ANG ARAL NG SANTISIMA TRINIDAD
“Ang mga bagay na ito, mga kapatid, ay ginamit kong halimbawa sa aking sarili at kay Apolos para sa inyo, upang sa pamamagitan namin ay matutuhan ninyo ito: Huwag lumampas sa mga bagay na nasusulat. Sa gayon, ang sinuman sa inyo ay hindi maging palalò laban sa iba.”
1 Corinto 4:6
ABTRAK
BUOD
ANG PINAGMUMULAN NG ARAL NG SANTISIMA TRINIDAD
TALA NG KASAYSAYAN SA UNANG SIGLO NG WALA NA ANG MGA APOSTOL
Maraming mga theologians din naman ang hindi tumanggap ng kanilang imbentong aral at isa na dito sila Sabelius at Arius. Maging si Eusebius, ang bishop na nagbabautismo kay Emperor Constantino, kilalang kaisa din ng paniniwala ni Arius, sa kaniyang pangangaral at sulat tungkol sa tala o passage ng kilala na ngayong Mateo 28:19, ay mababasang hindi niya binanggit dito ang "pangalang Ama, Anak at ng Espiritu Santo" kundi sinabi nya ayon sa pahayag ni Cristo na "bautismohan niyo sila na aking pangalan (Hesus)...". Pinatunayan din ng kasaysayan at ng mga Encyclopedias na ang "Ama, Anak at Espiritu Santo" ay wala sa orihinal na Mateo 28:19 kundi ito ay dagdag na lamang tulad din naman ng 1 Juan 5:7 o kilala sa katawagang Johannine Comma, imbento at isiningit lamang sa Biblia.
MGA IILANG TALA NG AKLAT NG KASAYSAYAN MULA SA MARAMI PA
Ating basahin at araling mabuti ang Mateo 28:19 na siyang sentrong batayan na talata sa Biblia upang itindig at patibayan ang pananaw ng aral na Santisima Trinidad o "Holy Trinity". Ang sabi ng iba, ito raw ang isa mga patunay na may Santisima Trinidad ay nasa sa Biblia. Kung suriing mabuti, walang sinabi nito ang talata. May binanggit ba o mababasa bang Santisima Trinidad sa Biblia? Malinaw na malinaw ang sagot, na WALA! Ang aral na ito na imbento ng tao ayon sa kanilang pilosopia mula sa sinaunang aral ng sanlibutan at hindi kay Cristo ay tahasang kinontra ang pahayag at salita na ng Dios mula palang sa simula. Basahin sa Bibliya ang Isaias 43:10-12
ANG ARAL NA SANTISIMA TRINIDAD MULA KAY THEOPHILUS, TERTULIAN AT ATHANATIUS NA SINALO DIN NI BILLY GRAHAM
Ang Santisima Trinidad, ayon sa pakahulugan ng mga nag-iimbento nito, ay tumutukoy sa tatlong mga persona sa iisang Diyos na binubuo ng (1) Diyos Ama, (2) Diyos Anak, at (3) Diyos Espiritu Santo. Ang mga ito raw ay magkakapantay (co-equal) o pantay silang tatlo sa kapangyarihan, pare-parehong silang tatlo walang hanggan (co-eternal), at sama-sama silang tatlo na umiiral sa lahat ng panahon o bago pa ang panahon (co-existent). Ang (1) Dios Ama ay hindi ang (2) Dios Anak o ang (3) Dios Espiritu Santo. Ang Dios Anak ay hindi ang Dios Ama o Dios Espiritu Santo. Ganun din naman ang Dios Espiritu Santo daw ay hindi rin ang Dios Ama o ang Dios Anak. Ang tatlo parehas na mga Dios batay sa imbentong aral na ito ay magkakaibang persona sa iisang Diyos. Ayaw nilang tanggapin na tawagin ang tatlong magkaiba at magkahiwalay na tatlong mga persona na ang bawat isa ay Dios ay tatlong mga Dios kundi tinawag nila ang tatlong ito na iisang Dios, sa makatuwid hango ayon sa pananaw tulad ng pamilya, isang salitang pangmaramihan tulad ng godkind o gaya ng mankind.
