ANG PASIMULA NG TAO AT NG KASALANAN

____________________________________________________________________________________________
WARNING: 
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.   

The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building. 
____________________________________________________________________________________________





ARALIN PANG SIYAM - A
© copyright 2021


Layunin ng Pag-aaral sa Paksang ito ay: 

1. Ano ang tao?
2. Saan siya nagmula
3. Ang turo tungkol sa paglalang ng Dios laban sa turo ng "ebolusyon".
3. Ang pagpasok ng kasalanan sa sangkataohan.
4. Ano ang nagiging kahinatnan at tunay na kalagayan ng tao ng pumasok ang kasalanan.
5. Alamin ang kaparaanan ng Dios sa pagbibigay solusyon sa pag-iral ng problema ng kasalanan.
6. Ibahaging mabuti ang katotohanan ng Biblia tungkol sa paglalang ng Dios at ilantad ang kasinungalingan ng kaaway ayaw na sumamba sa nag-iisang Dios lamang na nagpakilala sa tunay niyang pangalang nagliligtas sa sangkataohan.


"At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay." 

Genesis 2:7


ABSTRAK

Ang tao ay ginawa ng Dios ayon sa kaniyang wangis at larawan. Ito ay hindi tumutukoy sa pisikal na kalagayan ng tao kundi sa espiritwal dahil ang Dios ay Espiritu at wala itong katawan o laman.  Ang wangis o "image" ay nangangahulugang representasyon o replica, na ang tao ay nagkakaroon ng sariling dignidad na siyang may kakayahan ng sariling karunungan, sariling pagkakaroon ng mga bagay at malayang ibigay ang kaniyang sarili sa pakikipagkasundo at makipag-ugnayan sa katulad din nya.  Ang larawan naman o "likeness" ay pagiging katulad ng tao sa Dios sa espiritwal na kalagayan nakasalalay sa kaniyang kakayahan sa panloob gaya ng pagkakaroon ng damdamin at isipan.   

Ang salitang "tao" ay hango sa orihinal nitong salitang pinanggagalingan sa Hebreo na "Adamu" na ibig sabihin ay "mula sa lupa"  o "from the ground" at dito galing ang katawagang Adan.  Adan ang pangalan ng lalake at babae at ito ay galing sa lupa o alikabok ng ito ay lalangin ng Dios.  Genesis 5:2  Mula sa alikabok o lupa ay kumuha ang Dios at ito ay hinugis nya at nilagay nya ang lahat ng kaniyang sangkap, ng matapos ay hiningan ng Dios ang butas ng kaniyang ilong, at ang tao ay nagiging buhay na kaluluwa.  Ang tao ay binubuo ng katawan, espiritu o hininga at kaluluwa.  Genesis 2:7 

Sa paglalang ng Dios ng lahat ng bagay, ang tao ay ginawa ng Dios sa ikaanim na araw matapos lalangin ng Dios ang lahat ng pangangailangan nito bago ang Dios pagpahinga sa ikapitong araw.  Genesis 1:1 - 2:3  


BUOD

PAGLALANG VERSUS EBOLUSYON (EVOLUTION) 

Walang bagay na nariyan ito man ay hayag o hindi nakikita ay walang simula. Ang pagkakaroon nito sa paligid o maging sa kalawakan man ay tumutukoy sa paglilikha na tumuro naman sa kaniyang pinangagalingan, ang tagapaglikha, walang iba ang Dios na siyang Ama ng lahat ng nilalang.  Lahat ay may simula at wakas.  Ano mang bagay na may umpisa ay meron ding katapusan.  

Kung ating papansinin, may pag-iral din naman sa kabilang banda ng paniniwala na tumanggi sa katotohanan ng paglalang ng Dios, ang kaisipang ang lahat ng bagay ay nanggaling sa isang malawak at malakas na pagsabog sa kalawakan o tinawag na "big bang theory".  Dagdag pa dito, nais din nilang patunayan na ang tao ay mula sa lahi ng unggoy at ito ay nagbago na lang pagdaan ng maraming mga taon tinawag nilang ebolusyon.  Kung susuriin at aralin ng mabuti ang kanilang tindig tungkol sa paniniwalang ito, nanatili hanggang sa kasalukuyan ang katotohanan hindi nila mahanap o maibigay ang patunay na tinawag din nilang "missing link" na mag-uugnay sa tao at ng unggoy.  Ayon sa pag-aaral, walang unggoy na napatunayang naging tao o gaya ng tao ayon sa taglay nitong kalikasan gaya ng pagkagawa sa kaniya ng Dios.   


LIHIS NA KAISIPAN NG TAO SA KANIYANG PINAGMULAN

Karamihan sa mga tao ngayon ay hindi alam ang kanilang pinagmulan. Kagaya halimbawa sa nabanggit na paniniwalang "ebolusyon" ano pa't itinuturo ito sa mga eskwelahan sa paksa ng agham.  itinuro sa mga paaralan na "evolution" na ang pinangagalingan nitong teorya o "theory" ay si Charles Darwin.  

