KILALANING LUBOS ANG IISANG TUNAY NA DIOS
2. Alamin, na may isang tunay na Dios lamang hindi tatlo o
marami at ang iba na kinikilala at sinasamba ninoman na bukod sa nag-iisa na
tunay na Dios ay mga dios diosan kung tawagin.
3. Alamin, na walang ibang tagapagligtas at manlilikha liban sa
nag-iisang Dios at isa ang kaniyang pangalan.
4. Alamin kung ano ang kalikasan ng Dios at ano ang kaniyang ginawa upang ihayag ang kaniyang kalooban sa taong kaniyang nilalang.
5. Alamin, Ang kalikasan ni Hesus.
ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:”
Deuteronomio. 6:4
ABSTRAK
Ang mapanibughuing Dios, ang nag-iisang Panginoon ay walang nakilalang Dios liban sa kaniyang sarili (Exodu 20:5; Isaias 45:5). Siya ay naghahanap ng tunay na mananamba sa kaniya sa espiritu at katotohanan (Juan 4:23-24). Dahil sya ay nanahaan bago pa man ang simula at sya ay magpasawalang hanggan (Mga Awit 90:2), hindi maitanggi ang kalagayang siya ay hindi lubos na maintindihan ng taong limitado sa lahat ng bagay, panahon, unawa at kakayahan lalo't ang kalikasan nitong makasalanan at nahiwalay sa kaniyang manlilikha dahil sa pagkakasala. (Isaias 59:1)
Hindi mahanap ng tao ang Dios dahil sa kalikasan nitong hindi ito makikita kahitkailan sapagka't siya ay espiritu at ang kaniyang espiritu ay sumakop sa lahat ng kinapal at ito ay nananahan sa lahat ng dako. Ang Dios ang gumawa ng tao at siya din ang humirang ng lahi upang ito ay kaniyang kaugnayin at hayagan ng kaniyang dakilang pag-ibig at ipamalas sa kanila ang kaniyang di mapantayan na kabutihan sa sansinukob. Dahil siya ay espiritu, gumamit siya ng kasangkapan upang siya ay makipag-ugnayan sa kaniyang nilalang gaya ng anghel o di natutupok ng apoy na puno tulad ng sa panahon ni Jacob o ni Moises na ang tawag dito ay theophany.
Nang ang tao ay mahawalay sa kaniya, hindi siya tinawag at hinanap nito kundi siya ang humanap at pumili ng taong kaniyang hirangin upang ipahayag ang kaniyang kabanalan at katuwiran sa kanila. Dahil ang Dios ay hindi maabot at maunawaan ng tao, sa kaparaaan ng Dios gamit ang panahon kinaugnay niya ang tao at dahan dahan syang nagpakilala sa kanila sa pagdaan ng salin lahi hanggang sa dumating ang ganap na itinakda niyang kapanahonan na siya ay nahayag sa laman.
BUOD
ANG KALIKASAN NG DIOS
Ang Dios ay naroon na bago pa lalangin nya ang langit at ang lupa kasama ang lahat ng bagay pati na ang mga anghel na naglilingkod sa kaniya (Mga Awit 148:1-5).
Ang Dios ay espiritu at sa pamamagitan ng kaniyang salita, nalikha ang lahat ng mga bagay. (Genesis 1:1-3) Siya ay walang simula at walang katapusan.
ANG RELASYON NG DIOS SA TAO
SINO ANG TUNAY NA DIOS?
Upang lalong makita nating maliwanag kung sino ang Diyos, ating suriin ang relasyon ng Diyos sa tao bago siya mahulog sa pagkakasala.
a) Bago pumasok ang kasalanan, mayroong magandang relasyon ang Diyos at ang tao. Ngunit ang relasyong ito ay sinira ng kasalanan (Roma 3:23; Isaias 59:1-2).
b) Gayon na lamang ang pagnanais ng Diyos na ang relasyong ito ay muling maibalik. Kinakailangang masira nag pader, na sumisimbulo sa kasalanan, na naghihiwalaya sa Diyos at sa tao. At ano ang paraan ng Diyos upang maalis ang pader na ito? Tingnan sa Hebreo 9:22.
c) Ang plano ng Diyos para sirain ang kasalanan ay sa pamamagitan ng pagbubuhos ng dugo ng isang matuwid na tao, ngunit walang matuwid kahit isa (Roma 3:10-18).
d) Sinong tao ang tutubos sa sanlibutan? Wala! Kaya ang Diyos ay nagplano na talagang tubusin niya ang tao. Narito ang plano ng Diyos (Isaias 35:3-6; Mateo 11:1-6; Filipos 2:5-8; II Corinto 5:19).