Ang Santisima Trinidad ay ang paniniwalang tatlo ang Diyos na binabalot lamang ng salitang iisa. Kapag pinilit mong hingin ang kahulugan sa mga naniniwala nito, ipipilit din nila ang salitang hiwaga (mystery). Ano ang ibig sabihin ng salitang hiwaga? Ito ay nangangahulugang hindi maipaliwanag. Papayag ka ba sa isang aral o doktrinang hindi maipaliwanag?
"If you deny the Trinity, you’ll lose your soul. If you try to explain the trinity, you’ll lose your mind." – Augustine
ANG KALIGTASAN AY MASUMPUNGAN LAMANG SA PANGALAN NI HESUS HINDI SA PANGALAN NG SANTISIMA TRINIIDAD
Huwag nating ipag-bakasakaliang ating kaligtasan. Walang ibang pangalan na siyang nagliligtas. Ang Santisima Trinidad ay hindi kailanman ipinapangaral ng kahit isa sa lahat ng kinasihang ng Espiritu ng Dios upang sumulat ng aklat na bahagi ng Biblia. Ayon sa tala ng kasaysayan, ang aral na Santisima Trinidad ay pormal na nabuo lamang noong 325 AD. sa Konseho ng Nicea na pinagtibay ng nakakaraming bishops ng Romano Katoliko bagaman marami din naman sa kanila ang hindi tumanggap sa aral na ito at hindi rin dumalo sa panawagan ng pagtitipon.
Walang ibang pangalan ibinigay at pinakilala ng Dios sa tao na sukat ng kaligtasan liban sa pangalan ni Hesus. Gawa 4:12
ANG ARAL NG BIBLIA TUNGKOL SA PAGKADIOS
I. Sino ba ang Diyos Ama at sa anong paraan ba ihahayag niya ang kaniyang pangalang nagliligtas sa tao yamang siya nga ay Espiritu at hindi kayang abutin ng tao?
May isang DIOS lamang na siyang Panginoon, ang AMA na lumalang ng lahat ng bagay. Tinawag siyang Ama sa paglalang at pinagmumulan ng lahat ng mga bagay. Malakias 2:10
Ang plano ng Dios ng kaniyang pagpapahayag ng kaniyang dakilang pagtubos ay malinaw na pinaparating nya sa kaniyang mga lingkod sa pamamagitan ng mga hula.
a) Ang hula ni Isaias tungkol sa pagparito ng Dios na siyang Ama ay binanggit na ni propeta Isaias at ng matupad ang hulang ito, hayag na ang kaniyang pangalan kung sino sya na dapat kilalanin, ang tagagligtas ng kaniyang bayan, sa pamamagitan ng kapahayagan ayon sa laman. Isaias 9:6; Mateo 1:21
b) Ang hula ni Mikas tungkol pagparito ng Dios sa kapahayagan sa pamamagitan ng katuparan nito ng tinawag na Anak ng Dios. Mikas 5:2
c) Ang hula ni Isaias tungkol sa ating kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapahayag Dios ng kaniyang sarili - Isaias 35:3-6; Mateo 11:1-6; 1 Timoteo 3:16
d) Ang malinaw na tugon ni Hesus sa tanong ni Felipe at ng mga alagad tungkol sa kung sino ang Ama. Juan 14:8-9
HESUS ang malinaw na pangalang ipinakilala ng Dios na kaniyang pangalang magliligtas na tatawaging Dios na makapangyarihan at Walang hanggang Ama kapag nakilala mo na siya. Siya din ang makapangyarihan sa lahat, ang una at huli sa Pahayag 1:7-8
II. Sino ba ang Anak ng Diyos at ano ang kaniyang malinaw na tungkuling gagampanan?
Ayon sa panukala ng Dios, ang tao ay dadalhin niya sa kaniyang sarili din sa pamamagitan ng dugo na iaalay ng Anak ng Dios. Ang katawang lupa na mula sa babae at gawa sa ilalim ng kautusan Galatia 4:4, ay ang kaparaan ng Dios upang ihayag niya ang kaniyang sarili sa sangkataohan, nang siya ay masilayan at lubos na maiintindihan at malalapitan. Ang Dios ay nahayag sa laman at siya ay hindi na dapat hiwaga sa sinoman. 1 Tim. 3:16, matapos ng ang plano ng Dios mula sa simula tungkol sa gagampanang maging Anak ng Dios o ayon sa laman, ito ay nagkatawang tao. Ang "logos" o ang "expressed thought of God" tungkol sa anak ay nagmaterialize. Juan 1:8
Sa paganap ni Hesus bilang Cristo o sugo ng Ama/Dios na "hammashiach" sa Hebreong salita, malinaw na kaniyang ginampanan ito ng dumating ang panahong itinakda ng Dios sa kalagayang tao, ayon sa laman, upang magiging tagapamagitan sa Dios at ng mga tao 1 Timoteo 2:5, sa ministeryo ng panunumbalik muli ng relasyon ng tao at ng Dios o ministry of reconciliation. 1 Corinto 5:19.
