ANG KABANALAN
Layunin ng pag-aaral sa paksang ito, malaman:
2. Ang maling paniniwala tungkol sa kabanalan
3. Ang tama at Biblikal na aral tungkol sa kabanalan
4. Sino sino nga ba ang dapat mamuhay ng may kabanalan?
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito.
"Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon:"
Hebreo 12:14
ABSTRAK
Ang salitang kabanalan ay hindi dapat ituring na bagay na kakaiba o kalagayang mahirap unawain at gawin katulad ng kaisipang paghahalintulad sa buhay ng mga itinuring na mga santo o santa ng mga relihiyosong mga tao na tila sila ay kakaiba sa karamihan lalo't nakasentro sa kanilang pagawa ng pagpapakahirap sa sarili batay sa debosyon o paniniwalang kailangang tapatan ng pagpapakasakit sa sarili ang pagsunod sa kalooban ng Dios na nakasentro sa ginawa ni Cristo na paghihirap at pagtanggi ng maraming bagay sa sanlibutan, at dito ito'y tinuring nilang kabanalan, lalo't kung sila ay magiging martyr alang alang sa paniniwala.
Ito ay kalabisan at maling unawa sa tunay na kahulugan o biblikal na halimbawa na itinuro ng Biblia sa salitang kabanalan. Walang pwedeng pumantay sa ginawa ni Cristo lalo't kung pag-uusapan ang pagbabayad niya ng kaniyang buhay para sa kasalanan ng sanlibutan dahil ang kaniyang dugo lamang ang tunay na dalisay na dugo na walang bahid ng karumihan o kasalanan at ito ay tinawag na banal na dugo ni Cristo.
Ano ba ang tunay na kahulugan ng salitang banal o kabanalan lalo't kung pag-uusapan ang pamumuhay ng may kabanalan? Ang paksang ito ay ang sasagot sa katanungang ito.
TUNAY NA KAHULUGAN NG SALITANG BANAL O KABANALAN
Tila ang mga diksyonaryo ay may impluwensya sa pakahulugan sumisentro sa debosyon o ng mga gawaing pang relihiyon kung paano nila ito binigyan ng kahulugan na malayo sa tunay na Biblikal na kahulugan nito.
Ang salitang banal o "holy" ay nagmumula mismo sa salitang Hebreo na "qodesh" na nangahgahulugan sa English na "apartness", "set apartness", "separateness", "sacredness", o di kaya'y "otherness", "transcendent totally other" sa dahilang ang Dios ay mataas sa lahat ng kaniyang nilalang at di kayang pantayan ng sinuman o walang kapantay. Ang salitang banal o "holy" ay mula sa kaisapang may mas mataas na panukat o mas mabigat na timbang ng kaluwalhatian.
Sa Bagong Tipan, ang salitang banal o "holy" ay "hagios" sa griegong salita na nangangahulangang inihiwalay "set apart", kagalang galang o mataas na pagalang "reverend", sagrado "sacred" at nararapat ng benerasyon o dakilang pagalang.
Sa madaling salita at unawa, ang salitang banal o kabanalan ay nangangahulangang, ihihiwalay "set apart" o bigyan ng pinakamataas na pagpapahalaga at pagalang.
ANG KABANALAN AY INIUTOS NG DIOS SA TAO
Dahil ang Dios ay banal at namumuhi sa karumihan at kasalanan, ang Kaniyang tanging paraan upang makalapit tayo sa Kaniya ay nangyari ng mabubo ang dugo ni Cristo, ang "Kordero ng Dios", upang tayo'y Kaniyang lilinisin, pakadalisayin, at upang magiging karapat dapat tayong makalapit at makasama Siya.
"Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal." 1 Pedro 1:16
"Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon." Hebreo 12:14
Ang bawat tao ay mayroon taglay na kalikasang makasalanan Roma 5:12. Ang kalikasang ito ng tao maghahatid sa kanya sa kamatayang walang hanggan I Corinto 6:9-10; Apocalipsis 21:8. Kaya sinabi ni Cristo Jesus na ang tao dapat ay maipanganak na muli Juan 3:3-5.
Mahalaga nga ba ang kabanalan para sa isang mananampalataya?
- Ito ay utos ng Diyos. I Pedro 1:15-16
- Dahil dito ay makikilala tayo na mga anak ng Diyos. II Corinto 6:14-18
- Ito ay patotoo na tayo ay nasa katotohanan. Mateo 7:15-20
- Ito ay para sa kaligtasan. Hebreo 12:14; Apocalipsis 21:27
Maaari bang magpakabanal ang tao sa kanyang sarili?
- Hindi magagawa ng taong magpakabanal sa kanyang sarili. Jeremias 13:23
- Paano ang iba na nagpapakabanal na hindi naman tama ang pananampalataya? Basahin ang II Timoteo 3:1-5
- Kailangan ng tao ang Diyos kung kabanalan ang pag-uusapan. II Pedro 1:4
- Paano natin maaangkin ang kabanalan ng Panginoon? Tingnan sa I Corinto 6:9-11, Mga Gawa 2:38 at Mga Gawa 1:8
Ang dalawang bahagi ng kabanalan na mapapansin
"Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas." Mateo 23:26
- Ang Panloob
- Ugali Galacia 5:22-23
- Isipan Filipos 4:8
- Panlabas
Ang ating kaligtasan ay hindi nababatay sa pagawa ng mabuti, pagkawang gawa o katuwiran. Ito ay tapos ng ginawa ni Cristo ng maihandog niya na ang kaniyang dalisay at banal na dugo para sa kapatawaran ng ating kasalanan. Ngunit hindi nangangahulugang tayo ay wala ng gagawing magpasyang talikdan nating lubos ang dati nating pamumuhay at kasalanan. Ang tanging pagsunod kay Cristo na siyang tanging daan, buhay at katotohanan Juan 14:6 ang siyang magliligtas sa atin upang tayo ay makapamuhay ng may kabanalan at kaaya aya sa Dios. Hindi tayo gagawa o mamuhay ng kabanalan upang maligtas, tayo ay makakapamuhay na ng may kalinisan at kabanalan dahil tayo ay ligtas na. Ito ang palatandaang makikita sa atin, na gumagawa sa loob at sa labas..
Ang sinomang nakay Cristo ay bago ng nilalang at wala na sa dati niyang pagkataong patay sa pagkakasala o pagawa ng karumihan ng buhay sa harapan ng Dios. 2 Corinto 5:17
Upang lubos nating matiyak ang ating kaligtasan, sundin nating mainam ang bawat turo ng Bibliya na may banal na takot at panginginig sa ating Panginoong Dios. Filipos 2:12
Pagsipi:
- (Hango sa mga talata
ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)
1.
Ang salitang kabanalan ay nangangahulugan na:
Inihiwalay o
ibukod malayo sa
kabihasnan
hindi nagkakasala
2.
Ang Dios ay tinawag na banal dahil siya
ay:
Hiwalay sa karumihan at gawang masasama Mabuti Matulungin
3. Hindi na mahalaga ang panlabas na kabanalan kundi ang panloob na lamang
Tama Mali
4.
Utos o kalooban ba ng Dios ang mga
mananampalataya at dapat magiging banal din tulad niya?
Oo Hindi
5.
Makikita ba ng tao ang Dios kung wala ang
pamumuhay na may kabanalan ayon sa Hebreo 12:14? Oo Hindi
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento
As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...