REBELYON - ESPIRITU NG PAGHIHIMAGSIK

____________________________________________________________________________________________
WARNING: 
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.   

The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building. 
____________________________________________________________________________________________




ARALIN PANG SAMPU 
© copyright 2021

Layunin ng Pag-aaral sa Paksang ito:

1. Ano ang tunay na kahulugan ng Rebelyon
2. Saan ito nagmula 
3. Ang palatandaan ng taong taglay ang Espiritu ng Paghihimagsik
4. Ang epekto at nagagawa ng taong taglay ang Espiritu ng Paghihimagsik.
5. Paano makalaya sa Espiritu ng Paghihimagsik
6. Ibahaging mabuti ang katotohanan ng Biblia tungkol sa paksang ito.


"At sinabi niya sa kanila, Nakita ko si Satanas, na nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit." 

Lukas 10:18



ABSTRAK

Ang paghihimagsik ay isang pagpapasyang nagsimula sa isipan laban sa sumaklaw na kapangyarihan o kapamahalaan, o nang lider, batay na rin sa kinabibilangan nitong panahon at kalagayan. Ang kadalasang sigaw at katuwiran ng mga naghihimagsik, ay laban sa pang-aabuso, ng karapatan at ang hindi pagkakapantay o patas na kalagayang pinapairal.  

Ngunit, kung titingnan at suriing mabuti din, ang kalagayan ng naghihimagsik na sinoman, maaring indibidwal man o pangkat, hindi rin mapasubaliang maari ding hindi namamalayan, na tulad sa indibidwal na katayuan, ay kaniya ding naaabuso ang sarili, ipinagmamalabis ang karapatan o pagiit ng sarili na mataas sa sinoman na nauuwi sa hindi pagsang-ayon o pagpapasakop sa sitwasyong umiiral, ganun din  maari sa pangkat pangmaramihan dahil sa kahulugan ng salitang "rebelyon", ito ay simpleng hindi pagsang-ayon sa hindi nito nagustuhang sitwasyong umiiral, mula sa  itinalagang kapahalaan na siyang pinagmumulan ng mga atas na sundin at pagkaisahan ng sa lahat nitong kinabibilangan.    .       

  .  

BUOD


ANG KAHULUGAN NG REBELYON

Ayon sa pakahulugan ng mga diksyonaryo o talatinigan, ang rebelyon ay marahas na pagkilos o hayag na pagtutol sa isang itinatag na kapamahalaan o ng tagapanguna.  Ito rin ay nangangahulagang layun o proseso ng pagkontra ng kapangyarihan, katalagahan o kombensiyon. Ibang salitang kaparehas ng kahulugan ng rebelyon sa Ingles ay defiance, uprising, mutiny, revolt, insurgence, insurrection, subversion,  insubordination o disobedience.  Ito ay paghihimagsik, pakikipagbaka, pakikipaglaban, pakipag-away, pakipagdigma, pagkontra o pag-aklas na sa madaling salita at unawa ay ang hindi pagsunod o pagpapasakop sa itinalagang kapamahalaan at kapangyarihan o mismo sa tagapanguna nito. 


ANG PINAGMULAN NG REBELYON

Ayon sa encyclopedia, ang "rebellion, uprising, o insurrection" ay ang pangtanggi ng pagsunod o sa atas.   Saan nagmula o ang pinagbuhatan ng rebelyon.  Ito daw ay hayag na pag-aklas laban sa mga atas ng nakatalagang kapamahalaan o kapangyarihan.  Dagdag pa na sinabi nito na ang rebelyon ay buhat o nagmula sa sentimento ng galit o pagkamuhi at hindi pagsang-ayon ng isang sitwasyon at pagkatapos ay sariling mahayag ito sa pagtanggi ng pagpapasakop o pagsunod sa kapamahalaan na siyang responsable o may kagawaran sa sitwasyon. 