Ang pagiging anak ay may simula na siyang naroon na sa isipan ng Dios bago pa man lalangin ang langit ang ang lupa. 1 Pedro 5:19-20 Gaya din naman ng plano niyang paghirang ng mga taong kaniyang ililigtas. Efeso 1:11-12 Dumating ang kaniyang katupran sa ganap na panahong itinakda ng Dios na naroon na nasulat sa mga hula. Si Hesus ay gumanap ayon sa laman sa loob ng 33 at kalahating taon dito sa lupa bilang Cristo, at ang gampanin bilang Anak ay may katapusan. Kapag pasukuin na ng Dios ang lahat ng kaniyang kaaway at yurakan ng kaniyang mga paa, ganun din naman ang anak ay pasusukuin din, upang ang Dios ay magiging sa Dios sa lahat lahat. 1 Corinto 15:28
Sa paganap ni Hesus bilang Cristo ay malinaw na tumukoy ito sa kaniyang pagiging tao, hindi sa pagiging Dios na siyang larawan ng hindi nakikitang Dios Colosas 1:15, ang nag-iisang persona "hypostasis" ng Dios Hebreo 1:3, ang mismong "prosopon" o ang mukha mismo ng Dios. 2 Corinto 4:6
HESUS ang pangalan itatawag sa Cristong mula sa babae na saklaw at sa ilalim ng kautusan. Mateo 1:21
III. Sino ba ang Espiritu Santo?
Nang si Hesus ay nasa kalagayan pang tao, o ng siya ay nasa anyo pang laman bilang Cristo ay ipinangako niya na ang banal na Espiritu na darating na susuguin ng Ama wika niya sa kaniyang pangalan na siya rin na darating hindi bilang tao kundi bilang mang-aaliw. Juan 14:26 Tinawag niya itong gaya ng tubig na buhay na ipinangako nyang tatanggapin ng lahat ng lalapit at hihingi sa kaniya nito pagdating ng panahong siya'y wala na sa kalagayang tao kundi pagkatapos ng kaniyang pagkabuhay na maguli sa mga patay. Juan 7:37-39 Si Hesus din ang tinawag at kinikilala ni Juan na magbabautismo ng banal na Espiritu at apoy. Markos 1:8
a) Ang patotoo ni Apostol Pablo - Efeso 4:9-10; II Corinto 3:14-17; Roma 8:9
b) Ang salita mismo ng ating Panginoong Hesus - Mateo 18:20, 28:18-20
HESUS ang pangalan ng nangakong magbabautismo ng Espiritu Santo at apoy, siyang magkakaloob ng tubig na buhay, ang tunay na mang-aaliw at kapahingahan ng kaluluwa. Isaias 28:11; Lukas 3:16, Mateo 11:28
IV. Ang Tamang Tala at Unawa ng Mateo 28:19
a) Sa patotoo mula sa mga saksi sa sulat ni Eusebius hango nya sa orihinal na sulat ni Mateo o "unaltered book of Matthew" na naroon sa Library ng Caesaria, ang wika ni Hesus ay nagsabing "bautismohan nyo sila sa aking pangalan..."
b) Kahit na gamitin natin ang binagong sipi na siyang mababasa na natin ngayon halos sa lahat na Bible versions, malinaw pa rin ang atas ni Hesus nito na sinabi nyang bautismohan sila sa Pangalan (isahan), hindi sa mga pangalan (maramihan). Ang Ama, Anak ay mga titles ganun din ang Espiritu Santo na katawagan lamang ngunit hindi matatawag na proper names o tugon sa tanong na, ano ang pangalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo? Isang pangalan ang hinihingi, at Hesus ang pangalang magliligtas at wala ng iba.
