ANG BIBLIA: KASAYSAYAN NG PAGLALAKBAY NG MGA SALIN

__________________________________________________________________________
WARNING: 
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.   

The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building. 
____________________________________________________________________________________________



ARALIN PANGALAWA
© copyright 2021


Layunin ng pag-aaral sa paksang ito:

1.  Alamin ang tamang pinanggagalingan ng Biblia sa kasaysayan.
2.  Alamin kung sino sino ang nagiging mga Martyrs dahil sa pagpapalaganap ng salin sa wikang maiintindihan ng mga mambabasa.
3.  Alisin ang pagdududa sa otoridad ng Biblia bilang banal na aklat na naglalaman ng salita ng Dios.  
4.  Lumalim sa pananalig sa Dios sa pamamagitan ng kaniyang salita.
5.  Maibahagi ng tama sa iba ang katotohanan tungkol sa Biblia.
  

ABSTRAK

Ang βιβλία o Bible (pangmaramihan) ay hango sa Latin at Griegong salitang "biblos" o aklat (pang-isahan). Ang Biblia (pangmaramihan) ay aklat na binubuo ng mga aklathttps://www.worldhistory.org/bible/

Ang standard na Biblia ay naglalaman ng mga aklat na dumaan sa masusing pagsusuri sa kasulatan sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral gamit ang tamang panukat "canonization" at standard na batayan ng mga dalubhasa sa larangan ng kasaysayan at sulat o kasulatan. 

Ang salitang "canon" ay mula sa panukat tulad ng tungkod o baras na dati ng ginagamit ng mga sinaunang malapit na silangan o Ancient Near East gaya ng Egypt, Israel, atbp. gawa sa papyrus. Ang sukat nito ay syang gabay o marka upang mapanatali ang tamang putol at isang uri lamang na sukat ng pagsusulatan kilalaning opisyal na tunay o nasa otoridad at katikatiwala. Ang Biblical canon, ganun na rin, ay pagtatalaga ng tanggap na pagbabatayan na set ng mga aklat dumaan sa tamang panukat mula sa gabay at otoridad na maasahang salita ng Dios. http://www.gutenberg.org/files/30132/30132-pdf.pdf

Ang trabaho ng iglesia ay hindi ang pagbibigay ng otoridad at inspirasyon sa mga aklat na ito kundi ang alamin ng mabuti alin dito ang dumaan na sa tamang panukat. Merong pumasa na 66 na mga aklat na napapabilang tinawag na nasa otoridad, ang banal na kasulatan na naglalaman ng mga salita ng Dios, Biblia, ang aklat ng mga aklat na naglalaman ng salita ng Dios. https://www.rootedministry.com/blog/five-apologetics-every-student-needs-the-canonicity-of-the-bible/




BUOD

ORIHINAL NA PINAGMUMULAN NG KASULATAN

Paglilinaw: ang salita (language) ay malaki ang pagkaiba sa sulat (writing/script). Ang salita ay naririnig ngunit hindi nakikita samantalang ang sulat ay nababasa saka maririnig kapag ito ay bigkasin at sa pontong ito, hindi pwedeng pagsasamahin ang dalawang makaibang talakayan lalo't sa pag-aaral ng pag-usad sa kasaysayan ng pag-iimbento ng pagsusulat o 'writing inventions'. 

Ang anyo ng sulat (hindi ang salita o language) o script ng natagpuang mga naiukit sa mga tapyas na bato, balat ng hayop atbp. ay sa pamamagitan ng pictograph. Dahil hindi pa naimbento ang set ng alphabets lalo't sa panahon nila Adan hanggang sa panahon nila ni Moses, ang paraan ng kanilang pagkukuwento ng kanilang karanasan sa Dios at pagpapasa nito sa kanilang lahi ay sa pamamagitan ng pag-uukit gamit at paguguhit ng mga larawang karaniwang nakita nila sa paligid at ng mga bagay na may katumbas na kahulugan. Ito ay tinawag na pictographic scripts, pagdudugtong ng mga larawang batay sa kahulugan upang makabuo ng pangugusap ng paglalarawan, hanggang sa nabuo kalaunan ang tinawag na ancient hebrew script o paleo hebrew at sa ngayon ay tinawag na modern Hebrew scripts o characters. https://en.wikipedia.org/wiki/Paleo-Hebrew_alphabet