Ito ay madalng pamansin at makita sa larangan ng mundo ng politika na ang unang tala ng pagamit ng salitang Ingles na "rebellion" at pagbibigay ng kahulugan nito ay nagsimula noong 1300's.  Ito ay nagmula sa salitang Latin na Bell(um), ang ibig sabihin ay digmaan o "war" at ang ugat ng salitang ito ay katulad ng antebellium, belligerent at bellicose.  Ang pagrebelde ay ang pakipagdigma laban sa ano mang hindi sinasang-ayonan o sa pagtanggi ng pakikiisa.    

BIBLIKAL NA PAKAHULUGAN NG REBELYON

Ang Biblikal na tala kung saan nagmula ang rebelyon at ang kahulugan nito ay makita sa Luman Tipan mula sa Hebreong salita nito na "meri" na ang kahulugan sa Ingles ay "rebellion".  Ang salitang ugat nito sa Hebreo ay "mara", ang ibig sabihin ay ang maging o gawin maging mapait o hindi kanais nais ang sarili.  Ito ay madalas ding tumutukoy sa nasang baguhin, pangtanggi, hindi pagsunod, pakipagalit, paghihimagsik at pagiging rebelde.        

Sa Bagong Tipan, ganun din ang sinasabi nitong kahulugan katulad ng hindi pagsunod (disobedience) at pagpapahayag sa paraan ng pagsalita o sulat tungkol sa hindi pagsang-ayon, pagtutol, pagkontra, o rebelyon (sedition), na parehas tumutukoy sa pagrerebelde o paghimok laban sa umiiral na naitalagang kapamahalaan.  Kapansin pansin, kung tingnan mo ito sa Griegong salita, ito ay mula din sa ugat na salitang "hindi paniniwala" o "disbelief' na nagpapahiwatig sa isang pamamaraan ng paghihimagsik o katigasan ng ulo, o "obstinate" sa salitang Ingles.     


ANG SINABI NG BIBLIA TUNGKOL SA PAGHIHIMAGSIK LABAN SA KAPAMAHALAAN

Dahil sa ang rebelyon ay simpleng pagtanggi sa kapamahalaan, ito ay may malawak na mga epekto.  Kung babalikan ang lahat at alamin kung saan ito nagmula, ang aklat ng Genesis 1:26-28 ay nagtala. Ibinigay ng Dios ang kapamahalaan o pamamahala sa tao na kaniyang pamamahalaan ang lahat ng may buhay na bagay sa ibabaw ng mundo. Sa kapamahalaang ito, naroon din ang kapangyarihan at kagawaran.  

Sa taong may kapamahalaan tulad ni Adan, ay meron siyang kapangyarihan at kagawaran upang tingnan at pangunahan ang lahat ng nasa ilalim ng kaniyang pamamahala.  Ganun din, ang Dios,  ang nagtatalaga "ordained" ng mga tao upang tingnan at pangasiwaan sila na nasa ilalim ng kanilang kapamahalaan,  otoridad o dominyon, sa ganun din paraan kung paano ang Dios ay tumingin at nangangasiwa sa lahat ng kaniyang kapamahalaan, otoridad, o dominyon. Ito ay humihiling ng pagsasaalang alang sa bahagi ng taong itinalaga ng Dios sa lahat ng kaniyang nasasakupan o sa ilalim ng kaniyang pamamahala na magpapatupad ng kanilang otoridad sa paraang maihayag ang pag-ibig sa Dios ang ng kaniyang kapwa. Sa bawa't bagay na may buhay sa ilalim ng kanilang kapamahalaan, ay naroon ang pagalang at pagpapasakop sa kapamahalaan at pananagutan.   