b) Dapat intindihin din ng malinaw na ang konteksto ng Mateo 28:19, ang kinausap at inatasan ni Hesus dito ay ang kaniyang mga alagad na binuksan nya na ang kanilang pag-iisip ng mga panahong ito upang maintindihan nilang lubos ang mga kasulatan, ang kaniyang huling habilin sa kanila na dapat nilang sundin. Lukas 24:45 Nang inutusan ang mga apostol, paano nila tinupad ang atas? Basahin ang Gawa 2:38, 8:12-16, 10:44-48, 19:1-6
c) Ang sabi ng iba, mali daw ang mga apostol upang palabasin na sila ang tama at upang mariing bigyan ng buhay at ipilit ang hidwang aral na malinaw na hindi galing sa Dios kundi mula sa pilosopia ng tao, ang maling aral na Santisima Trinidad. Sino ba ang dapat mas paniwalaan at sundin, ang mga tao bang nagtuturo ng kakaiba at hidwang aral na hindi kahit kailan alam ng mga alagad ni Cristong ang mga pangalan ay naiukit na sa labindalawang pundasyon ng langit? Pahayag 21:14
Malinaw na ibinilin ng mga alagad at mga apostol ang katotohanang ito na siyang matibay na batayan, ang sabi ng mahigpit na bilin at paalala ng Galacia 1:8-9 at I Corinto 4:6 sa mga tunay na mag-aaral ng katotohanan mula sa dalisay na aral ng Biblia, hindi sa imbentong aral ng mga taong mapagpanggap.
Huwag padaya, sikaping manangan sa nasusulat, hindi sa pilosopia ng aral at imbento ng tao halaw sa impluwensya ng paganismo na siyang kasinungalan na nagtangkang sirain ang pangyarihin kung ano ang kalooban ng Dios lalo't higit sa tunay na pagkakilala sa kaniya ng lubos at ganap na unawa ng kaligtasan.
"Huwag nawang mangyari: oo, bagkus pa nga ang Dios ay tapat, datapuwa't ang bawa't tao'y sinungaling; gaya ng nasusulat, Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita, At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan." Roma 3:4
Paala-ala: Ang Triad o Triangular form na sumisimbolo sa Trinity o Tri-unity ay ginamit din ng Illuminati, Mason at ng mga inkantador, manggagaway o mangkukulam sa kanilang pangagamot, o ng mga mahiko.
Pagsipi:
- Dalzell, A. (2019). Errors in the Vulgate. In R. Sider (Ed.), The New Testament Scholarship of Erasmus: An introduction with Erasmus' Preface and Ancillary Writings (pp. 865-948). Toronto: University of Toronto Press. https://doi.org/10.3138/9781487510206-028
- Justini, S.P.N. (1857). Theophilus of Antioch. "Book II.15". Apologia ad Autolycum. Patrologiae Graecae Cursus Completus (in Greek and Latin)Volume 6. Library in the Universtiy of Michigan. Retrieved from https://en.wikipedia.org/wiki/Theophilus_of_Antioch#cite_note-19
- Audi, R. (1999). The Cambridge Dictionary of Philosophy. Cambridge University Press. p. 908.
- Encyclopedia Americana, vol. 2 Danbury, Connecticut: Grolier Incorporated, 1997. ISBN 0-7172-0129-5.
- Barnes "Athanasius and Constantius", 14, 128
- (Hango sa mga talata ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)
1. Ang salitang ‘Santisima Trindad’ ay mababasa sa Biblia
Oo Hindi
2.
Ipinapangaral ba ng lahat ng mga lingkod ng Dios lalo ng mga alagad ni Cristo ang Santisima Trindad? Oo Hindi
3.
Sino ang unang nag-imbento ng aral na Trinidad (Trinity) o Latin na “Trias” upang itukoy sa Dios sa kasaysayan ?
Theophilus of Antioch Flavius Valerius Constantinus Quintus Septimius Florens Tertullianus
4.
Ang sumulat gamit ang sinaunang liham ni Mateo sa 28:19 nito na sinabi ni Hesus, “… bautismohan nyo sila sa aking pangalan, (hindi sa sa Santisima Trindad na Ama, Anak at Espiritu Santo)
Athanasius Eusebius Billy Graham
5.
Sa anong pangalan isinasagawa ang bautismo ng mga alagad, at sa unang siglo ayon sa Biblia at patotoo ng mga aklat ng kasaysayan at mga encyclopedia?.
sa pangalan ni Pablo sa pangalan ng Santisima Trinidad na Ama, Anak at Espiritu Santo sa pangalan ni Hesus
Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...
TumugonBurahin