ANG KATOTOHANANG MAY DIOS NA SYANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT
Layunin ng Pag-aaral:
1. Upang alaming may Dios na makapangyarihan sa lahat gamit ang mga argumentong magpapatunay nito.
2. Upang alaming may Dios na makapangyarihan sa lahat gamit ang mga patotoo ng kasulatan.
3. Malaman kung paano pasubalian ang kamalian ng paniniwalang walang Dios.
4. Lumalim sa pananampalataya sa pagkakilala sa tunay at makapangyarihang Dios.
5. Maibahagi sa iba ang katotohanan na may Dios na makapangyarihan sa lahat.
"Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso,
walang Dios: sila'y nangapapahamak,
sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti,..."
Mga Awit 14:1
ABSTRAK
Ang mga malalalim na katanungan sa buhay lalo't higit sa mga bagay na kung saan ito nagmumula at ano ang layunin ng kanilang pananatili ay madalas humahantong sa kaisipang mapanuri kung totoo bang may Dios talaga na syang makapangyarihan sa lahat at syang pinanggagalingan ng lahat. Ang iba naman dahil sa maaring hindi nakamtan ang sagot sa kanilang mga sariling pagsasaliksik ayon na rin sa mababaw na obserbasyon sa paligid at batay sa mga personal na karanasan, humantong sa pag-aalinlangan tungkol sa pagkaroon ng Dios o di kaya'y sa hindi paniniwala na may Dios. May Dios ba talaga o wala?
BUOD
MGA ARGUMENTONG MAGPAPATUNAY NA MAY DIOS
- Paniniwala ng buong mundo sa pag-iral ng Diyos (Universality of belief in the existence of God)
Ang katotohanang ang mga tao kahit saang dako ay naniniwala sa Diyos ay matibay na argumento na may Diyos nga. Ang paniniwalanang ito ay nagbubuhat sa kaibuturan ng puso ng tao at taglay niya ito buhat ng siya ay isilang.
- 'Cosmological Argument/ Argument from Cause' o Argumento na may Pinanggalingan o may Dahilan ang Lahat ng Bagay
May pinaggalingan o may dahilan ang lahat ng bagay. Papaanong nagkaroon ng mga ito? Ang tao at ang sandaigdigan ay naging resulta. Mayroon talagang isang pinanggalingan. Ang sanlibutan ay hindi nayari sa kanyang sarili lamang. Gaya ng isang kotse, may gumawa nito. Gayundin naman ang sanlibutan. Ang tao ay nabubuhay datapuwat utang niya ang kanyang pag-irap sa kanyang pinanggalingan. May lumikha sa tao.
- 'Teleological Argument o Argumento' ng Disenyo (Argument from Design)
Ang argument ng disenyo patunay na may Dios ay may kinalaman sa pinanggagalingangang husay at higit na karunungan ng may lalang higit sa lahat ang mga desinyo ng kaayusan ng lahat ng bagay na ito ay nagkakalakip lakip na pawang maganda at may kaayusang pinapanatili. Ang matibay na halimbawa nito ay ng orasan hinantulad sa matalinong Dios na syang may lalang ng lahat ng bagay. Ang kabuuan ng relo ay nagpapatunay na hindi lamang may gumawa kundi mayroon ding nagdisenyo nito. Ang sandaigdigan at kalikasan ay nagpapatunay ng pangangalaga ng isang matalinong Manlilikha.
- 'Ontological Argument' o Argumento ng may Ganap at higit na Mayroong Mataas sa lahat.
Ang argumentong ito ay tumingin sa existence o pagkakaroon ng isang perfect o ganap na higit na nakakataas sa lahat na syang Dios, lamang kay sa Dios na hindi nananatili o sa paniniwalang walang Dios.
Ang tao ay may kaisipan na mayroong walang hanggan at sakdal na persona. Ang kaisipang ito ay hindi haka-haka lamang; ito ay katotohanan. Dahil dito ang lahat ng tao ay naghahanap ng mapagsasandalang kapangyarihan at hindi nila nalalaman na ang Diyos pala ang kanilang hinahanap.
- 'Anthropological/Moral Argument' o Argumento sa Moral ng Tao
Ang kadalisayan ng buhay ay obligasyon. Ito ay isang bagay na dapat pahalagahan. Ang tao ay may pag-iisip at kalikasang emosyonal, at ang makapagpupuno lamang sa kanya ay ang isang personang mabuti, may kapangyarihan, may pag-ibig, may karunungan, at may kabanalan. Samakatuwid mayroon talagang Manlilikhang pinanggalingan ng moral ng tao na siyang hukom at tagapagbigay ng mga kautusan.
- 'Arguments from historical events' o Argumento batay ng tala ng Kasaysayan
Ang tala ng kasaysayan ay nagpapatunay gamit ang formula na sinusundan, ang landas gamit ang gabay na dumating sa akmang tinutumbok nitong patutunguhan lalo't sa pagkakaroon ng conviction at pandama sa pagkakaroon ng Dios o existence of God na gumagabay higit sa lahat ang paniniwala tulad ng mga sinaunang mga taong naniniwala sa isang Dios lamang na nagbibigay ng kaniyang malinaw na panuntunan sa kaniyang bayan upang sila ay kaniyang ingatan at pagpapalain.
- 'Argument from Scriptures' o Argumento mula sa mga Kasulatan
Ang mga natupad at natutupad na mga hula sa Bibliya ay hindi maipaliwanang kung walang Diyos na gumagawa ng lahat na ito.