Kung meron rebelyon laban sa kapamahalaan, magka-gayun meron ding pagtanggi sa pamamahala sa ilalim ng kapangyarihan. Ganun din, sa pagtangging ito, ay naroon ang pangtanggi sa itinalaga o binasbasan ng Dios na kaniyang hinirang. Kaya nga't, ang paghihimagsik laban sa kapamahalaan o kapangyarihan ay paghihimagsik laban sa Dios.  Ito ay ipinapaliwanag ng mabuti sa mga sumusunod: Roma 13:1-7

1 Ang bawat isa ay dapat magpasakop sa nakakataas na kapamahalaan sapagkat walang kapamahalaan maliban doon sa nagmula ng Diyos. Ang mga kapamahalaang iyon ay itinakda ng Diyos.


2 Kaya nga, ang sinumang sumasalungat sa kapamahalaan ay tumatanggi sa batas na mula sa Diyos. Ang mga tumatanggi ay makakatanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.

3 Ito ay sapagkat ang mga namumuno ay hindi nagbibigay takot sa mga gumagawa ng mabuti kundi sa mga gumagawa ng masama. Hindi mo ba ninanais na matakot sa pamahalaan? Gumawa ka ng mabuti at ang kapamahalaan ang pupuri sa iyo.

4 Ito ay sapagkat siya ang tagapaglingkod ng Diyos para sa iyong kabutihan. Ngunit kung ang ginagawa mo ay masama, matakot ka dahil hindi siya nagdadala ng tabak ng walang kahihinatnan sapagkat siya ang tagapaglingkod ng Diyos, na isang tagapaghiganti upang magdala ng poot sa gumagawa ng masasama.

5 Kaya nga, magpasakop ka hindi lang dahil sa galit kundi dahil sa budhi.

6 Ito ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis sapagkat ang mga kapamahalaan ay mga natatanging tagapag­lingkod ng Diyos na nakatalaga sa gawaing ito.

7 Ibigay sa bawat isa ang anumang dapat niyang tanggapin. Kung ang dapat ibigay ay buwis para sa nakakasakop, magbigay ng buwis na iyon. Kung buwis sa sarilingpamahalaan, ibigay ang buwis na ito. Kung ang dapat mong ibigay ay takot, dapat kang magdalang takot. Kung ito ay karangalan, magbigay ka ng karangalan."


ANG SINABI NG BIBLIA TUNGKOL SA REBELYON

Narito ang mga talata ng Biblia na bumabanggit sa salitang rebelyon: 

  • Ang REBELYON laban sa kapamahalaan ay rebelyon laban sa Dios: Deuteronomio 31:27; Josue 22:22; Ezra 4:17-24; Nehemias 9:17
  • Ang REBELYON ay kasalanan na nagbibigay personalidad kay satanas: Genesis 3:1-13
  • Ang REBELYON ay katulad ng pangkukulam: 1 Samuel 15:16-23

  • Ang REBELYON ay gawain ng mga masasamang tao: Kawikaan 17:11; Isaias 65:2
  • Ang REBELYON ay nagreresulta ng pag-aalis ng mga pagpapala ng Dios: Mga Bilang 20:10-24; Josue 2:1-15; Jeremias 28:2-17
  • Ang REBELYON ay pagalit sa Dios: Isaias 65:1-7; 1 Pedro 3:18-22
  • Ang REBELYON ay nagreresulta ng kamatayan: Roma 5:12-19; 1 Pedro 2:4-8
  • Bagaman marami pa ang pwedeng sabihin ng Biblia tungkol sa rebelyon, dapat nating maintindihan na hindi ang Dios ang nagmamay-ari o pinagmumulan ng kaguluhan (1 Corinto 14:26-33), Nais niyang ilagay na desente at may kaayusan ang lahat ng mga bagay (1 Corinto 14:40). Kung ating igalang ang kapamahalaan at ugaliing pairalin ang tamang otoridad at  wastong kapamahalaan, ating maingatan ang lahat ng bagay sa paraan din na nais at naisin din ng Dios sa kanila. Ang pagawa nito ay ang pagmomodelo din ng kung ano ang ginagawa ng Dios sa atin, na naglalagay ng mga takdang yugto na mag-iingat at pahalagahan sila, na mas lalong mahina sa ating lipunan o sambayanan. 
  • Sa wakas, pagdating sa rebelyon, atin nawang matalastas na minsan pakiramdam natin ay pinamumunuan tayo ng tagapanguna o siyang nakakataas sa atin na hindi mabait at mapagmahal. Hindi pa rin niyan mababago ang katotohanan, na kailangan nating gumalang at magpasakop sa kanilang kapamahalaan o otoridad, lalo't kung wala naman silang nilabag na salita ng Dios at pagsunod kay Cristo bilang halimbawa. Sa katapos taposan, kung ating gawin ang alam nating tama ayon sa salita at kalooban ng Dios, atin siyang nilugod at aayusin din niya ang ano mang mga bagay na tila hindi maganda pagdating ng kaniyang itinakdang tamang panahon.   (Roma 12:14-21; 1 Pedro 3:18-4:7).


