ng mga datu, maging ng simple at ordinaryong mga alipin. Ang katotobo ng bansang ito ay tinawag na mga Maharlikans bago pa man ito tawaging Pilipinas noong 1521, ipinangalan sa Hari ng Espanya na si King Philip II at ito'y na tinawag na "Las Islas Felipinas". Philippine Gold: Treasures of the Forgotten Kingdom
Ang mga kastilang sumakop sa bansang ito ang tinawag na Filipino o mga kastilang naninirahan sa bansang tinawag nilang Pilipinas, at Indio naman ang itinatawag o ibinansag nila sa mga katotobo. Pinatay nila ang kultura, sining at ang kasarinlan ng mga ito kasama na ring agawin sa kanila ang kanilang mga kayamanan, mga lupain at gawin silang bihag at alipin gamit ang relihiyong iglesia Romana Katolika.
Ang panglilinlang ng mga manunulat ng kasaysayan sa panahon ng mga Kastila sa bansang Pilipinas na pinapalabas na ang mga katotobo ay walang mga pinag-aralan, mahirap at mga alipin ay hindi maitago sa mga larawang makikita sa mga totoong maharlikang mga kalagayan ng mga ito suot ang magagarang damit at palamuti yari sa pilak at ginto sa iba't ibang panig ng bansa. Ang pagmamanipula ng kasaysayan ay hayag paring umiiral hanggang sa kasalukuyang panahon na hindi maiiwasan ang bias na pagtala ng kasaysayan lalo at higit kung ang mga manunulat ay mga Romano Katoliko na ang layunin nito ay itago ang tunay na kaganapan at intensyon ng relihiyon upang sakupin at kontrolin ang mamamayan.
PAGMULAT NI DR. JOSE RIZAL NG KATOTOHANAN
Si Jose Rizal ay si Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda sa totoong pangalan na ipinanganak noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Dahil na rin sa siya ay manunuri, manunulat at bukas ng diwa ng kamalayan sa tunay na kalagayan ng kaniyang mga kababayang katotobo sa kamay ng mga banyagang mananakop, nasulat nya ang Noli Me Tangere at ang El Felibusterismo na nag-lalarawan ng kwento ng pambibihag, pagmamalupit, karahasan, pagnanakaw at pag-angkin ng mga lupain ng mga paring Kastila gamit ang relihiyon. Hindi Biblia ang dala ng mga ito sa dala nito na relihiyon na nagtatago sa katawagang Kristiyanismo, kundi ang tabak at rebulto at sa interes nito sa mga kayamanan ng pilak at ginto ng bansa. Mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagkakaroon ng Biblia o pagbabasa nito sa kanilang kapanahonan gaya din ng nangyayari sa Inglaterra na pinapapatay ang mga translators ng Biblia sa Ingles at mga naglalantad ng kanilang mga maling ginagawa. Ito rin ang dahilan kung bakit naging mainit sa kanilang mga mata si Dr. Jose Rizal na tumakas at piniling ituloy ang pag-aaral ng ophtamology sa unibersidad ng Heidelberg, Germany taong 1886.
Nakilala ni Jose Rizal si Karl Ullmer, isang protestant pastor sa bayan ng Wihelmsfeld, Germany, kinupkop siya nito at itinuring na pamilya at nagiging matalik na kaibigan. Sa mga liham nya sa kaniyang ina at mga kapatid ay malinaw na naakay ng pastor si Rizal sa biblikal na pananamplataya at nabuksan ang kasipan nito ng banal na kasulatan, sa mga patunay na may kalakip ito na mga talata sa Biblia at ang paghimok sa kanila ng pag-asa at pananampalataya. Hindi malayong si Jose Rizal ay nakaranas ng kapangananakang muli sa kaharian ng Dios dahil sa pagtalikod at pagkamuhi sa mga kamalian ng kaniyang relihiyong kinagisnan. Dahil dito, ang kaniyang ina na si Teodora Alonso Realonda ay naging target ng simbahang Katoliko at nakulong ng dalawa't kalahating taon sa pihitan ng Sta. Cruz, Laguna sa paratang na nilason nya ang asawa ng kaniyang kapatid sa panahong si Rizal ay nasa Europa at mainit na naglalantad ng kasamaan ng iglesia Romana Katolika sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang mga nobela. Sa panggigipit, napilitang bumalik si Rizal sa bansa upang harapin ang kasong ipinaratang sa kaniya. Hinuli sya at pinihit sa Dapitan. Binigyan siya ng pagkakataong manumbalik sa iglesia Romana Katolika at ipinapain sa kaniya si Josephine Bracken upang akitin sya at kaniya itong pakasalan. Bigo ang mga kaparian at hindi nangyari ang kanilang balak, kaya hinatulan sya ng kamatayan sa salang naging traydor o kalaban ng relihiyon ng iglesia Romana Katolika sa likod ng pamahalaan o sa alegasyong rebelde ng bayan. Matandaang ang kapangyarihan noon ay ang simbahan at ang simbahan ang kapamahalaan. Hindi maitanggi ang katotohanang ito sa bakas na naiwan maging sa kasalukuyan na sa bawat bayan, ang mga adobeng simbahang Romano Katoliko ay katapat o dikit sa mga munisipyo, at sila ay nakikialam sa politika.
