ANG BIBLIA: AKLAT NA NAGLALAMAN NG SALITA NG DIOS
Layunin ng pag-aaral ng paksang ito:
1. Ang iba ibang kapahamahalaan pinahintulutan ng Dios na umiral sa iba't ibang kapanahonan.
2. Paano ang Dios mula pa sa simula ay nakikipag-ugnayan sa mga taong kaniyang hinirang at tawaging kaniyang bayan.
3. Ang Dios ay kumilos sa iba't ibang kapanahonan ang Dios at nagpahayag sa kanila ng kaniyang pagliligtas at dakilang plano sa hinarap.
4. Ang Dios nakipag-ugnayan sa pamamagitan ng kaniyang salita sa mga lingkod nyang kaniyang rektang kinausap at sinulat ang mga ito ayon sa gabay ng kaniyang banal na espiritu.
5. Ang Salita ng Dios batay sa nasusulat ay nanatiling buhay sa bawa't kapanahonan at mabisang panuntunan at gabay mapakinabangan ng lahat ng nilalang na syang sumasalamin ng buong katotohanan tungkol sa lahat ng gawa at pagkakilala sa Dios.
"Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Dios,
at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Dios ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain."
2 Timoteo 3:16-17
ABSTRAK
Ang Lumang Tipan ay nahati sa tatlong pangunahing pangkat na tinawag na TANAKH sa Hebrew. Ang mga ito ay:
(1) Torah - (Instructions or Law) Gabay o Batas;
(2) Nevim - (Prophets) mga Propeta, at
(3) Ketuvim (Writings) mga salaysay o mga sulat.
BUOD
MGA PATOTOO NG KASULATAN TUNGKOL SA BIBLIA
1. Ang Biblia O Banal na Kasulatan ay malayong maihambing sa lahat ng mga ordinaryong mga aklat sa ano mang panahon. Ito ay espesyal na angat at iba sa lahat ng mga aklat ayon na rin sa mga patotoo at salaysay ng mga lingkod na kinasihan ng banal na espiritu ng Dios.
- Ito ay aklat na naglalaman ng mga sulat ng mga hinirang ng Dios na sumulat sa pamamagitan ng gabay ng Banal na Espiritu. Sila ay kinasihan ng Espiritu ng Dios upang isulat ang nais ng nya, na siyang may akda nito. 2 Timoteo 3:15-17
- Walang hula sa Biblia na naitatala sa pamamagitan ng naisin, naisip o ng kalooban ng sinoman, kundi sa pamamagitan ng mga taong pinili at tinawag na mga banal na mga lingkod ng Dios na kinasihan ng kaniyang banal na espiritu. 2 Pedro 1:20-21
- Ito ay aklat na binubuo ng maraming aklat na sinulat sa iba't ibang kapanahunan ngunit walang paglalaban laban o kontradiksyon sa isa't isa sapagka't malinaw na ang nag-iisang Dios na hindi nagbabago at laging naroroon sa lahat ng panahon ang may akda nito. Exodo 31:18; Deuteronomio 10:4; Mga Bilang 12:7-8; 1 Samuel 3:10-12; Daniel 9:21-23; Hebreo 2:2; Mga Gawa 7:38, 53; Mga Bilang 12:6; Apocalipsis 1:2, 11-12
- Ito ay ang aklat na nagpapatotoo tungkol sa Panginoong Hesukristo. Juan 5:39, 46; Lukas 24:27, 44; Mga Gawa 10:42, 43
- Ito ay aklat na nagbibigay ng karunungan sa ikaliligtas. 2 Timoteo 3:15-16; Mga Awit 119:98-99
- Ito ay aklat na hinantulad sa salamin, naghahayag ng ating pagkatao. Santiago 1:23; Hebreo 4:12
- Ito ay aklat na naglilinis ng puso ng tao. Juan 17:17; Mga Awit 119:9; Efeso 5:26
- Ito ay aklat na nagtuturo sa ikatoto sa katuwiran. 2 Timoteo 3:16-17; Deuteronomio 17:18-20
- Ito ay aklat na bukal ng kaligtasan, pag-asa, at tagumpay. Roma 15:4; Isaias 55:2; Mga Awit 1:2; 19:7-8
2. Ang kapamahalaan o otoridad ng katunayan ng Biblia bilang aklat na naglalaman ng salita ng Dios o Banal na Kasulatan (Lashon Ha-Kodesh).