ANG REBELYON AY ESPIRITU NG PAGHIHIMAGSIK 

Kung paanong si satanas na tinawag na "Lucifer" o tala sa umaga ay nahulog dahil sa hangal niyang pangarap maging pantay o gaya ng Dios, siya'y lumagapak sa lupa, ang tao ay ang naging sentro ng kaniyang paghihiganti.  Siya ay espiritung gumagala at naghahanap ng kaniyang malalapa, gaya ng isang leon na umaatungal.

Ang sama samang pagmamataas, pagnanasa ng kapangyarihan, at kapalaloan na nakay Lucifer, ang nagdala sa kaniyang kinahinatnan upang sipain siya ng Dios at alisin sa kaniyang dating kinalalagyan, dahilan kung bakit siya naghihimagsik, kumakalaban at sumasalungat sa Dios.  Ang tao nga, ang kaniyang pinagbubuntunan ng galit at higit niyang kinaiinggitan, sa dahilan na ayaw niya itong makapanhik at makarating sa kalagayang dati niyang kinaroronan. Ang tao nga ay nahulog sa bitag ni satanas at siya'y napunlaan ng espiritu ng paghihimagsik, kasama ng kasalanan gaya ng paulit ulit niyang mabagsik na kasangkapan ipinupukol sa tao, na si Cristo lamang ang hindi niya nagapi at napasuko sa alok niya ng pita ng mata, pita ng laman at ng kapangyarihan.   

Ang pagnanasa ng kapangyarihan, kayamanan at karangalan ay malinaw ng nahasik ni satanas na binhi sa sangkataohan, kaya ang espiritu ng paghihimagsik o rebelyon ay nasa puso at isip na ng tao.  Walang taong hindi naghahangad ng kapangyarihan, kayamanan at karangalan, kundi kusa na itong mithiin ng bawa't nilalang, at tinawag itong kayabangan.  Walang taong walang kayabangan o "pride". Ito ay "warning device" o "push button" sa tao na kahit sa mga mananampalataya ay dapat bantayan, dahil kapag nasundot o napindot ito, lalo't sa pagpapasakop sa kapamahalaan o sa tagapanguna ang pinag-usapan, ito ang naging pangunahing palatandaan. Aasahang, ang pag-iral muli ng sarili o rebelyon ang kasunod na maghahari, mawala sa kaniya ang respeto at pagpapasakop sa kapamahalaan at sa mas may nakakataas sa kaniya sa posisyon o katungkulan.   


Ang rebelyon ay espiritwal na kahinaan gaya ng pangkukulam, pagbibigay buhay ng personalidad ni satanas.  Ito ay gumagawa ng lihim sa dilim na ang layunin ay sirain, alisin o patayin ang sinomang kaniyang kinasasamaan o kinaiinggitan. 
 