Ang mga sinaunang sulat na natagpuan ay naisulat sa Paleo (ancient) Hebrew at Aramaic, nasulat sa panahon ni Moses, ng eskribang si Ezra at hanggang sa panahon ni Malakias. Ang mga pinagsasama samang mga natagpuang mga lumang kasulatan nasulat sa hebrew o lumang tipan ay naisalin sa salitang Griego ng mga 72 Jewish scholars noong 300 - 200 BC. sa Alexandria, Egypt at tinawag itong "Septuagint" na nangahulugang 70, pagdidiin ng attribution ng translation sa mga translators nito. 




PAGSASALIN NG BAGONG TIPAN

Ang Bagong Tipan na kinabibilangan ng mga aklat na nagsasalaysay sa buhay, kamatayan, pagkalibing at pagkabuhay na maguli ni Hesus bilang Cristo na tinawag na ebanghelyo, kasama ang aklat ng mga gawa at sulat ng mga apostol, ang pahayag ni Juan, ay nabuo na  'New Testament canon' bago ang  taong isang daan at dalawampu (120) AD na sinang ayunan ng karamihan ng mga 'scholars'  sa bilang na dalawampu't pito (27) na mga aklat ng Bagong Tipan.   

Ang Biblia na sinalin mula sa 'Latin Vulgate', gaya ng 'Douay Rheims Bible' (DRB); o ng 'Septuagint', ang 'King James Version' (KJV1611) mula sa 'Geneva Bible', may kasama ng Baong Tipan nang ang mga ito ay nailathala sa 'printing press' sa unang pagkakataon, matapos maimbento ni Johannes Gutenberg ang 'printing press' taong isang libo apat na raan at apat napu (1440) AD sa Germany.   



ANG SINAUNANG INGLES NA MGA SALIN  NG BIBLIA 

Ang imbensyon ng 'printing press' panahong 1400's sa imbentor nitong si Johannes Gutenberg ang naging dahilan upang mapalaganap ang produksyon ng paglimbag sa mga 'ancient manuscripts' o 'hebrew manuscripts' sa wikang Ingles at ang sinaunang buo at pinagsasama samang  mga aklat  ng luma at tinawag na bagong tipan na nagiging isang aklat na tinawag na Biblia.  Ang kaunaunahang naimprenta ni Johannes Gutenberg sa naimbeto niya ay ang Biblia sa salin ng Latin na nalimbag ng mga paring Romanong Katoliko mula 'Hebrew manuscripts'.

Sa ika-labing anim na siglo AD (16th century AD) ay naimprenta ang English na mga salin sa dalawang pangunahing pinanggagalingan nito na 'Septuagint/LXX' at ng 'Latina Vulgata' (Latin Vulgate). 

(1) Ang Douay–Rheims Bible o DRB na gawa ng 'English College Douai' para sa mga Romano Katoliko. Ito ay hango sa Latin Vulgate, nailathala taong 1610, ang Latin translation mula sa sinaunang 'Hebrew manuscripts' na nagkakaroon ng maraming hindi ugmang salin, at ang tuklas ng kamailan ay sinang-ayunan din nila Thomas Linacre na isang propesor ng Oxford ng 1490's, ang doktor din ni "King Henry 7th at 8th", John Colet noong 1496 na isang propesor din ng Oxford.  Ang kanilang pagkukumpara sa 'Latin Vulgate' at 'LXX' o 'Greek Manuscripts' (Septuagint); at mga 'Greek texts' ay sinususugan din ng bantog at kilalang eskolar na si Erasmus taong 1516.  Isiniwalat niya ang kamalian ng 'Latin Vulgate' sa kaniyang kapanahonan at sumulat ng Greek-Latin Parallel New Testament tulad din nila Linacre at Colet.  