e) Sa I Timoteo 3:16 ang kanyang kapahayagan sa laman ay tinawag na Anak ng Diyos. Naroon sa Anak ang Ama (Juan 14:6-11; Colosas 2:8-9; Roma 9:5; Isaias 9:6; Hebreo 1:5 - pasimula ng pagiging Anak; Mikas 5:2)
KALIKASANG TAGLAY NI HESUS
Ang Dios ay hindi kilala sa lumang tipan sa kung ano ang tunay niyang pangalang nagliligtas kundi tinawag siyang Panginoon at makapangyarihan sa lahat batay sa kung paano siya naintindihan at nakilala ng kaniyang bayan. (Exodu 3:14; 6:3) Ang pangalan nya sa lumang tipan ay lihim at itinago ng anghel. Ito ay ipinakilala ng dumating ang takdang panahon, ang anghel Gabriel ang inatasan ng Dios upang ihayag ang kaniyang pangalang nagliligtas sa pamamagitan ng babaeng si Maria. (Mateo 1:21)
Dahil sa nahayag na ang pangalang tatawaging kamangha-mangha, tagapayo, makapangyarihang Dios, walang hanggang Ama at prinsipe ng kapayapaan (Isaias 9:6), hindi na maitanggi sa ating panahon na Hesus ang kaniyang pangalan. Si Hesus bago mahayag ang kaniyang pangalan sa itinakdang kapanahonan ng Dios, sya ay naroon na bago pa si Abraham na tinawag na si "Ako nga" o "self existent one" ang Makapangyarihan sa lahat o Almighty. (Juan 8:58)
KAPAHAYAGAN NG DALAWANG KALIKASAN NI HESUS
Sa kanyang kalikasang tao, Siya ay tao; ngunit sa kanyang kalikasang Diyos, Siya ang nag-iisang Diyos. Sa Roma 9:5, maliwanag na dalawa ang kanyang kalikasan, Diyos at tao.
1. Kalikasang Tao
a) Malinaw, na sa pagiging tao ni Hesus, siya ay tinawag na Kristo o "hammashiach" (sugo ng Dios/Ama), anak ng Dios, ang taong tagapamagitan sa Dios ang ng mga tao (1 Timoteo 2:5), mula sa babae at gawa sa ilalim ng kautusan (Galacia 4:4). Siya ay nagutom at nauhaw, nanghihina at nanlupaypay (Markos 6:30-31) hindi alam ang lahat ng bagay (Mateo 24:36), nasusugatan at namamatay (Lukas 22:44; 23:46). Ito ay may simula at may katapusan.
- Hindi lamang ang mga tao sa panahon ngayon ang nalilito at naguguluhan sa tunay na kalikasan ng Panginoong Hesus, kund kahit ang kanyang mga alagad din naman (Juan 14:6-11).
- Ang mga Hudyo na hindi sumampalataya sa kanya ay naguguluhan din (Juan 8:56-59, 10:30-33, 5:18, 8:19).
b) Ang pananalangin ay tanda ng pangangailangan, may kahinaan o kakulangan na taliwas sa tunay na kalagayan ng Dios. Kung siya nga ang Diyos, bakit pa siya nanalangin?
Sa Filipos 2:5-8, Siya ay nakitulad lamang sa tao, sapagkat sa pasimula ay hindi talaga siya tao na gaya natin. Bago siya nasumpungan sa anyong tao, Siya ay nasa anyong Diyos. Siya ay nanalangin sapagkat ang tao ay nananalangin. Hindi totoo na siya ay nakitulad sa tao kung hindi siya nanalangin.
c) Bakit siya sumigaw sa krus, "Diyos ko,..." kung siya na nga ang Diyos?
Sa kalagayang tao, hindi sa kalagayang Dios malinaw ipinahiwatig sa tao ang batayan na susundan at kaparehas. Hindi tuwirang sigaw ni Hesus ang sigaw na iyon sa kalagayang Dios kundi sa pagiging tao na umaako sa kasalanan ng sangkataohan. Ating alalahanin na noong si Kristo-Hesus ay nakabayubay sa krus, katauhan ng makasalanan ang kanyang ginampanan. Pinasan niya ang sala ng sanlibutan sa krus ng Kalbaryo (2 Corinto 5:21)
a) Ang Panginoon ay naging kagaya ng tao nang siya ay magpahayag sa laman (1 Timoteo 3:16).
2. Kalikasan ng Pagka Dios
- Si Hesus ay nagpapatawad ng kasalanan. (Mateo 9:4; Markos 2:7)
- Si Hesus ay gumawa ng himala, nagpagaling ng may karamdaman at bumuhay ng patay. (Markos 4:35-41; Juan 2:1-11; Juan 9:1-41; Juan 11:38-44)
BUONG KAPUSPUSAN NG DIOS AY NAKAY HESUS
Si Hesus ang kapahayagan ng Dios na hindi nakikita ayon sa laman (1 Timoteo 3:16), ang larawan ng Dios na hindi nakikita (Col. 1:15). Siya lamang ang nag-iisang persona ng Dios ayon sa laman. (Hebreo 1:3)
Ang Dios (Espiritu) na nakay Kristo-Hesus ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin. (2 Corinto 5:19)
Si Hesus ay ang walang hanggang Ama, siya ang kapahayagan ng Ama o ng Dios
na di nakikita. (Juan 12:45; 14:9)
Ayon sa Colosas 2:8-9 Siya lamang ang Diyos at wala ng iba!
Pagsipi:
- (Hango sa mga talata ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)
1. Ang tao ay ginawa ng Dios na mas mataas kay sa anghel.
Tama Mali
2.
Ang Dios na espiritu ay ang namatay upang ang tao ay matubos sa kasalanan sa pamamagitan ng pagbubo ng dugo.
Tama Mali
3.
Ayon kay Juan sa Juan 1:14, alin ang tamang sinabi niya,
Ang Dios ay nagkatawang tao
Ang “salita” ng Dios (logos) ang nagkatawang tao
4.
Ayon naman kay apostol Pablo sa sulat niya kay Timoteo, 1 Timoteo 3:16, sinabi niya,
Ang Dios ay nahayag sa laman
Ang Dios ay nagkatawang tao
5.
Na’ kanino nanahan ang buong kapuspusan ng Dios ayon sa Colosas 2:9?
Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...
TumugonBurahin