Matapos patayin si Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan na siyang Luneta sa ngayon, noong December 30, 1896 sa gulang na 35 anyos, dalawang taong lumipas pinapalabas ng mga kaparian ang liham ni Dr. Jose Rizal ng retraction o liham na nagsasalaysay ng panunumbalik niya sa tinawag nilang inang iglesia, ang iglesia Romana Katolika matapos siyang ikasal daw kay Josephine Bracken. Noong inungkat ang katotohanan kung meron bang kasalang naganap sa patunay ng marriage contract, walang maipakita ang mga kaparian agad at nailabas nila ito higit dalawang taon ng nakalipas, malinaw na gawa gawa lamang nila ito at si Dr. Jose Rizal ay hindi bumalik sa igleisa Romana Katolika at tinalikdan nya ang katotohanang kaniyang natotonan kasama tamang pananampalataya sa Dios sa pamamagitan ng Banal na Kasulatang ibinahagi ng kaniyang pastor na si Karl Ullmer. Si Dr. Jose Rizal ay namatay na protestante at marahil kasama din kaniyang pamilya sa Calamba na pinapahirapan ng mga kapariang Domincans at inagawan ng ariarian. Peke ang kasal niya kay Josephine Bracken, peke ang kaniyang retraction at pineke ang kaniyang pirma na lumabas pagkaraan ng higit dalawang taon. Ang kaniyang kamatayan sa Bagumbayan ang patunay ng kaniyang hindi pagpapasakop sa relihiyong tinawag nyang nasa kadiliman at panawagan nya sa mga kabataan ng kaniyang nobela bilang si Elyas na kaibigan ni Juan Crisostomo Ibarra. "Mamatay akong hindi makita ang linawag ng bukang liwayway ng aking bansa... Kayo, na syang makakita nito, salubungin nyo ito para sa akin... at wag nyong kalimutan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay sa gabi."
Paalala: Hanapin at panoorin ang iba't ibang bersyon ng documentary Film ng buhay ni Jose Rizal.
MANIPULA SA POLITIKA
Noong taong 1956 inilabas ni Cardinal Rufino Santos ang "Statement of the Philippine Catholic Hierarchy" sa mga nobela ni Dr. Jose Rizal, nalathala sa lahat ng pahayagan na himukin ang Kongresong huwag magpasa ng batas na atasang basahin ang mga nobela ni Rizal sa kolehiyo (RA 1425 o Rizal Law). Bahagi ng mahabang talumpati ni Cardinal Santos ay ganito ang kaniyang sinasabi:
"Sa dalawang nobelang ito (Rizal) ay makita natin ang mga sipi kontra dogma at mga asal ng Katoliko na pauulit ulit na atakeng ginawa laban sa relihiyon ng Katoliko sa kabuuhan, laban sa posibilidad ng mga himala, laban sa aral ng Purgatoryo, laban sa sakramento ng Binyag, laban sa Kompisal, Komunyon, Banal na Misa, laban sa aral ng mga Indulohensya, Panalangin (paulit ulit), Katekismo ng Aral Kristiyano, mga sermon, mga sakramento at mga aklat ng pagalang o Piety. Meron ding mga siping naghahasik ng pag-aalinlangan o tumatalakay ng kalituan ng kapangyarihan ng Dios, ang kalagayan ng impierno, misteryo ng Higit na Mapalad na Trinidad, ...