Sanhi ng kahirapan sa pagsasalin ng salitang Hebreo sa Latin ng mga naglimbag ng 'Latin Vulgate', ang siyang  maaring pinakadahilan ng mga kamalian dahil hindi nila ito wika at sila'y hindi rin mga 'Jewish scholars' o experts sa salitang Hebreo. Ito ang dahilan kung bakit walang gaanong tumatangkilik sa DRB at hindi naging popular upang gamitin pa sa iba pang pagsalin sa 'English Bible versions' gaya ng tahasang pagtutuwid na ginawa ng kinikilalang dakilang 'scholar' na si Erasmus taong 1516 tawaging baluktot (corrupt), ang 'Latin Vulgate', at nagmungkahing bumalik sa 'Greek translation' bilang batayan sa pagsasalin sa Ingles.  

(2) Ang 'Matthew-Tyndale Bible' taong 1537 gawa ni John Rogers, ang kaunauhang 'English Bible' hango mismo sa orihinal na 'Hebrew manuscripts' at Greek (Septuagint/LXX) na salita na may bahagi din nito ang gawa ni Tyndale at 'Coverdales' English Translations' ng Bagong Tipan.  Nang lumaganap ang kamalayan at unawa ng mga tao sa England at sinamanatala ang kalayaan ng mga panahong 1540-s hanggang 1550's, dahil na rin sa 'English Bible Translations'.  

Nang mamatay si King Henry VIII at King Edward VI, pumalit sa trono ang tinaguriang Queen "Bloody" Mary. Dahil sa puspos ng galit at nais ibalik sa Romano Katoliko ang England,  pinapapatay nya at sunugin na buhay ang mga nagsalin ng 'English Bible'; at ang mga tinagurian nilang mga protestante na kinabibilangan nila John Rogers ang Thomas Cranmer.  Ang panahong ito ang tinawag nilang 'Marian Exile' at marami ang umalis sa England, pumuntang Geneva, Switzerland upang tumakas sa madugong patayang sinapit ng mga protestante sa kamay ng Romano Katoliko.  Sa 16th century AD, naimprenta din kasabay ng 'Douay Rheims Bible' (DRB) ang 'KJV1611' na limbag pabor sa Septuagint, ang sIyang pangunahing pinagbabatayan nito.   https://www.greatsite.com/timeline-english-bible-history/



MGA MARTYR NA SINUNOG NA BUHAY DAHIL SA PAGLIMBAG NG BIBLIA

Simula ng magsiwalat ng mga natuklasan nyang mga kamalian, ang German na Pari at 'Augustinian monk' na si Martin Luther sa iglesia Romana Catolica, inilantad niya ang mga huwad na mga turo nitong wala sa Biblia gaya ng induluhensya (indulgence), maruming pamamalakad (corrupt practices) ng simbahan at marami pa.   Dahil na rin sa pagkakaunawa sa Banal na kasulatan at maraming kamalian ng 'Latin Vulgate' kompara sa 'Greek Bible', ang isa sa pangunahing batayan ng pagsisiyasat at sa ginawa niyang pag-aaral at pagsusuri ng katotohanan, na naging inspirasyon din niya ng kaniyang 95 na mga 'theses' bilang propesor at Doktor ng Teolohiya (Doctor of Theology), nilantad nya ito sa madla.  Ang kaniyang pagsusuring ito at aksyon  upang iparating sa simbahan na kaniyang kinabibilangan na Wittenberg Church sa Germany at iparating sa Vatican ang kamalayan ng kaniyang natuklasan sa malinis at tapat na layunin noong 1517 ay humantong upang sya ay kamuhian, huwag ng kaugnayin (ex-communicate) at hinatulan ng kamatayan sa alegasyong kalaban, rebelde o protesta laban sa simbahang Romano Katolika. Dito nagmula ang bansag na protestante sa mga katulad ni Martin Luther at lahat ng mga naglimbag ng Biblia sa Ingles, ang mga sinunog na buhay sa kamay ng malulupit at mamatay taong mga kaparian at mga debotong Romano katoliko.  Si Martin Luther ang kinikilalang nagpasimula ng 'protestant reformation'. 

