PAGSISISI NG MGA KASALANAN

____________________________________________________________________________________________
WARNING: 
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.   

The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building. 
____________________________________________________________________________________________









ARALIN PANG LABING APAT
© copyright 2021




Layunin ng pag-aaral sa paksang ito: 

1. Ang tunay na kahulugan ng pagsisisi
2. Ang kaibahan ng makasanlibutan at makalangit na pagsisisi o kalumbayan 
3. Ang kalagayan at patunay ng mga taong narating sa pagsisisi
4. Sino sino nga ba ang nararapat magsisisi
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito.


"Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa't, malibang

kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat

sa gayon ding paraan."

Lukas 13:3


ABSTRAK

Ang tamang panunumbalik sa Dios ay magsisimula sa pagsisisi ng mga kasalanan.  Ang lahat ay nagkasala laban sa Dios Roma 3:23; 6:23,  buhat pa ng ang tao ay nasa bahay-bata Mga Awit 51:3-5.   Sa Dios ang lahat ay nagkasala , at marapat lamang na sa Dios ang lahat ay humingi ng kapatawaran.  Sa totoong kalagayang ito, ang malaking pader na naghihiwalay sa Dios at ng tao Isaias 59:2 ay mababasag at mawasak.  Ito lang ang tanging paraan na pinagkaloob din ng Dios sa tao upang ang relasyong nasira ng pumasok ang kasalanan ay muling maibalik at muling dumaloy ang magandang pagsasama ng Dios at ng tao.  Sa ganito ring paraan, ang kamay ng Dios ay muling maiabot nya ganun din ang Kaniyang pandinig ay maibalin Nya sa tao upang muling tugunin ang kaniyang kahilingang tulong at agapay mula sa Dios, lalo na't ang kaligtasan ng kaniyang kaluluwa.    

Sa paksang ito, ating alamin kung ano nga ba ang tunay na kahulugan at diwa ng kahalagahan ng pagsisisi na siyang tunay na panunumbalik sa Dios.  Ito ay masyadong  mahalaga sa buhay ng mga tao, sapagkat kung hindi ito gagawin ay hindi nila malugod ang Dios at kahit kailan, ang nasirang relasyon ng Dios at ng tao mula pa sa simula at hindi mabibigyan ng solusyon at areglo.  "Malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan."  Lukas 13:3 Ang pagsisisi ay mahalagang bahagi ng kaligtasan.


ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG PAGSISISI

Ang "pagsisisi" ay isang paulit ulit na paksang paulit ulit na pasusumpungan sa salita ng Dios na siyang mapakinabangan ng mga Kristiano sa panahon ding kasulukuyan.  Ngunit ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagsisisi?  Madalas na pagkakamali ang unawang ang pagsisisi at ang kapatawaran ay parehas lang na pwedeng pagbaliktarin sa kahulugan.  Kung papansining mabuti, ang dawalang ito ay malaking kaibahan sa tunay na kahulugan at ang spiritwal na implikasyon o ugnayan nito sa isa't isa.  

Sa pagpanatili ng kahalagahan ng paksang ito sa Biblia, ito'y maliwanag na ang bawa't tao ay tinawag upang mangagsisi.  Upang makita natin ang patunay ng kahalagahan nito sa Banal na Kasulatan, ating suriin kung ano ang sinabi at kahulugan ng Luma at Bagong Tipan sa paksang ito.    

 

Mga Tala ng Lumang Tipan

Walang tumbok na pagkagamit ng salitang pagsisisi sa Lumang Tipan, ngunit sa Hebreong salita na mas lalong pumapanig sa kaisipan ng pagsisisi ay ang pandiwang, 'nacham'.  Ito ay ginamit ng halos isang daang beses, at ang kaparehas nitong mga salita at kahulugan ay: panghihinayang (regret), pagsuko (relent), aliw (comfort), o ang pagbabago ng isang isipan (change one's mind). Bagaman walang isang salita ang ginamit para sa pagsisisi sa Hebreo, ang ating makita sa Lumang Tipan ang maraming salaysay na umuugnay sa pagsisisi. Gaya ng 2 Cronica 7:13-14; Kawikaan 1:23; Isaias 55:7; Jeremias 25:4-6; Ezekiel 18:30-32.  

Katumbas ito ng iba pang pag-aanyaya sa pagsisisi na matatagpuan din natin sa Lumang Tipan, ngunit ito'y nagbibigay sa atin ng mas malalim na unawa.  Ang pagsisisi ay ang pagtalikod sa pagiging makasalanan at pagkakaroon ng panibagong puso inuugnay sa Panginoon, ang hahantong sa buhay.  Ang pagsisisi, sa makatuwid ay totoong kalagayan na may kinalaman ng buhay at kamatayan.  Alam natin na nais ng Dios, lahat ng Kaniyang mga anak ay makarating sa pagsisisi, upang tayo ay magtamo ng buhay sa Kaniya.   


Mga Tala ng Bagong Tipan

Sa Bagong Tipan, ginamit ang salitang Griego na 'metanoia', para sa salitang pagsisisi, na ang ibig sabihin ay pagbabago ng puso o isipan, at ginamit ito ng dalawampu't lima (25) na pagkakataon.   Ginamit ito ng Panginoong Jesuscristo ng Siya ay lumakad sa daigdig. Atin ding masumpungan sa Bagong Tipan sa maraming pagkakataon, ginamit din ito bilang mahalagang panuntunan ng tunay na tagasunod kay Cristo, gaya ng:  Mateo 4:17; Lukas 15:7; Roma 2:5.  

