ANG TUNAY NA KAPANGANAKAN SA TUBIG O BAUTISMO SA TUBIG AT SA PANGALAN NI HESUS
Layunin ng pag-aaral sa paksang ito:
2. Ano tunay na kahawig ng bautismo sa tubig sa Lumang Tipan
3. Ang bautismo ay mahalagang utos
4. Sino sino nga ba ang nararapat magpabautismo sa tubig
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito.
"Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay."
Roma 6:4
ABSTRAK
Ang bautismo ay tanda ng panibagong simulain ayon sa bagong kinamulatan. Ito ay sumasalamin sa pagkakaroon ng panibagong buhay na lalakad sa katuwiran ng Dios at ang pagtanggi na sa lumang daang papunta sa kapahamakan na siyang lakad bilang dati na makasalan at ngayon ay pumasok na sa kaharian at pag-hahari ng Dios. Kung paanong ang tao ay ipinanganak sa mundong ito bilang kaniyang panimula sa buhay niyang taglay ayon sa laman, kung saan dito rin siya galing, ay mga bagay na dapat pansinin na nagiging bahagi nito tulad na lang ng tubig na kaniyang naging tirahan sa sinapupunan ng kaniyang ina, at ito rin ang unang lalabas tanda ng kaniyang pagsilang na tinawag na panubigan.
Kung gaano kahalaga ang tubig na bahagi ng pagkabuo ng sanggol at hanggang sa kaniyang pagsilang, ay ganun din naman ang ipinahiwatig ng Dios na dapat din nating maintindihang proseso sa alok ng Niyang kaligtasan, walang iba ang maipanganak na maguli at ito ay hindi sa lupang ito sa ikalawang pagkakataon, kundi sa kaharian ng Dios, ang kapanganakan ayon sa tubig.
Ang aral ng bautismo na ipinangaral ng mga alagad ng Panginoon ay napakahalagang bahagi sa ebanghelyo ni Cristo at ng Kaharian ng Dios na kanilang ipinangaral mismo sa ukol na panahon ng pagpaparito ni Cristo bilang Panginoon at tagapaligtas. Ito ay may kinalaman sa pagpasok sa kaharian ng Dios na malinaw na tumutukoy sa pagpapasimula sa panibagong buhay ng sino man na tumanggap sa paghahari ng Panginoong Hesucristo.
Ang pagpasok ng tao sa mundong ibabaw ay nagsisimula ng panahong
siya ay ipinanganak ayon sa takdang panahon siya ay isinilang mula sa
sinapupunan ng kaniyang ina. Dito siya
nagsisimulang mamulat sa mundo ng mga buhay hanggang sa kaniyang paglaki at
magtatapos din ito sa kaniyang kamatayan, sa panahong ang kaniyang katawang
lupa ay babalik na rin sa kaniyang pinanggagalingan. Ang bautismo ay may kinalaman din sa
pagpapasimula ng buhay, hindi ukol sa laman kundi ukol sa espiritu, ukol sa
lakad ng panibagong buhay na inaalok ng Panginoong Jesucristo na siyang tunay
na tagapaligtas ng kaluluwa ng lahat ng tao.
Sa paksang ito, ating aralin ang kahalagahan ng tamang unawa sa
kahalagahan ng atas upang masunod din ito ng tama ay ayon sa mismong kalooban
ng Dios sa katuwiran.
BIBLIKAL NA KATOTOHANAN TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG
Ang bautismo ba ay kabilang sa plano ng kaligtasan? Marami ang nagsasabi na ang bautismo raw ay hindi na kailangan at hindi na mahalaga, kaya hindi na kailangan pa na mabautismuhan ang isang tao. Ang bawat iglesiya sa Bagong Tipan ay binubuo ng mga mananampalataya na nabautismuhan pagkatapos nilang sumampalataya at magsisi Galacia 3:27; I Corinto 12:13
Narito ang mga kadahilanan kung bakit ang bautismo ay isang napaka-importanteng katuruan na dapat sundin. Basahin ang Juan 3:5. Halos lahat ng mga "Bible commentaries" ay nagpapahayag na ang tubig na binabanggit dito ay tumutukoy sa bautismo sa tubig, katulad ng pagtalakay nina Matthew Henry at Adam Clark; gayundin ang mga nakasulat sa History of the Christian Church ni Walker, Catholic Encyclopedia, Oxford Dictionary of the Bible, at Temple Dictionary of the Bible.
