IKALAWANG KAMATAYAN AT ANG KANIYANG KALAGAYAN
Layunin ng pag-aaral sa paksang ito:
2. Ang kaibahan ng una at ikalawang kamatayan
3. Ang kalagayan ng mga namamatay
4. Sino sino ang makakaranas ng mga nabanggit na uri ng mga kamatayan
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito.
ABSTRAK
Tinatalakay sa naunang pag-aaral ang paksang may pamagat na "Dalawang Uri ng Kamatayan", ang diin sa unang kamatayan, na malinaw, ito ay tumutukoy sa kamatayan ng laman o sa pisikal na kalagayan, ito ay ang unang kamatayan.
Sa unang kamatayan, sa makatuwid, ay pagbabalik ng katawang ito na mula sa lupa ng ito ay ginawa ng Dios, sa alabok din na kaniyang pinanggagalingan. Ang espiritu nito o ang hininga na bigay ng Dios ay babalik din sa Dios. Gen. 2:7 Kapag dumating na sa sukdulan at sa itinalaga nitong panahon ng Dios, na sa mga gumagawa ng kagalingan, pagsunod sa kautusan ng Dios at pagkawang gawa o pagtulong sa kapwa, siya ay may gantimpala ng mabuting katandaan o mabuting wakas hanggang sa tuluyan ng mawala ang kaniyang kalakasan sanhi na rin ng katandaan. Ito ang paglalarawan ng Lumang Tipan sa kamatayan na tumutukoy partikular sa pisikal na kalagayan, na syang unang kamatayan.
Sa paksang ito, bibigyang diin naman dito ang ikalawang kamatayan na walang kinalaman sa unang kamatayan. Ang unang kamatayan ay tumutukoy sa pisikal na kamatayan, subali't ang ikawalang kamatayan at ay tumutukoy sa espiritwal na kamatayan o sa walang hanggang pagdurusa at paghihirap o kamatayang walanghanggan. Ang espiritwal na kamatayan ay nagsimula ng ang tao ay mawalay sa Dios dahil sa pagkakasala. Ito ay tumutukoy sa pagkasira ng magandang relasyon at ugnayan ng Dios dahil sa pagsalangsang sa kaniyang ibinigay na kautusan sa halamanan ng Eden. Ang tanda ng matindi at mabigat na parusang ito ay ang pagpapalayas ng Dios sa tao sa tinawag na paraiso, sadya sanang ginawa ng Dios sa kanila.
Ang ikalawang kamatayan naman ay isang kalagayang panghinaharap at ito ay malinaw na hiwaga sa mga taong nakatoon lamang sa paniniwala ng Lumang Tipan at hindi kumikilala kay Cristo, at hindi naniniwala sa kaniyang pagkabuhay ng maguli, tulad ng mga Saduceo at ang tinawag na mga Gnostics na naroon na sa panahon ni Cristo, tulad ng naging pahayag ni apostol Pablo laban sa kanila sa 1 Corinto 15:12-14, 16-17, 42-44.
Aaralin din sa paksang ito, kung paano ang tao ay makakatakas sa landas tungo sa ikalawang kamatayan batay na rin sa ibinigay ng Dios na biyaya sa tao na tinawag na kaligtasan. Alaming mabuti at sundan ang panukala at dakilang plano ng Dios sa pagtubos at gawin ang tamang pagpapasya na minsan lamang pwedeng magamit ng tao, at ito ay sa panahon na siya ay nasa mundo pa ng mga buhay.
