ANG KAPANGANAKAN SA ESPIRITU O BAUTISMO NG BANAL NA ESPIRITU

____________________________________________________________________________________________
WARNING: 
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.   

The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building. 
____________________________________________________________________________________________






ARALIN PANG LABING PITO
© copyright 2021


Layunin ng pag-aaral sa paksang ito: 

1. Ang tunay na kahulugan ng kapanganakan sa Espiritu
2. Ang kapanganakan sa Espiritu ay ang bautismo sa Espiritu Santo
3. Ang kahalagahan ng bautismo sa Espiritu 
4. Sino sino nga ba ang nararapat maipanganak o mabautismohan sa Espiritu 
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito.


"Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy:"

Mateo 3:11


ABSTRAK

Ang kapanganakan ay mismong ang pagpasok ng sinoman sa mundo na kaniyang kabibilangan. Ito ang panimula ng lahat ng mga nilalang, hanggang sa ito ay lumago o siya ay lumaki gaya ng tao, at matotong lumaban at harapin ang mga hamon upang siya ay makapanatili hanggang sa marating niya ang dulo ng kaniyang buhay na magtatapos din, pagdating sa itinakdang araw ng Dios sa kanino man, lalo na't sa kalagayan ng buhay sa pisikal na mundo.  Ang kamatayan ay sumpa at bunga ng kasalanan, kaya nga't ang lahat ay mamatay dahil ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios. 

Ito ang dahilan kung bakit mahalangang malaman kung bakit ang Panginoon ay nag alok ng kalagtasan sa lahat na tumutukoy hindi sa pisikal na kalagayan ng tao partikular sa pisikal na mundo, kundi sa panghinaharap, sa makatuwid ay sa kabilang buhay, o sa espiritwal na kalagayan o dako man na siyang kabibilangan ng kaluluwa ng tao, pagkatapos ng unang kamatayan.  Ang laman at dugo na tumutukoy sa pisikal na kalagayan ng tao ay malinaw na sinabi ng Panginoon na hindi ang magmamana ng buhay na walang hanggan 1 Corinto 15:50 dahil ito ay mamatay at uuwi sa alabok na kaniyang pinanggagalingan Genesis 3:19.  Tanging sa ikalawang kapanganakan ng tao sa tubig at espiritu ang paraan ng Dios sa tao upang ito ay makapasok sa Kaniyang kaharian na walang iba, ang pagkakataong paghahanda ng kaluluwa habang ang tao ay nabubuhay pa at may kakayahan pang magpasya.   


ANG PANGAKO NG DIOS NG ESPIRITU SANTO SA LUMANG TIPAN  

Ang Diyos ay nangako sa Lumang Tipan pa lamang na kanyang ibubuhos ang kanyang Espiritu sa lahat ng laman (lahat ng uri ng tao) sa huling araw. Sa Joel 2:28-32, sinasabi na bago dumating ang panahon ng kanyang ikalawang pagparito, ibubuhos muna niya ang kanyang Espiritu. Nais ng Panginoong Diyos na pumasok at manahan sa iyong buhay sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu. Ito ang kanyang paghahanda ng isang iglesiya bago siya bumalik sa mundong ito. Ang Espiritu Santo ay sa para sa lahat ng mga tao at ito ay para rin sa atin. Sa Gawa 2:37-39, ang tinutukoy na pangako ay ang bautismo ng Espiritu Santo.

Ito ay Isa sa Pinakamahalagang Aral Ukol sa Kaligtasan 
Kung kaligtasan sa Bagong Tipan ang ating pag-uusapan, walang taong maliligtas kung siya ay hindi pa puspos ng Espiritu Santo Roma 8:9, 14:17; Juan 3:5 


Bakit Kailangan ang Bautismo ng Espiritu Santo 

Papasukin ang Diyos sa Puso   

Ang salitang "puso ng tao" ay isang metapor o talinghagang kasabihang tumutukoy sa kalooban ng tao o sentrong pinanggagalingan ng kaniyang pagpapasya't kalooban.  Dahil ang laman ng puso kasama ang kaisipan ng tao ay kasalanan na siyang tunay na kalikasang taglay niya, hindi niya magagawa ang mga bagay na ikakalugod ng Dios lalo't ang pagsunod niya sa kalooban ng Dios at lumakad sa Kaniyang katuwiran.  Ito ang dahilan kung bakit nais manahan at maghari ang Dios sa puso ng tao.  Ito ay mangyari lamang kung pahintulutan ng tao na pumasok sa kaniyang puso ang Espiritu ng Dios sa pamamagitan ng Banal na Espiritu o Espiritu ni Cristo, ang kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli.   Apocalipsis 3:20, 22:17


Paano Matatanggap ang Espiritu Santo 
  • Paniwalaang para iyo ang pangako Juan 7:37-39 
  • Pagsisihan ang iyong kasalanan 
  • Isuko ang sarili samantalang nananalangin 
  • Manalangin nang taimtim at buksan ang bibig sa pagpupuri; huwag matakot. May madarama kang kakaibang pakiramdam. Iyan ay hipo ng Espiritu Santo. e) Hintayin na may pagtitiyaga Lukas 24:49








PAGSUSULIT:

(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)



1.

Ang kapanganakan sa espiritu at bautismo sa espiritu ay isa ang ibig sabihin

    Tama              Mali

2.

Tinanggap na ba ng isang tao ang Banal na Espiritu matapos niyang mananampalataya kay Hesus?                             Tinanggap na     Hindi pa  

3.Tinanggap na ba ng mga alagad ng Panginoon ang Espiritu Santo simula ng manampalataya ka Hesus?            

             Tinanggap na        Hindi pa

4.

 Matatanggap ba ng isang taong hindi nagsisisi sa kaniyang mga kasalanan ang Banal na Espiritu?                              Oo                         Hindi

5.

 Ang pangako ba ng Dios na ibuhos sa mga huling araw ang kaniyang Espiritu sa lahat ng laman ay tapos na?             

             Oo, tapos na ang panahon ng pangako             

             Hindi pa, saklaw pa tayo sa panahon ng mga huling araw    



Mga Komento

  1. Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...

Mga sikat na post sa blog na ito

MAHALAGANG ARAL TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG

ANG BIBLIA: KASAYSAYAN NG PAGLALAKBAY NG MGA SALIN

RELIHIYONG TUNAY NA SA DIOS