Gaya din, makita natin ang mga sipi na humamak sa banal na pagsamba, espesyal na pagalang sa mga rebolto at mga labi, debosyon sa Mapalad na Birhen at mga Santo, ang pagamit ng mga scapulars, kordon at mga kaugalian, panalangin ng rosaryo, novena, bulalas ay may bayad na pananalangin. Maging ang lantad na mga paulit ulit na panalangin tulad ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria, ang Doxology, ang Gawa ng Pagluluksa, at ang Angelus, seremonya ng Misa, ritwal ng binyag, pagamit ng banal na tubig at mga kandila, mga prosesyon, mga kampana at maging mga obligasyon ng Banal na Linggo ay hindi nakatakas sa panglilibak."
KAMALAYAN NG BANSANG PILIPINAS SA BIBLIA
Gaya ng nangyayari sa Inglaterra simula ng maimprenta ang Biblia sa salin ng Latin, Griego at Ingles sa taong 1400s-1600s, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbabasa ng Biblia sa Romano Katoliko lalo't higit sa mga miembro nito. Sa panahon ng mga prayle na nagdadala ng relihiyong Romano Katoliko sa bansang Pilipinas simula ng 1500's, sila lamang ang may karapatan magbuklat ng Biblia na nasulat sa Latin, ano pa't tinawag nilang "forbidden book" ang aklat na ito.
Sa pagbabalik tanaw ng kasaysayan, maraming mga lider na Filipino ay ikinulong o ipinatapon sa 'Mariana Islands' dahil sa pagkakaroon ng Biblia o di kaya'y kapiranggot na bahagi ng Biblia ang natagpuan sa kanila.
Isa sa mga tala ng kasaysayan paano nakapasok ang Biblia sa bansang Pilipinas ay sa panahong sa pamamagitan ng British at Foregin Bible Society, ibinahagi nito ang Biblia sa bansa sa kalagitnaan ng ika labingsiyam na siglo (second half of the 19th century) AD.
Sa gawa ni Valentino Sitoy sa rekord mula sa 'Bible Societies', ito'y nagsasabi na mayroong higit na isang libong Biblia at higit na isang daang bagong tipan ang naibahagi sa bansang Pilipinas taong 1853 ng palihim. Mayroon ding kwento na may negosyanteng Ingles na nagbahagi ng Biblia sa Maynila na itinago sa cover na may pamagat na Spanish 'New Testament' at ganun din sa panahon ng 'liberal period' ng 'Governor-General Dela Torre's rule' (1869-71) ay may mga Biblia ding ipinupuslit sa bansa. Kadalasan, halos lahat ng mga ipinapasok sa bansa na Biblia nang mga panahong yon ay bigo at nahuhuli. Ang kalayaan sa pagbabasa ng Biblia kailanman ay hindi ipinahihintulot sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa bansang Pilipinas.
Ang paring si Alonzo Lallave ng Pangasinan ay sinabing tumanggap ng Protestant Bible mula sa isang Briton na kapitan ng barko. Sa patuloy nyang pagbabasa nito ay nagresulta ng pagbabago ng laman ng kaniyang mga mensahe o sermon at dahil dito ibinalik sya sa Espania. Taong 1872, tinalikuran nya ang Romano Katolisismo at umanib siya sa Spanish Christian Church, isang protestanteng simbahan. Paglipas ng isang taon ay nalimbag nya ang ebanghelyo ni Lukas sa wikang Ilokano hanggang sa pinagpatuloy nya ang pagsalin ng bagong tipan. Bago nya matapos ng buong bagong tipan sa pagsalin, siya ay naging pastor ng protestante at nagkaroon ng pitong mga anak.
Taong 1889, bumalik si Lallave sa Pilipinas kasama ang batang Spanish Protestant pastor na si Felipe P. Castells at silang dalawa ay napabilang sa ilalim ng British and Foreign Bible Society. Sa panahong ito ay ipinagbabawal pa rin ang pagdadala ng Biblia sa labas at ikinukulong ang sino mang mahulian ng mga ito. Si Alonzo Lallave ay biglaang namatay at napag-alamang siya ay nilason at si Felipe Castells sa pamamagitan ng British consul, ay napalaya sa pagkakulong at inatasang kailangang makalabas kaagad siya ng bansa.