BUOD
ANG PAGKAKAIBA NG DALAWANG URI NG KAMATAYAN
Ang buhay ay magtatapos sa kamatayan lalo't kung ang pag-uusapan ay ang unang kamatayan. Ang unang kamatayan ay tumutukoy sa buhay ng pisikal na kalagayan ng tao na nakasalalay din kakahantungan nito batay sa kaniyang mga ginagawa sa indibidwal o sariling pagpapasya. Ang sukdulan ng buhay sa pisikal na kalagayan ay ang pagdating nito sa pagtatapos at pagkawala na ng lakas nito o ang pag-alis ng kapangyarihan ng buhay ng laman, at yon ay ang mabuting kataandaan o wakas ng mahabang buhay; at pag-alis o pagkawalay ng espiritu o hininga sa katawan. Ating napag-alaman na ang pwede lamang magsabi ng opisyal na paghahayag sa kalagayan ng tao kung ito ay patay na, na talagang tumutukoy sa pisikal na katawan, ay ang mga taong lehitimo't dalubhasa sa medikal na pagsasanay. Kanilang ipinapahayag ito matapos ng kanilang pagsagawa ng kanilang pakikialam sa katawan upang ito ay isalba at hindi na ito tumugon sa loob ng 48 na oras, hindi na tumugon at tumatanggap sa ano mang lapat ng gamot, wala ng pagtibok ng puso, walang paggalaw o pagkilos at paghinga. Sa kanilang opisyal na pagpapahayag na ang tao ay patay na, ay tumutukoy mismo sa unang kamatayan ng tao, sa makatuwid, ang kamatayan ng mortal o pisikal na katawan, at kalaunan ay babalik na ito sa lupa na kung saan ito nanggaling ayon sa Genesis 3:19; Ecclesiastes 3:20.
ANG BIBLIKAL NA KAHULUGAN NG IKALAWANG KAMATAYAN
Tanging ang Biblia na naglalaman ng salita ng Dios ang siyang opisyal na batayan na magpapahayag ng ikalawang kamatayan ng tao.
Maging ang mga kahulugang ginamit ng encyclopedia at mga
diksyonaryo ay hango din sa aral ng Judaismo at Kristianismo na ang pangunahing
saligan nito ay ang Banal na Kasulatan. Walang
binanggit na “ikalawang kamatayan”
ang Hebrew Bible na tumutukoy sa TANAKH o Lumang Tipan, kundi ang Targum na
siyang Aramaic na pagkalimbag ng Hebrew Bible sa unang siglo na, panahon ni
Cristo o C.E at hindi sa lumang kapanahonan.
Ayon sa encyclopedia, ang ikalawang
kamatayan ay isang eskatolohikal na pananaw, na umaayon sa kaparusahan
pagkatapos ng una o natural na kamatayan sa mundong ibabaw, at sinabi din ng
diksyonaryo na ito ay: pagkondena sa walanghanggang pagkawalay sa Dios:
kaparusahan ng mga kaluluwa na nawawala pagkatapos ng kamatayan ng katawang
lupa.
Ang Biblikal na pakahulugan ng ikalawang kamatayan ng tao ay tumutukoy sa eternal na kahantungan ng kaluluwa na wala ng pag-asang ito ay matakasan. Ito ay tumutukoy sa panghuling hatol ng Dios sa mga taong hindi nakapagkamit at umabot ng pagtanggap ng biyaya ng Dios na may kinalaman sa pagtamo ng lunas ng kabayaran ng kasalanan lalo't ang kaluluwang nagkasala Ezekiel 18:30. Lahat ng tao simula kay Adan, ay nawalay na sa Dios at ito ay espiritwal na kamatayan na kung saan ang ugnayang espiritwal ng Dios at ng tao ay nawasak, ang kasalanan mismo ang sanhi ng pagkukubli ng mukha ng Dios sa tao Isaias 59:1-2.
Hindi binanggit sa Lumang Tipan lalo’t hango sa tala ng Hebrew Bible ang salitang ikalawang kamatayan, sa dahilang ito ay nakatoon lamang sa kautusan na sumasaklaw sa pisikal na kalagayan ng tao, at hindi rin naman pa dumating sa kanilang kapanahonan ang pagliligtas na gagawin ng Dios sa espiritwal na kalagayan ng tao, kundi, binigyang diin ito sa huling aklat ng Biblia, sa paksang tumatalakay sa "Huling Paghuhukom" o "Final Judgment", ang aklat ng kapahayagan ng Dios kay Hesuristo o Apocalipsis. Dahil sa dakilang pag-ibig ng Dios sa tao, siya mismo ang nagpanukala na Kaniyang iligtas ang mga ito sa landas nito papuntang kapahamakan tungo sa ikalawang kamatayan. Ang sino mang hindi nakasumpong ng dakilang kaligtasan inaalok ng Dios sa tao, na patay na ang espiritwal na ugnayan niya sa Dios, ay tuluyan ng hahatulan ng ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagat dagatang apoy Apocalipsis 20:8, 14, taliwas naman sa mga taong ang kanilang mga pangalan ay naitala na sa aklat ng buhay bago pa man dumating ang huling paghahatol ng Dios Apocalipsis 2:11; 20:6.
