ANG KASALANAN
2. Saan nagmula ang kasalanan
3. Ang nagiging tunay na kalagayan ng tao dahil sa kasalanan
4. Ang mga bunga ng ksalananan at epekto nito sa kasalukuyan at maging sa eternidad.
5. Ibahaging mabuti ang katotohanan ng Biblia tungkol sa matinding kaparusahan dulot ng pagsalangsang sa katuwiran at kabanalan ng Dios.
"Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan."
1 Juan 3:4
ABSTRAK
Ang tao sa simula na ginawa ng Dios ayon sa kaniyang wangis at larawan, siya ay matuwid at banal. Genesis 1:27 Siya ay nilagay ng Dios sa hardin ng Eden, ang lugar na naroon na ang lahat ng kaniyang pangangailangan at inatasan siyang ito ay kaniyang pamahalaan. Genesis 2:8,15 Doon ay malaya niyang makasalamuha at makausap ang Dios. Ng makita ng Dios na siya ay may kalumbayan na naramdaman dahil na rin sa kaniyang pag-iisa, hindi tulad ng lahat ng mga nilalang sa kaniyang paligid, gaya ng mga hayop na ginawa ng Dios na masayang lumilibot kasama ang kani-kanilang mga uri, ang Dios ay nagpasyang bigyan siya ng katuwang at kasama ayon na rin sa kaniyang plano. Humugot ang Dios sa isa sa tadyang ni Adan at yon ay ginawa niyang babae Genesis 2:21-22, namuhay na kasama ang Dios, payapa, punong puno ng kasaganaan at pagpapala.
Sa kabilang banda, sa ganun ding mundong kanilang kinaroroonan ay may nauna ng nilalang na tinawag na pinakatusong sa lahat ng nilalang ng Dios Genesis 3:1, ang anghel na nahulog mula sa langit na si Lucifer Isaias 14:12, tinawag na satanas. kasama ang pangkat ng ikatlong bahagi ng mga anghel sa kaboohan sa langit na kaniyang pinangunahan, ang mga naging diyablo, ang mga kumalaban sa Dios Apocalipsis 12:4. Si satanas ay naroon na sa hardin ng Eden sa anyong ahas, na hindi alintana ng taong nilagay ng Dios dito.
Sa kalagayang ang tao ay walang nalalamang bagay labas sa kabanalan at katuwiran ng Dios na nasa kanila o sa pagiging inosente o pagiging walang muang sa mga ito, ay sa ganon ding kalagayan pumasok ang kanilang kalaban upang ito ay pagsasamantalahan sila'y kaniyang dayain at ilayo sa Dios Genesis 2:25. Subali't sa kabutihan at kadakilaan ng Dios sa buhay ng taong ginawa niyang higit na mas mataas sa lahat ng nilalang at mababa lamang ng kunti sa dios o mga anghel Mga Awit 8:5, bilang proteksyon niya sa kanila ay ibinigay niya ang kaniyang panuntunan sa kanila at huwag itong labagin Genesis 2:17. Ito ay ang kaunaunahang bilin ng Dios sa tao at tinawag ding kautusan.
Sa matinding pagkainggit ni satanas sa kalagayan ng tao at dahil narin sa ayaw niyang marating nito ang lugar at kalagayan niyang kinabibilangan noon, ginamit niya ang kaniyang katusuhan upang dayain sila at magtagumpay sa kaniyang binabalak, ang maghasik ng espiritu ng pagsuway sa puso at isipan ng tao. Si satanas ay nagtagumpay, at ang tao ay nahulog sa kaniyang patibong, nalabag ng tao ang panuntunan at bilin ng Dios na sana ito ang magtanggol sa kanila mula sa kamay ng kanilang kalaban. Nakapasok ang binhi ng espiritu ng pagsuway sa lahi ng tao, nasadlak sa kanilang pagkawalay sa Dios at ang kinaroroonan nito masayang hardin ng Eden Genesis 3:27. Sinalansang ng tao ang panuntunan ng Dios at nilabag nila ang kaniyang kalooban at dito pumasok ang kasalanan sa pamamagitan ng taong si Adan Taga Roma 5:12.