Ginamit ang salitang pagsisisi sa mga taga Roma upang sila'y paalalahanan laban sa paghatol sa iba at hikayatin silang mga taga sunod kay Cristo na gumawa ng mabuti sa Panginoon, upang sila'y magtamo ng buhay na walang hanggan.  Ang sinomang manatili na hindi makapagsisisi, ay kanilang makaligtaan na tanggapin ang buhay na walang hanggan at aasahang mamuhay sa kaguluhan at kalungkutan, na siyang buhay malayo sa nais ng Dios para sa Kaniyang mga anak.  Ang pagsisisi ay ang pagpilin na ating magagawa kapag handa na tayo upang pakawalan at itanggi na ang nakaraan at luma, makasalanang kaugalian at mga gawa, at gawin ang mabuti at kaibig ibig na mga gawa upang mapalawak ang kaharian ng Dios.  

Ang 2 Timoteo 2:24-25 ay sulat ni apostol Pablo kay Timoteo upang sawayin ang mga huwad na mga guro at sundan ang katuwiran.  Ating natutunan na ang mga tagasunod kay Cristo ay kailangang harapin na may pag-ibig ang kanilang mga kaaway dahil ang Dios ay maaring gagawa ng Kaniyang kaparaanan sa ganung sitwasyon upang sila ay makarating sa pagsisisi.  Ang pagsisisi ay ang magiging landas na kanilang tatahakin upang masumpungan nila ang bagong buhay kay Cristo.  Magiging magdulot ito ng pagbabago sa puso at isipan na kanilang kailanganin upang mapalaya sila sa mga bitag ng kamatayan.  Ito ay mahalagang paalala sa atin na dapat tayong maging tunay na kumakatawan kay Cristo at tayo ang liwanag ng sanlibutan.  Ang 2 Pedro 3:9 ay sulat din naman ni apostol Pedro sa muling pagbabalik ni Cristo, na pinaalalahanan tayo sa nais ng Dios na ang lahat ng Kaniyang mga anak ay mangagsisi upang magtamo ng buhay na walang hanggan.  Ang Dios ay mapagtiis sa ating lahat, pinipigilan ang pababalik ni Jesus, upang hangga't maari, marami ang makapagsisisi at bumalik sa Kaniya.  Katotohanang, tayo ay binigyan ng bawat pagkakataon makapagsisi at tamasahin ang buhay na walang hanggan.

Ang tunay na pagsisisi ay isang pagpapasyang gagawin ng tao pagtalikod sa dati nyang nilalakaran, na tumutukoy sa lumang pagkatao na lumalakad sa landas ng buhay makasalanan.  Ito ay ang pangtanggi at pagwawakas na sa dating kataohang makasalanan o ang mamamatay na sa pagkakasala, at pangtanggap ng panibagong lakad ng buhay sa Panginoon alinsunod sa Kaniyang kalooban, 

  • Ang Griyegong pananalitang "metanoia" ay nangangahulugang pagbabago ng kaisipan.  Mateo 21:28-32 Ito ay isang desisyon patungkol sa pagsunod sa Panginoon.
  • Kalumbayang mula sa Diyos 2 Corinto 7:9-10
  • Paglisan sa masamang lakad Isaias 55:6-7
  • Pagkamatay sa kasalanan Roma 6:1-3

MAHALAGA AT PANGUNAHING ARAL NG BIBLIA ANG PAGSISISI

Ang pagsisisi ng mga kasalanan at pagtalikod nito ay mahalagang aral ng Banal na Kasulatan at pangunahing turo ng Biblia sa panunumbalik ng tao sa Dios paulit ulit hango pa sa lumang Tipan, maging sa bayan ng Dios at ng Bagong Tipan. 

ANG LAHAT AY DAPAT MAKARATING SA PAGSISISI
  • Ang lahat ng maksalanan ay dapat magsisi, yamang ang lahat ay nagkasala Roma 3:23. Ano ang ibubunga ng kamatayan Roma 6:23. Anong klaseng kamatayan? Ito ay tumutukoy hindi lamang sa psikal na kamatayan kundi sa walang hanggang pagdurusa sa dagat-dagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan Apocalipsis 21:8
  • Mayroon bang kasalanan na hindi kayang patawarin ng Diyos? Mahal niya ang buong sanlibutan Juan 3:16.
  • Kahit ngayon ay maari tayong lumapit sa kanya at tayo ay kanyang patatawarin I Juan 1:9-10.

KAGANDAHAN DULOT NG PAGSISISI 

ANO ANG KAHULUGAN NG PAGSISISI SA NGAYON 

Ang Dios ay nagpapaanyaya sa lahat na magsisisi.  Binigyan tayo ng Dios ng pagkakataong piliing talikdan ang pagiging makasalanan at likong mga gawa, piliin ang katuwiran o tuwid na pamumuhay. Mabibiyayang ibinibigay ng Dios sa lahat ang pagkakataon na lumapit sa Kaniya habang tatalikuran ang ating mga kasamaan, upang tayo ay magtamo ng buhay na walang hanggan.  

Dakila nag pag-ibig ng Diyos na handa Siyang tumanggap sa bawat isang nagbabalik-loob sa kanya Lukas 15:24


____________

Pagsipi: 

What Does Repentance Look Like? - Topical Studies (biblestudytools.com)- Pamela Myers




Mga Komento

  1. Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...

Mga sikat na post sa blog na ito

MAHALAGANG ARAL TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG

ANG BIBLIA: KASAYSAYAN NG PAGLALAKBAY NG MGA SALIN

RELIHIYONG TUNAY NA SA DIOS