Taong 1872, hinatulan ng kamatayan ang paring Filipino na si Zamora (kasama pa sa dalawang pari ding nahatulan ng kasong pag-aklas sa Cavite "Mutinity of Cavite" laban sa mga prayle ay sila Gomez at Borgus na tinawag itong GomBorZa) ng Spanish government na nag-ugat sa pagbibigay niya ng sipi ng Gospel of Matthew sa Spanish sa isang lokal evangelist ng Presbytarian Church ng Cavite na si Domingo Nocum. Itinago ni Domingo Nocum ng maraming taon ang ibinigay sa kaniya ng paring si Jacinto Zamora kasama na rin ang dalawang kopya ng mga sulat ni Dr. Jose Rizal na siyang mahigpit na ipinagbabawal din ng mga Spaniards.
Ang pamangkin ng paring si Jacinto Zamora na si Paulino Zamora ay nagkaroon din ng Biblia puslit mula sa isang Briton na kapitan ng barko at dahil curious sya sa aklat na inilabas kung paano nagkaroon ng Reformation ang Europa, dito sya nagpasimulang magkainteres basahin ang Bibliang hawak nya. Upang takasan ang pagmamatyag ng Spanish authorities, inilipat nya ang kaniyang pamilya sa Bulacan at nagpasimulang mag-anyaya ng kaniyang mga kaibigan sa pagbabasa ng Biblia sa kaniyang tahanan. Isang gabi matapos ang outbreak ng Rebolusyon ng 1896, ang kaniyang bahay ay napaligiran ng mga sundalong mga kastila at hinuli sya. Sa walang paglilitis, ipinatapon sya sa Mariana Island sa karagatan ng Spanish Mediterranian o sa Chefarina. Nanatili siya doon hanggang sa ang Treaty of Paris ay mapirmahan sa pagtatapos ng taong 1898.
Kaagad pagkatapos ng pagbagsak ng Maynila, ang British at Foreign Bible Society ay pumasok sa bansa, sila'y nagtalaga ng kauna unahang kinatawan na si Rev. H.S. Miller. Ang Society na ito ay naglimbag at naglathala ng Biblia sa katotobong wika. Sa loob ng dalawang dekada ay nakapaglathala sila ng kumpletong Biblia salin sa Ilokano, Bicolano, Tagalog; Ang Ebanghelyo ni Lukas sa Bontoc at Sulu; at Ang Ebanghelyo ni Markos sa Ifugao at Igorot.
Ang American Bible Society na pumasok sa bansa taong 1899 ay naglimbag at naglathala din ng mga sumusunod: Ang Kumpletong Biblia sa Cebuano, Ilokano, Pampanga at Panayan; ang Bagong Tipan sa Ibanag; Ang Ebanghelyo ni Lukas sa Ifugao, at Ang Apat na Ebanghelyo sa Waray.
Ang kaunaunahang kumpletong Bagong Tipan ay nalathala sa Tagalog taong 1903, ngunit ang Lumang Tipan ay nalathala sa Tagalog ng taong 1905 na. Sa panahong yon ang Biblia ay buo ng mababasa sa Tagalog, ang Luma at Bagong Tipan.
Sa kasalukuyan, hindi lamang sa Tagalog na salin ang napapalaganap sa buong bansa kundi sa lahat ng salita at salamat sa Dios na naglagay sa ating lahat sa panahong ito na tayo ay may kalayaan ng basahin ang Biblia mismo sa sarili nating wika. Purihin magpakailanman ang Panginoong Hesukristo.
Pagsipi:
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)
1.
Ano tawag sa bansa bago dumating ang mga mananakop na mga Kastila?
Pilipinas Sabah Maharlika 2.
Ano ang tawag sa bangkang gawa ng ating mga ninono na nauna pa sa mga bangka ng Inglatera?
Bapor tabo Balangay ‘Galleon’
3.
Ano ang ibig sabihin ng salitang maharlika sa sanskrit na ”maharddhika” (महर्द्धिक)?
Taong walang pinag-aralan, alipin at dukha
Taong Indio, salbahe at erehes
Taong may taglay na kayamanan, karunungan at kakayahan
4.
Sino ang pastor ni Jose Rizal na kumopkop at nagbahagi ng salita ng Dios sa kaniya sa bansang Germany?
Jacinto Zamora Karl Ullmer Felipe Castells
5.
Sino ang nakikialam sa politika ng bansa at humimok sa Kongreso upang gumawa ng batas na ipagbabawal ang pagbabasa sa mga sulat at nobela ni Dr. Jose Rizal?.
Cardinal Rufino Santos
Cardinal Jaime Lim
Cardinal Socrates Villegas
Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...
TumugonBurahin