       




BABALA, NG MAHIGPIT NA PAGSISIYASAT AT PAG-IINGAT

Ang pag-aklas o paghihimagsik laban sa otoridad o kapamahalaan ay pangkaraniwan sa ating kultura.  Ang rebelyon ay ang paglihis o pagsalangsang o hindi pagsunod, o paglaban sa kapangyarihan.  Ang Dios ay nagbigay sa tao ng pamamahala nito sa daigdig, na nangangailangan ng kapangyarihan at kagawaran.  Kung tayo ay aaklas laban sa kapangyarihan, tayo ay umaklas laban sa pagtatalaga o ordinasyon ng Dios; ito ay  kinapootan ng Dios.  Si Cristo ang ating pamantayan sa pagpasakop sa kapangyarihan at kapamahalaan. 

Kahit kailan, ang paghihimagsik ay hindi matuturing na isang kalakasan kundi ito ay kahinaan na hindi dapat alagaan, bigyan ng pagpapahalaga, o pagkonsente man, dahil wala itong ibang layunin, kundi ang wasakin, kalabanin, sirain, pabagsakin, panghinain o pakikipagdigma laban sa umiiral na naitalagang kapamahalaan o tagapanguna nito sa sitwasyong kaniyang kinabibilangan, na Dios din mismo ang may katalagahan.  Ang rebelyon ay hindi mula sa Dios, kundi ito ay sa kalaban, mula sa may-ari nito, ang ama ng kasinungalingan, at ang espiritung sumakop sa mga ayaw sumunod at magpasakop sa kapamahalaan at kapangyarihan.  Ang rebelyon ay mismong pakikipaglaban sa Dios.  

Ang taong puspos ng banal na Espiritu ng Dios ay tama ang kaniyang espiritu, may pagalang at pagpapasakop sa pagtatalaga at kapamahalaan mismo tulad din ng kaniyang mga lingkod gaya ni Haring David na naroon na sa pagkakataon ang haring tumugis sa kaniya ay maari niya ng paslangin, gaya din ng kaniyang mga kasama, tulad ng mungkahi ni Abner sa kaniya. 1 Samuel 26:9-11, 14-16
 
"9 At sinabi ni David kay Abisai, Huwag mong patayin siya: sapagka't sinong maguunat ng kaniyang kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon at mawawalan ng sala? 

10 At sinabi ni David, Buhay ang Panginoon, ang Panginoon ay siyang sasakit sa kaniya; o darating ang kaniyang kaarawan upang mamatay; o siya'y lulusong sa pagbabaka, at mamamatay. 

11 Huwag itulot ng Panginoon na aking iunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon: nguni't ngayo'y iyong kunin, isinasamo ko sa iyo, ang sibat na nasa kaniyang ulunan, at ang banga ng tubig, at tayo'y yumaon..."

"14 At sumigaw si David sa bayan at kay Abner na anak ni Ner, na nagsabi, Hindi ka sumasagot, Abner? Nang magkagayo'y sumagot si Abner at nagsabi, Sino kang sumisigaw sa hari? 

15 At sinabi ni David kay Abner, Hindi ka ba matapang na lalake? at sinong gaya mo sa Israel? bakit nga hindi mo binantayan ang iyong panginoon na hari? sapagka't pumasok ang isa sa bayan upang patayin ang hari na iyong panginoon. 

16 Ang bagay na ito na iyong ginawa ay hindi mabuti. Buhay ang Panginoon, kayo'y marapat na mamatay, sapagka't hindi ninyo binantayan ang inyong panginoon, ang pinahiran ng langis ng Panginoon. At ngayo'y tingnan ninyo kung saan nandoon ang sibat ng hari, at ang banga ng tubig na nasa kaniyang ulunan."