ANG KALAGAYAN NG KAMATAYAN AT MGA PATAY
Sa dahilan na walang taong naitala sa kasaysayan o sa kahit anong panahon man, ay sinabing dati ng patay, kasabay ang pagka-agnas ng kaniyang lupang katawan, ay bumalik at muling nabuhay dito sa lupa, kaya't walang tunay na makapagsalaysay sa kung ano ang kalagayan ng mga patay sa kabilang buhay labas sa kaniyang kalagayang pisikal o pagiging mortal. Ang katotohanan ng kalagayang ito ay totoong isang hiwaga sa halos lahat ng tao. Ngunit, ang Bibliya ay may kasagutan sa bagay na ito.
Kung tatandaan ang napag-aralan ng nakaraan tungkol sa paglalang ng Dios sa tao, siya ay may mga sangkap na bumubuo sa kaniya, at ito ay ang kaniyang katawang lupa, hininga o espiritu ng buhay at ang kaniyang kaluluwa. Sinabi ni apostol Pablo sa 2 Corinto 4:16, "Kaya't hindi kami nasisiraan ng loob kahit na humihina ang aming katawang-lupa; patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw." Dito, binanggit at binigyang diin ang maliwanag na dalawang bahagi ng tao – katawan at ang espiritwal na lakas mula sa espiritu ng Dios na taglay ng kaluluwa ayon sa orihinal na kalagayan sa kaniyang pagkalalang Genesis 2:7, ang tunay na tayo. Ang tao ay may kaluluwa Apocalipsis 6:9-14. Tama rin kung sabihin natin na ang tao ay buhay na kaluluwa Genesis 2:7.
Ang Pahiwatig ng Kalagayan ng Kaluluwa sa Bagong Tipan
- Si Lazaro at ang Mayaman sa Lukas 16:19-31
- Ito ay tiyak na nangyari, sapagkat ang Panginoon ay hindi nagsisinungaling o gagawa lamang ng istoryang hindi totoo. Sa talatang 19, "Mayroon nga..."
- Namatay si Lazaro sa talatang 22. Hindi binganggit na ang kanyang katawan ay inilibing dahil sa siya ay mahirap, ngunit siya ay dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham (paraiso o pahingahang-dako). Alin ang dinala sa kanya ng mga anghel? Walang iba kundi ang kanyang kaluluwa.
- Si Lazaro ay dinala sa paraiso; ang mayaman ay dinala sa Hades ng pagdurusa.
- Ang Hades o "Hell" sa Ingles o "impierno" ay hindi pa ang katapusang hantungan
- Ang katawan ni Lazaro ay bubuhayin pa at gagawing imortal. May pangako ng kaganapan ng unang pagkabuhay na mag-uli at pagpasok sa buhay na walang hanggan I Tesalonica 4:16; Apocalipsis 20:6.
- Ang mayaman ay muling bubuhayin din, ngunit pagkatapos pa ng isang libong taon upang humarap sa paghuhukom ng Diyos Apocalipsis 20:11-15.
Ang Kamatayan ay Darating sa Bawat Tao Hebreo 9:27.
Ang kamatayan ay darating sa lahat ng tao, ang wakas ng katawang lupa na may simula, nang ito ay maipanganak mula din sa sinapupunan ng taong tinawag na kaniyang ina, ang unang hatol o kabayaran ng kasalanan para sa lahat. Ngunit, hindi tumutukoy sa katawang lupa ang binanggit na paghuhukom pagkatapos ng unang kamatayan dahil babalik na ito sa lupa kung saan ito nagmula kasabay ng pagka-agnas nito. Ang kaluluwa ng tao ang tatayo sa huling paghuhukom na ang sinomang pangalan ay hindi naitala sa aklat ng buhay, ay ibubulid sa dagat dagatang apoy, ito ang ikawalang kamatayan.