Kabilang sa mga sinunog na buhay sa ilalim ng pamumuno ni Queen "Bloody" Mary ng England (mga taong 1553-1558, isang masugid na alagad ng iglesia Romana Katolika), ay ang mga tagasunod at tagatangkilik ng Biblia sa wikang Ingles na gawa nila John Wyclif (ca. 1330–1384), William Tyndale (ca. 1494-1536) at John Rogers (ca. 1505-1555), na humigit sa 300 na mga katao na mga binangsagan nilang mga erehis (heretics) dahil sa paglantad ng mga maling aral at masasamang gawain ng mga kaparian, at dahil na rin sa pagtuklas ng mga katotohanan ng banal na kasulatan.  https://www.baltimoresun.com/maryland/carroll/opinion/cc-lt-dayhoff-102917-story.html .  

Taong isang libo limang daan at limampu (1550) AD, sa panguguna ni Myles Coverdale sa lugar ng Geneva, Switzerland naisulat nya kasama si John Foxes. ang "Foxes' Books of Martyrs". Dito rin nalimbag at nailathala ang 'Geneva Bible' taong isang libo anim na raan at limampu (1560), ang kaunaunahang Ingles na Biblia, na nilagyan ng mga bilang ang mga talata sa bawat Kapitulo.  Nasundan din ito ng tinawag na 'King James Version' o 'KJV1611' na ang naging batayan din ng kaniyang pagkalimbag ay ang 'Geneva Bible' hango ang salin sa 'Hebrew manuscript' at Greek na 'Septuagint/LXX'.  Ito ang pinagbabatayan ng unang canon na gawa ng mga Hudeong eskolar na siyang sentrong pinagmumulan  ng marami pang bersyon ng Biblia mula 1600 AD hanggang sa kasalukuyan, ang bersyon na tinatangkilik ng mga binansagang protestante ng Romana Katolika.  

Ang tinawag na 'Deutero-canonical' at 'apocryphal books' ng Septuagint, ay ikalawang canon na may dagdag na labing anim (16) na mga aklat na hindi tanggap ng mga Hudeong eskolar na nagsagawa ng unang canon dahil wala na itong kinalaman o naging bahagi sa ebanghelyo, kundi ipinilit itong idagdag ng mga Romano Katoliko dahil sa rin nais nilang depensahan ang ang aral nilang wala sa unang Canon at hindi binanggit ng lumang tipan tulad ng turo tungkol sa purgatoryo, panalangin sa mga patay, indulohensiya, si Maria bilang ina ng Dios na nanatiling birhen kahit nagkakaroon na ng mga anak sa asawa niyang si Jose at pagiging co-matrix o tagapamagitan sa kaligtasan din na kontra sa aral ng nauna ng mga sulat, sa madaling salita hindi mula sa salita ng Dios o banal na kasulatan kundi imbento na ng tao na pilit itinuring na kasama sa Biblia.

Ang orihinal na mga 'manuscripts' ng Biblia ay nasulat sa:
  
(1) Hebreo mula sa 'pictoraphic hebrew writing'  sa 'paleo' (ancient) "ivrit", 

(2) Aramaic, ang salin ginawa ni eskribang Ezra sa panahon ng pangunahan nya ang mga Israelita na naging bihag ng Babilonia (Babylonian captivity) sa loob ng apa't napung taon (40 years), sa mga taon ng 700BC. Ang mga kasulatang ito o tinawag na 'Hebrew manuscripts' ay kalaunang nasalin din sa, 

(3) Greek mga taong 300 - 200 BC, tinawag na 'Septuagint' o 'LXX'.     