Si Charles Darwin ay isinilang noong ika labindalawa ng Pebrero taong 1809 sa Shewsbury, Shropshire, England at namatay noong ika labingsiyam ng Abril taong 1882. Isa siyang Naturalistang Ingles o English Naturalist na kung saan kaniyang pang-agham na pagsisiyasat gaya ng teorya ng ebolusyon sa isang natural na pagpili ang siyang naging pundasyon ng makabagong pag-aaral ng ebolusyon o "modern evolutionary studies".  Bago pa man siya isinilang, libo libo ng taon ang nakalipas na ang banal na kasulatan ay naisulat na ng mga taong hinirang ng Dios upang itala ang kaniyang kalooban sa sangkataohan buhat sa simula ng paglalang.    


ANG PAG-IRAL NG LIKAS NG KASALANAN

Masyado nang lihis ang isip ng tao sa Diyos at sila ay bumabaling na sa mga di-makadiyos na katha.

Ngunit kung ikaw ay may pananampalataya sa Panginoong Diyos, ang paglikha ang dapat mong paniwalaan.  Suriing mabuti ang mga tala ng Banal na Kasulatan. Hebreo 11:3; Genesis 1:1 

Ang unang taong si Adan ang kahuli-hulihang nilikha ng Panginoon sa lahat ng Kanyang mga nilalang. Genesis 1:26-28

Ang Genesis 2:8-20 ay nag sasaad na inilagay ng Diyos si Adan sa isang napakagandang halamanan, ang hardin ng Eden. Ngunit, nakita ng Diyos na hindi lubos ang kaligayahan ni Adan kaya ginawa niya ang babae na magiging katuwang nito. Genesis 2:21-25


ANO ANG TAO?

    a) Ang tao ay may dalawang kalikasan. 2 Corinto 4:16; Roma 7:15-25

    b) Siya ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos. Genesis 1:27

    c) Ang tao ay kaluluwa. Genesis 2:17

   d) Siya ay nilikhang banal at matuwid. Eclesiastes 7:29


ANG TAO AY NAHULOG SA PAGKAKASALA 

    a) Nilabag ng tao ang utos ng Diyos. Genesis 2:16-17, 3:6

    b) Ang kasalanan ay dumating na dala ni satanas Genesis 3:1; Apocalipsis 20:2

    c) Pinalitan ng babae ang salita ng Diyos Genesis 3:2-3

    d) Ito ang mga kasalanan ni Eva Genesis 3:14-19

    g) Ang kamatayan ay pumasok sa sangkatauhan Roma 5:12-17


LAHAT AY MAKASALANAN

    a) Walang matuwid kahit isa Roma 3:23

    b) Lahat ay naging anak ng diyablo at marami pa rin ang mga gayon Juan 8:44

    c) Karapat-dapat na tayo ang hatulan ng Diyos ngunit si Kristo ang naging ating kaligtasan Roma 5:17

    d) Ang makasalanan ay alipin ng kasalanan Juan 8:34


ANG DAKILANG PLANO NG DIOS SA TAO SA PAGTUBOS

Dahil sa ang Dios ay alam ang lahat ng bagay o siya ay "omniscient", bago pa lang likhain nya ang tao ay kita niya na ang magiging kahinaan nito at ito ay malilinlang ng diyablo at mawalay sa kaniya dahil na rin sa ibibigay ng Dios sa tao na kalayaan ng pagpili o "free will"Ang Dios mismo ang gumawa ng paraaan upang ibalik sa kaniya din ang taong aagawin sa kaniya ng kaaway, ng paghasik ng binhi ng kasalanan nito sa puso ng tao, ang Dios ay nagpanukala ng pagliligtas bago niya pa lalangin ang lahat ng mga bagay at ang tao.    


ANG KALAYAAN NG PAGPAPASYA

Hindi kalianman sinasaklawan ng Dios ang kalayaan ng taong magpasya para sa kaniyang sarili o anoman ang kaniyang naiisin, bagaman ayaw ng Dios na ito ay mapapahamak at ninanais nitong siya ay mabuhay na payapa, maayos at lubos na pinagpala, higit sa lahat ay ang makapiling siya hanggang sa walang hanggan.  Ang kalayaan ng taong ibinigay ng Dios sa pagpapasya ay ang kakayahan at kapangyarihang magdadala sa kaniya ng kaniyang kahinatnan sa bukas.  Kung pinili ng unang tao ang magkasala at lumayo sa Dios, sa ganun ding paraan siya maaring mapalaya sa pagkakailipin ng pagkakasala at lumapit muli sa Dios.  Ang pagkakataong ito ay ibinigay na ng Dios, ang susi sa pamamagitan ng tamang pagpapasya ng tao.

 

ANG SUSING TAGLAY SA MULING PAGBABALIK NG TAO SA DIOS  


a) Ano ang ating gagawin upang tayo ay mapalaya sa kasalanan? Juan 8:31-32

b) Alamin natin ang kanyang salita at tiyak na tayo ay makakasumpong ng kalayaan.



Pagsipi:

- (Hango sa mga talata ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia) 


PAGSUSULIT:

 (Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)

 

1. Magbigay ng maikling salaysay ng paksang tinatalakay sa mga Aralin 9a at 9b.   










Mga Komento

  1. Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...

    TumugonBurahin
  2. Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...

Mga sikat na post sa blog na ito

MAHALAGANG ARAL TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG

ANG BIBLIA: KASAYSAYAN NG PAGLALAKBAY NG MGA SALIN

RELIHIYONG TUNAY NA SA DIOS