Ang bautismo ay mahalaga ayon sa Biblya Marcos 16:16; I Pedro 3:21; Mga Gawa 2:41, Mga Gawa 8:16, Mga Gawa 10:48, Mga Gawa 16:14-15, Mga Gawa 16:32-33, Mga Gawa 18:8,Mga Gawa 19:1-6; Galacia 3:27 Tayo ay binautismuhan sa iisang katawan Colosas 2:12; Roma 6:1-4.
Ang Tama at Biblikal na Pormulang Gamit sa Bautismo
Siya na namatay sa krus at naghandog ng kaniyang buhay upang tubusin ang tao sa kaniyang kasalanan, ay siya rin ang dapat kilalanin na nagbayad sa ating mga pagkakasala. Ano ba ang pangalan ng tumubos at nagbobo ng kaniyang dugo sa sangkataohan? Sa pangalan ba ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu o sa Pangalan ni Hesu-Kristo? Walang tala o aral ng mga alagad ni Cristo na magbautismo sa pormula ng Santisima Trinidad na naimbento lamang nagsimula kay Theophilus sa ikalawang siglo at napagtibay sa ikatlong siglo na lamang sa ilalim ng Konseho ng Nicea o Nicean Council 325 AD. Walang tala ang aklat ng mga Gawa ng mga Apostol na sila'y nagbabautismo "sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo" ayon sa tunay na pagsunod nila sa tunay na atas na gawing alagad ang mga bansa at sila'y bautismohan. Ang aral na ito ay hindi nila aral, kundi kakaibang aral ito sa kanilang kapanahonang hindi nila nakilala.
Ang Bautismo sa Pangalan ni Hesu-Kristo
- Mga Judio - Mga Gawa 2:38
- Mga Taga-Samaria - Mga Gawa 8:16
- Mga hentil - Mga Gawa 10:48
- Itinuro ni Pedro - Mga Gawa 4:10-12
- Itinuro ni Pablo - Colosas 3:17
- Britanica Encyclopedia, 11th editon, Vol. 3, p.365 - "Ang bautismo ay pinalitan mula sa pangalan ng Panginoong Hesus patungo sa mga salitang Ama, Anak, at Espiritu Santo noong ikalawang siglo."
- Canney's Encyclopedia of Religion, p.53 - "Ang unang iglesiya ay nagbautismo sa pangalan ng Panginoong Hesus haggang dumating ang ikalawang siglo."
- Hasting's Encyclopedia of Religion, Vol. 2 - "Ang Kristiyanong pagbabautismo ay isinagawa na ginagamit ang mga salitang " sa pangalan ni Hesus," p.377. Ang bautismo ay palaging sa pangalan ni Hesus hanggang sa dumating ang kapanhunan ni Justin Martyr, p. 389.
- Catholic Encyclopedia, Vol. 2, p.263 - Dito ay binaggit ng mga sumulat nito at kanilang tinanggap na ang pormula ng bautismo ay pinalitan ng kanilang iglesiya.
- Hasting's Dictionary of the Bible, p.88 - "Ito ay dapat malaman na ang tatlong pangngalan ng Mateo 28:19 ay hindi ginamit ng unang Iglesiya, kundi ang pangalan ng Panginoong Hesus."
Pagsipi:
- (Hango sa mga talata
ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)
PAGSUSULIT:
1.
Ang kapanganakan sa tubig at bautismo sa tubig
na binanggit ng ebanghelyo ni Cristo ay iisa lang ang ibig sabihin .
Tama Mali
2.
Sa anong tanda ba tao ay dapat makiisa kay
Cristo sa kaniyang kamatayan at pagkalibing upang maranasan din ang pagkabuhay
na maguli ayon sa Roma 6:1-5?
binyag sa wisik o buhos ng tubig bautismo lubog sa tubig
3.
Bukod sa pangalan ni Hesus na pormulang gamit
sa bautismo, may iba pa bang tala sa Aklat ng mga Gawa ng mga Apostol na sila ay nagbautismo sa iba pang pormula?
Meron Wala na
4.
Ayon kay apostol Pedro sa aklat ng mga Gawa 2:38, para saan ang bautismo
sa pangalan ni Hesus?: sa
ikapagpatawad ng mga kasalanan
pampaligo Ritwal na paraan
5.
Ang tunay na mga alagad ng Panginoon sa
Biblia ay nabautismohan sa anong pangalan?
Sa pangalan ng Ama, anak, at Espiritu Santo sa pangalan ni Hesus
Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...
TumugonBurahin