  
TAKBO NG PAGLAGANAP NG MGA SALIN NG BIBLIA

Ang higit na layunin ng pagsasalin ng Biblia, ay upang ito ay mas lalong maunawaan ng mga mambabasa paglipas ng panahon sa iba't ibang dila at kultura, dahilan kung bakit ito ay naisalin sa iba't ibang bersyon mula sa orihinal na mga sulat, mga sinaunang mga kopya, mga kinikilalang lumang mga kopya at nasalin sa dalawang magkahiwalay na sinaunang mga bersyon ng 'hebrew masoretic texts' o 'hebrew manuscripts' sa Greek o 'Septuagint' at ng 'Latin Vulgate' hanggang sa 'English versions'.  

Hindi rin maiwasan na bukod sa unang nabanggit na layunin, ay ang mga dahilang din ng pagsasalin nito ay may kinalaman sa bias na layunin gaya ng hindi nito paglimbag sa salitang madaling maunawan, kundi sa saltang iilan lang ang nakakaintindi gaya ng Latin na kinikilalang patay na wika (dead language) matapos bumagsak ang 'Roman Empire'.  Kasama na rin sa bias at pagmamanipula ng Biblia, ay ang  baguhin at palitan ang orihinal na salitang ginamit at diwa ng tunay na kahulugan nito, na  hindi na bumabatay sa kung sino ang orihinal na sumulat o nagsalita nito, kundi, sa  kung ano ang nais palabasin ng naglimbag nito ayon sa dikta ng tindig na paniwala bago pa man malaman ang katotohanan ng kung ano sinabi ng salita ng Dios.  

Alin man sa magkaibang layunin ng paglimbag sa Bibla ang magiging motibo, mahalagang ugaliin ng mga totoong mapanuri ang pairalin ang pag-ibig sa katotohanan lagi.  Hayaan ang katotohanan ang magsasalita batay sa tunay na masusing pagsusuri at sikaping tanggapin ito, maaring masakit man, dahil ito lang ang tunay na paraang itinuro ng nag-iisang tunay na pinakamahusay na guro na siyang  Mesias at Panginoon, ang syang magpapalaya sinoman, na si Cristo Hesus.  


ANG BIBLIA AY AKLAT NG MGA AKLAT

Ang Biblia na binubuo ng mga aklat ay naglalaman ng anim napu't anim (66) na mga aklat, tatlumpu't siyam (39) sa lumang tipan at dalawampu't pito (27) naman sa bagong tipan.  Ang lumang tipan ay tinawag sa salitang Hebreo na TANAKH na nahati sa tatlong bahagi mula sa TANAKH.  Ang 'Torah' o Kautusan (Law/Instructions) (TA), ang 'Nevi'im' o sulat ng mga propeta (NA), at ang 'Ketuvim' o mga sulat at awit (KH), na siyang pinaniniwalaan, na sa pamamagitan ng mga ito, ang Dios ay nakipag-ugnayan at nangungusap sa kaniyang bayan.  

Sa panahon ng ikalawang Templo, nagiging usap usapan din ang mga sulat na lumabas na tinawag na iba pang mga aklat ng ikalawang templo (other 2nd temple writings) at nagiging kontrobersyal.  Ito ang tinawag na Deutero-canon na mga aklat na tinangkilik ng mga Romano Katoliko at mga Orthodox naman ay mas marami pang aklat na dinagdag.   