TUNAY NA KALAYAAN

Ang sinomang nagkasala ay alipin ng kasalanan Juan 8:34 kaya ang sinomang pinanahanan ng espiritu ng paghihimagsik ay alipin din nito 1 Samuel 15:23. Ang sinomang nanampalataya kay Kristo Hesus na hindi napalaya sa sanib ng espiritu ng paghihimagsik o rebelyon, at nanatiling alipin nito, ay maituturing na hindi tunay na mananampalataya kundi alipin ng kasalanan. Ang tanging paraan upang makalaya sa sumpa ng rebelyon at ng pagiging alipin nito, ay ang pagtanggap ng may kababaan at kaamoan sa salita ng Panginoon at sundin itong lubos. Ito ay pagpapasyang taimtimang gawin ng sinoman, na ang tanging lunas ay ang pagtanggi sa sarili, supilin at alisin ang poot sa isip at pusong nagmamataas Efeso 2:5-8. Aralin at sikaping matutunan ng sumunod sa kapamahalaan at sa mga namiminuno o sa mga itinilagang mamamahala at lalo’t sa mga lingkod na binasbasan ng Dios.

 
Hayag na makikita sa buhay mismo ng tao kung sino ang nanatili sa pagiging alipin ng espiritu ng paghihimagsik sa taong napapalaya na nito, at ito ay may kababaan, marunong magpasakop, handang magpatawad at humingi ng tawad, handang maglingkod na walang hininging kapalit tulad ng halimbawang itinuro ng Panginoon sa lahat ng kaniyang mga alagad.    

 

Juan 8:31-36

31 Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;

 

32 At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.

 

33 Sa kaniya'y kanilang isinagot, Kami'y binhi ni Abraham, at kailan ma'y hindi pa naging alipin ninomang tao: paanong sinasabi mo, Kayo'y magiging laya?

 

34 Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan.

 

35 At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man.

 

36 Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya.

 

Roma 6:16

16 Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo'y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?”

 

2 Pedro 2:19

19 Na pinangangakuan ng kalayaan, samantalang sila'y mga alipin ng kabulukan; sapagka't ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon.”

 

Colosas 3:13-15

Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

 

At higit sa lahat, magmahalan kayo, sapagkat ang pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa. Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan.

 

Magpasalamat kayong lagi. Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso.




Pagsipi:


- Lalor, John Joseph (1884). Cyclopedia of Political Science, Political Economy, and of the Political ... Rand, McNally. p. 632.
- "Insurrection". Oxford English Dictionary (2nd ed.). Oxford University Press. 1989.
- "Insurgent". Oxford English Dictionary (2nd ed.). Oxford University Press. 1989.
- "Rebellion". Dictionary.com "1300–50; Middle English rebellioun<Old French <Latin rebelliōn- (stem of rebelliō), equivalent to rebell(āre) to rebel + -iōn--ion"
- "Rebellion" Meriam-Webster Dictionary
- "Rebellion" Wikipedia.com
- "Rebellion”. Retrieved from Google, https://www.google.com/?gws_rd=ssl#q=rebellion
https://www.whatchristianswanttoknow.com/what-does-the-bible-say-about-rebellion-a-christian-study/#ixzz6y03b0hbb


PAGSUSULIT:

(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)

1. 



 Ang rebelyon ay ang unang pagsalangsang sa Dios bago pa ipakilala sa tao ang kautusan..                          

         Tama         Mali

2. 


 Kanino galing ang espiritu ng rebelyon o paghihimagsik?  

         sa Dios        sa tao         kay satanas   

3. 


 Kaninong personalidad ang ginaya o binigyang buhay sa paghihimagsik o rebelyon?    

 ang Dios      ang sarili       si satanas

4. 

 Ang pag-aaklas ba o ang pagsasalita laban sa kapamahalaan at namamahala ay matatawag na isang rebelyon?                

             Oo               Hindi

5. 

 Ang pusong pinanahanan ng espiritu ng rebelyon ay alipin ng kasalanan..     

 Tama             Hindi


Mga Komento

  1. Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...

Mga sikat na post sa blog na ito

MAHALAGANG ARAL TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG

ANG BIBLIA: KASAYSAYAN NG PAGLALAKBAY NG MGA SALIN

RELIHIYONG TUNAY NA SA DIOS