- Pinapatotohanan ito ng Panginoong Hesukristo sa kaniyang mga pangaral at binanggit ang mga patotoo nito sa Lumang Tipan. Mateo 4:4; 19:8; Markos 7:10; Lukas 24:27; Juan 5:45-47
- Binanggit ng Panginoon ang propetang si Isaias. Mateo 13:14-15; Markos 7:6; Lukas 4:17-19
- Binanggit din ng Panginoon ang mga hula ni Daniel at kaniyang pinahalagaan ang mga sulat ng mga propeta. Mateo 24:15; Lukas 24:27
- Pinatunayan ng Panginoong Hesus na ang Biblia ay naglalaman ng salita ng Dios. Mateo 15:4; 22:31-32; Markos 7:8-9
- Pinatotohanan din ng Panginoong Hesus ang mga pangyayari sa Lumang Tipan. Mateo 19:4-5, 24:37-39; Markos 7:8-9
- Ang katuparan ng mga hula at mga pangako ng Dios ay nagpapatunay ng kapamahalaan at otoridad ng Biblia. Genesis 15:1-5; 21:1-7; 15:13-14; Isaias 7:14; Mateo 1:18-25; Mikas 5:2
- Ang pagtatalakay ng matibay na patunay ng Palaagnusan o Arkelohiya. Isaias 20:1
- Ang pag-ayon at pagtatalakay ng Agham. 1 Corinto 15:39-41; Job 26:7
3. Ang otoridad ng Biblia ay walang kapantay at wala itong katulad na iba pang mga aklat.
- Walang aklat na katapat. Isaias 34:16; Colosas 2:8; Deuteronomio 4:2; Apocalipsis 22:18-19; 1 Corinto 4:6
4. Ang tamang asal at pagalang sa pag-aaral ng Biblia na dapat matotonan.
- Sumampalataya ng lubos at huwag mag-alinlangan. Hebreo 11:6; 1 Tesalonica 2:13; Kawikaan 30:5
- Humingi ng gabay at pagtiwalaan ang Banal na Espiritu ng Dios. Juan 16:13; 1 Corinto 2:11; 1 Juan 2:27; Efeso 1:17
- Linisin ang puso at isapan. Santiago 1:21; Mateo 5:8
- Magpakababa at magpakumbaba sa Dios. Isaias 61: 1-3; Mateo 5:3
- Basahin at pag-aralan ang Biblia araw-araw. Isaias 50:4; Gawa 17:11; Mga Awit 119:147-148
- Pagbulay bulayan at saolohin ang mga talata sa Biblia. Josue 1:8; Mga Awit 1:2
- Isagawa at tuparin ang salita ng Dios. Apocalipsis 1:3; Kawikaan 8:32-34; Mateo 7:24-25; Jeremias 42:6
- Ibahagi ebanghelyo na may katapatan at kasipagan. Mateo 10:27; Ezekiel 3:1; Roma 1:4-16
Ang Biblia, ay aklat na naglalaman ng salita ng Dios, ang banal na kasulatan na hindi kukupas maparam man ang lahat ng bagay, ang langit at ang lupa. Ito ay mananatili magpakailanman at mapalad ang sinomang nagbabasa at tumutupad sa mga nasusulat dahil malapit na ang panahong sila ay magmamana ng kaharian ng Dios at ng buhay na walang hanggan.
"Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman.” Mateo 24:35
"Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na." Apocalipsis 1:3
Mga Pagsipi:
(1) The Editors of Encyclopaedia Britannica. (December 28, 2011). Jewish Sacred Writing, Tanakh, Britannica. Retrieved from https://www.britannica.com/topic/Tanakh
(2) The Editors of Encyclopaedia Britannica. ( December 5, 2007). Retrieved from https://www.britannica.com/topic/New-Testament
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento
As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...