Noong ika labing limang siglo (15th century), ibinalik ng mga 'reformist' o mga tinawag na mga protestante ang orihinal na batayan ng banal na kasulatan ng lumang tipan kasama ang mga sulat ng mga apostol na nagpapatunay ng pagpapayangyari ng mga hula sa lumang tipan. Ito ang tanggap ng mga Hudeong eskolar (Jewish scholars) matapos ang pagsusuri ng unang canonisasyon (cannonization) ng Biblia na napabilang ang mga sulat sa unang templo dugtong sa sulat ng mga apostol na siyang tanggap at gamit na mapagkatiwalaang nasa otoridad na naglalaman ng salita ng Dios, ang luma at bagong tipan.  




ARALIN ANG NASUSULAT TUNGKOL SA BANAL NA KASULATAN 
"Ang langit at ang lupa ay mapaparam, ngunit ang aking mga salita ay hindi mapaparam."  Mateo 25:35

 

"Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;

At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo." Juan 8:37-38

 

"Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin." Juan 5:39

 

"At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.

Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;" Lucas 24:44-45



 

Inirekomendang panoorin bilang supplementary: 

Pagkaiba ng magkapatid na si Queen Elizabeth I at si Queen "Bloody" Mary

What is the Bible?

Para sa karagdagang impormasyon ugnay sa paksa, basahin: 

Maiksing Kasaysayan ng Wikang Hebrew 



-------------------------

Pagsipi:

- Pope, Hugh. "The Origin of the Douay Bible"The Dublin Review, Vol. CXLVII, N°. 294-295, July/October, 1910
- Jennifer M. Dines, The Septuagint, Michael A. Knibb, Ed., London: T&T Clark, 2004..
- Luther consistently referred to himself as a former monk. For example: "Thus formerly, when I was a monk, I used to hope that I would be able to pacify my conscience with the fastings, the praying, and the vigils with which I used to afflict my body in a way to excite pity. But the more I sweat, the less quiet and peace I felt; for the true light had been removed from my eyes." Martin Luther, Lectures on Genesis: Chapters 45–50, ed. Jaroslav Jan Pelikan, Hilton C. Oswald, and Helmut T. Lehmann, vol. 8 Luther’s Works. (Saint Louis: Concordia Publishing House, 1999), 5:326.
-Krämer, Walter and Trenkler, Götz. "Luther" in Lexicon van Hardnekkige Misverstanden. Uitgeverij Bert Bakker, 1997, 214:216.
- The Biblical World, Vol. 52, No. 3 (Nov., 1918), pp. 296-299 (4 pages), Published by: The University of Chicago Press
Willis Barnstone, professor, poet, and scholar, is the author of eighty volumes, including The Restored New TestamentThe Gnostic BibleThe Poems of Jesus ChristThe Poetics of Translation, and Mexico in My Heart: New and Selected Poems. He lives in Oakland, California, and Paris.
- Bart D. Ehrman (1997). The New Testament: A Historical Introduction to the Early Christian Writings. Oxford University Press. p. 8. ISBN 978-0-19-508481-8The New Testament contains twenty-seven books, written in Greek, by fifteen or sixteen different authors, who were addressing other Christian individuals





PAGSUSULIT:

ARALIN PANGALAWA

1.


 Ang salitang Biblia ay                

         pang-isahan          pangmaramihan

2.  Ano ang ibig sabihin ng salitang “canon”?              

         Biblia          sulat             panukat

3.


 Ano ang una at orihinal na salitang ginamit sa pagsusulat ng Biblia?

            Griego         Hebreo           Ingles

4.

 Sino ang nagsalin ng sinaunang banal na Kasulatan sa wikang Aramaic?

            Moises          Mga propeta       Ezra

5.


 Sino ang kinikilalang nagpapasunog na buhay sa mga “martyrs” na nagsalin sa Biblia na Latin sa Ingles o sa salitang madaling maintindihan sa Inglatera?.    

            ‘Queen Mary’        ‘King Henry VIII’         'Martin Luther'


Mga Komento

  1. Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...

Mga sikat na post sa blog na ito

MAHALAGANG ARAL TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG

RELIHIYONG TUNAY NA SA DIOS