Ang Ikalawang Kamatayan ay Pwedeng Matakasan Bago pa ito Dumating.
Wala ng makakatakas sa unang hatol na kamatayan sa tao bunga ng kasalanan, at ang patunay nito ay lahat ay mamatay. Ang katawang lupa ay babalik sa alabok na kaniyang pinanggagalingan. Bago dumating ang Huling Paghuhukom o "Final Judgment", na tumutukoy sa pagtayo ng kaluluwa sa hukuman ni Cristo, dito sa lupa o ng daigdig o mundo ng mga buhay ito pinaghahandaan, hindi sa kabilang buhay na wala na siyang magagawa, wala ng pakiramdam, wala ng lakas o wala na ang isipan. Ito ang dapat sikapin ng taong hanapin bago siya mamatay, ang makapasok siya sa kaharian ng Dios, ang panunumbalik ng tao sa Dios at muling pagkakasundo ng kaniyang espiritung hiwalay sa Dios dahil sa kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoong Hesukristo na siyang TAGAPAGLIGTAS ng kaluluwa sa kaniyang mga kasalanan, na kinakailangan na dapat ang tayo ay makakaranas na maipanganak na maguli, hindi sa pisikal na mundo o sa kalagayang mortal, kundi ayon sa espiritu, at ito ay ang espiritwal na kapanganakan Juan 3:3-7.
GAWIN ANG PINAKAMAHALAGANG PAGPAPASYA NGAYON .
Ngayon ang Dakilang Araw ng Kaligtasan 2 Corinto 6:2
Handa ka na bang harapin ang kamatayan? Basahin ang Lukas 12:16-21. Ngayon ang araw ng kaligtasan ayon sa 2 Corinto 6:2, ang tanging pag-asa pagkatapos ng unang kamatayan. Mayroon lamang tayong isang buhay.
Saan mo ba gugugulin ang iyong walang hanggan? Sa buhay na walang hanggan o sa kaparusahang walang hanggang? Nasa iyo ang pagpapasya Daniel 12:2; Mateo 25:46.
Pagsipi:
- https://www.blueletterbible.org/faq/don_stewart/don_stewart_107.cfm
- Harry Sysling Teḥiyyat ha-metim: the resurrection of the dead in the Palestinian Targums p222 1996 -"Here the second death is identical with the judgment in Gehinnom. The wicked will perish and their riches will be given to... The second death in the Apocalypse In the Apocalypse of John, the second death is mentioned several times....
^ Sysling, p220
^ Martin McNamara, Targum and Testament Revisited: Aramaic paraphrases of the Hebrew p.226 2010 - 359
^ Sysling Teḥiyyat ha-metim: the resurrection of the dead in the Palestinian Targumsp221 1996
- Enyclopedia, Retrieved from https://en.wikipedia.org/wiki/Second_death
- Dictionary, https://www.merriam-webster.com/dictionary/second%20death
- (Hango sa mga talata ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)
1. Ayon sa Gen. 2:7, ano ang tumutukoy sa hininga ng Dios na babalik sa Kaniya kapag ang unang kamatayan ay darating na sa isang tao?
2. Alin sa tao ang tunay na nakakaramdam o may pandama na siyang makakaranas ng ikalawang kamatayan sa araw ng paghuhukom kapag hindi niya tatanggapin ang kaligtasang alok ng Panginoong Jesus Cristo?
3. Sa anong paraan ang ikalawang kamatayan sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy ay pwedeng matakasan ng tao?
sa pagawa ng mabuti sa pagdadasal sa kapanganakang muli
4. Ayon sa turo ng Panginoong Cristo Hesus sa Juan 3:3-7, kailangan ba ng tao na maipanganak na maguli?
Oo, kailangang kailangan Hindi na kailangan
5. Mahalaga bang hanapin ng tao ang kaligtasan ng kaniyang kaluluwa habang siya'y may kakayahan pang magpasya sa mundong ibabaw?
Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...
TumugonBurahin