- 'Arguments from Testimony' o Argumento ng Patotoo
Ang hindi kayang pasubalian na patunay na may Dios na makapangyarihan sa lahat ay ang argumentong sumasalamin mismo sa karanasan ng nakararami, ang argumento ng patotoo tulad na lang ng karanasan ng panalanging dinidinig ng Dios. Ang karanasan at patotoo ng kapahayagan ng Dios sa mga tao ay mahirap itanggi at sabihing ito ay hindi nangyayari o kaya'y hindi totoo tulad ng mga himala ng pagpapagaling at iba pang himalang gawa ng Dios.
Ito ang argumentong mahirap pasinungalingan ng lahat sapagkat ito ay nararanasan: Ang Diyos ay nagliligtas. Ang Diyos ay nagpapagaling. Ang tao ay nakikipagkaisa sa kanyang Diyos.
ANG PATOTOO NG KASULATAN
- Ang Katotohanan na may Diyos na Makapangyarihan sa Lahat
Hindi nakikita ang Diyos, nguni't halos lahat ng mga tao ay sumsampalataya at kumikilala sa kanya. Datapuwat kung ang Diyos nga naman ay hindi nakikita, paano siya sasampalatayanan? Ano ang katunayan na dapat maging pagbatayan upang marating ang katiyakang mayroon ngang Diyos? Ang mga katanungang ito ay totoong mahalagang masagot at mabigyan ng kaliwanagan upang lalong tumibay ang pananalig at pag-ibig ng tao sa Diyos. Narito't alamin ang sinabi ng banal na kasulatan tungkol sa Dios na maingat at masusi nating pag-aralan.
- Ang Pagkakilala sa Diyos ay Magsisimula ng Pananampalataya
"At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap." Hebreo 11:6
- Mangmang Lamang ang Nagsasabing Walang Diyos
"Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti," Mga Awit 14:1
- Mayroong Dios na Lumalang ng Lahat ng mga Bagay
"Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios." Isaias 43:12
"Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay." Deuteronomio 32:39
"At kaniyang sinabi, Oh Panginoong Dios ng Israel, walang Dios na gaya mo, sa langit sa itaas, o sa lupa sa ibaba; na siyang nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, na lumalakad sa harap mo ng kanilang buong puso." 1 Hari 8:23
"At kaniyang sinabi, Oh Panginoon ang Dios ng Israel, walang Dios na gaya mo, sa langit o sa lupa; na nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, na nagsisilakad sa harap mo ng kanilang buong puso:" 2 Cronica 6:14
"Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko." Isaias 43:10
"Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios." Isaias 44:6
"Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin." Isaias 45:21
ANG PAGPAPALA O SUMPA
Ang Dios na matuwid ay may panuntunang ibinilin sa kaniyang mga hinirang upang ito ay magiging gabay at mag-iingat sa kanila.
"At mangyayari, na kung inyong didingging maigi ang aking mga utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios at siya'y paglingkuran ng buo ninyong puso, at ang buo ninyong kaluluwa,
Ay ibibigay ko ang ulan ng inyong lupain sa kaniyang kapanahunan, ang una at huling ulan upang iyong makamalig ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis.
At aking bibigyan ng damo ang iyong mga hayop sa iyong mga bukid, at ikaw ay kakain at mabubusog.
Mangagingat kayo, baka ang inyong puso ay madaya, at kayo'y maligaw, at maglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila;
At ang galit ng Panginoon ay magalab laban sa inyo, at kaniyang sarhan ang langit, upang huwag magkaroon ng ulan, at ang lupa'y huwag magbigay ng kaniyang bunga; at kayo'y malipol na madali sa mabuting lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon." Deuteronomio 11:13-17
- Ang Pagtatakwil sa Diyos ay Nagbubunga ng Pagkabulok ng Ugali ng Tao
Ang taong hindi kumikilala o hindi tunay na nakakilala sa Dios ay hayag na makikita sa kaniyang buhay ang mga bagay na may kinalaman sa mga immoral na mga bagay, kasakiman o ang kabulukan ng pag-ugali.
"Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan:
Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang,
Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag:
Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon." Roma 1:20, 30-32
- Ang Pagkakilala sa Diyos ay isang Dakilang Kapangyarihang Naglilinis ng Buhay
"Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan." 1 Juan 1:7
Mga Pagsipi:
1) Eisler, E.R. (1930). Berlin: E.S. Mitler. "Consensus Gentium," in Wörterbuch der philosophischen Begriffe, 3 vols., 4th ed. Retreived from https://www.encyclopedia.com/humanities/encyclopedias-almanacs-transcripts-and-maps/common-consent-arguments-existence-god
- Pecorino, P.A. (2001). Philosophy of Religion. Retrieved from https://www.qcc.cuny.edu/socialsciences/ppecorino/phil_of_religion
- Ganssle, G.E. (2018). Grad Resources. Evidence for God’s Existence. Retrieved from https://gradresources.org/evidence-for-gods-existence/
- (Hango sa mga talata ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)
PAGSUSULIT:
(Oral na pagbabahagi)
1. Alin sa mga argumentong pinag-uusapan sa itaas na nagpapatunay na may Dios ang mas kinakatigan mo? Ipaliwanag.
2. Magbahagi ng (3) tatlong mga talata sa Biblia na nagpapatunay na may tunay na Dios na makapangyarihan sa lahat na siyang manlilikha.
Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...
TumugonBurahin