BUOD
ANO BA ANG KASALANAN
Ayon sa pakahulugan ng mga encyclopedia at diksyoharyo, ang etemology nito hango sa lumang salitang Ingles na "sunjō" dito rin ang salitang Latin galing na "son, sont-is" na ang ibig sabihin ay "guilt" o pagkakasala. Ang ibang kahulugan nito ay, paglabag, maling gawa o maling nagawa.
ANG PAHAYAG NG BANAL NA KASULATAN SA KASALANAN
Ang kasalanan batay sa tunay na pinanggagalingan nito ayon sa banal na kasulatan. Ito ay nag-ugat sa rebelyon at produkto ng paghihimagsik laban sa kautusan ng Dios ni satanas at ang kaniyang mga diyablo na siyang espiritung gumagawa ng lahat ng kasamaan at pandarayang nagdidilim sa puso at isip ng tao. Si satanas ang ama ng kasinungalingan Juan 8:44.
I Juan 3:4, 5:17; Santiago 4:17; Roma 14:23; Kawikaan 24:9
Paglalarawan ng Banal na Kasulatan kung ano ang mga kasalanan o paglabag sa pamantayan at panuntunan ng Dios.
I Corinto 6:9-10; Galacia 5:19-21, Juan 2:15-17
ANG PINAGMULAN NG KASALANAN
Ang lahat ng bagay ay may pinagmumulan at ganon din ang kasalanan. Saan ba nagsisimula ang kasalanan ng tao?
- Ito ay inihahasik ng demonyo sa isipan ng tao. Mateo 13:24-28
- Sa isipan pa lamang ay dapat nang mamatay ang binhi na iyan. Roma 12:1-2
- Sa ating mga sarili ay wala tayong magagawa. II Corinto 10:4-5
LAHAT AY MAKASALANAN
Walang taong hindi nagkakamali at pinatunayan ito ng kasabihang "walang taong ganap" o "nobody is perfect". Ito ay simpleng pagpapaliwanag sa tama at pangkalahatang pananaw at obserbasyon, na walang taong hindi nagkakasala, kundi ang lahat ay nagkakasala na siyang pinatotohanan ng banal na kasulatan.
- Lahat ay nagkasala. Roma 3:23, 5:12; I Juan 1:10
- Lahat ng tao ay nangangailangan ng Tagapagligtas. Mateo 18:11; Filipos 2:5-8; Mateo 1:21; I Timoteo 1:15
- Ang kasalanan ay gumagapos sa tao. Mga Gawa 8:23
ANG TUNAY NA KABAYARAN NG KASALANAN
Kung hindi bibigyan ng tao ng halaga ang pagsunod sa mga panuntunan at gawin kung ano ang kalooban ng Dios sa buhay niya, o di kaya'y hindi niya tatalikuran ang kaniyang pagsalangsang, pagsuway o mga kasalanan, at magpapatuloy sa kasiyahan dulot ng pagkakasala, ano ang tiyak at aasahang mangyayari?
- Mayroong kaligayahan sa pagkakasala nakasentro sa gusto at nais ng laman, ngunit ito ay sa maiksing panahon at pansamantala lamang. (Hebreo 11:25).
- Ano ba ang bunga ng kasalanan gawa ng laman at ipapahamak naman ang kaluluwa nito? Roma 6:23
- Anong kamatayan ang tinutukoy ng Bibliya? Apocalipsis 20:11-12
TOTOONG KALAGAYAN AT KAHINATNAN NG TAO
Pagsipi:
- (Hango sa mga talata ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)
PAGSUSULIT
1. Magbigay ng maikling salaysay ng paksang tinatalakay sa mga Aralin 9a at 9b.
Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...
TumugonBurahin