ANG APOSTOLIKONG PANANAMPALATAYANG NAGLILIGTAS

____________________________________________________________________________________________
WARNING: 
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.   

The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building. 
____________________________________________________________________________________________





ARALIN PANG LABING SIYAM  
© copyright 2021





Layunin ng pag-aaral sa paksang ito, malaman: 

1.    Ang aral ng Biblia sa tunay na kahulugan ng pananampalataya

2.   Ang pananampalataya o paniniwalang di nagliligtas laban sa pananampalataya o paniniwalang nagliligtas

3.   Mga mahalagang elemento ng tamang pananampalataya

4.   Ang nararapat gawin upang magtamo ng tunay at biblikal na pananampalataya

5.   Ibahaging mabuti ang katotohanan ng Biblia tungkol sa apostolikong pananampalataya na nagliligtas



"Sila ay matatag na nagpatuloy sa turo ng mga apostol,  sa pagkikipag-isa, sa pagpuputul-putol ng tinapay,  at sa mga pananalangin." 

Mga Gawa 2:42

ABSTRAK

Ang paniniwala o pananampalatayang bulag sa gawa ay baog sa kaniyang sarili. Ito ay hindi nagdudulot ng bunga o ano mang magandang resulta. Ang pananampalatayang binabanggit ng banal na kasulatan ay isang salitang pandiwa o pagkilos.  Ang pandiwa ay "verb" sa Ingles na mula sa Latin nitong "verbo" na hinahantulad sa Salita ng Dios na siyang hayag na gumawa ng lahat ng mga bagay mula pa lang sa paglalang.   

Inanyayahan ng Panginoon ang kaniyang mga alagad na sumunod sa Kaniya, at ang lahat na gumawa ng hakbang at magpasyang iwanan nila ang dati nilang mga lakad at gawa, tumugon at sumunod kay Cristo ay tinawag na Kaniyang mga alagad at tunay na mga pananampalataya sa Kaniya.  Ang pagpapasya at pagsunod ay patunay mismo ng tunay na kahulugan ng salitang paniniwala o pananampalataya.  Ito ay salitang may pagkilos at gumagawa ng resulta.

Sa paksang ito, ay tatalakayin ang aral tungkol sa ano ba ang pananampalatayang taglay ng mga alagad o mga apostol ng Panginoong Jesucristo na siya ding nararapat na batayan sundan ng lahat ng tumugon sa tawag ng Panginoon.


ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA

Sapat na bang maniwala o sumampalataya na hanggang nasa isip lamang? Ano ba ang tunay na pananampalataya?

Ano Biblikal na  Kahulugan ng Pananampalataya?

Ito ay paniniwala at pananalig. Ayon sa Hebreo 11:6, "At kung walang pananampalataya ay hindi maaring maging kalugod-lugod sa kaniya; sapagka't ang lumalpit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kanya'y nagsisihanap."

Hindi sapat ang paninniwala na may Dios Santiago 2:19.


Ano ang Pananamplatayang Naglligtas?

Ang pananampalatayang ganito ay nagmumula sa puso. Ang sabi sa Kawikaan 3:5-6, "Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas."


Dalawang Uri ng Pananampalataya
  • Pananamapalatayang sa Isip Lamang Ang pananampalatayang sa isipan lamang ay hindi sapat. ayon sa Santiago 2:19 "Ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nag sipanginig". Ngunit hindi nangangahulugan na sila ay maliligtas.
Ang isang tao ay maaring maniwala sa ebanghelyo sa kanyang isipan na hindi naman isinusuko ang kanyang buhay.     
        
Ang pananampalatayang sa isipan lamang ay nangangahulugang pagtanggap ng ebangheloyo na hindi totoo. Kung walang pagsunod, wala paring kabuluhan.

  • Pananampalatayang Mula sa Puso - Ang pananampalatayang mula sa puso ang kinakailangan Roma 10:9-10.
Ang pananampalatayang mula sa puso ay nangangahulugan ng taos-pusong pagsuko ng iyong buhay sa katotohanan ng ebanghelyo. Kaya nga, ang pananampalatayang nagliligtas ay ang pagsunod ng buong katauhan, kasama ang iyong isipan, damdamin, at kalooban.

Kaugnay nito ang pananampalatayang gumagawa Santiago 2:20. Pananampalataya + Pagsunod = Kaligtasan. Santiago 2:14-26.


Tatlong Mahalangang Elemento ng Pananampalataya 
Kailangang alamin mo kung bakit ka sumasampalataya. 
Ano ang iyong pinaniniwalaan, at sino ang iyong pinaniniwalaan?

Ang pananampalataya ay nakasalalay sa mga tunay na ebidensiya sa salita ng Dios. Ito ay hindi bulag na pagsunod; ito ay hindi paglundag sa kadiliman.
Upang magkaroon ng pananampalatayang nagliligtas, kinakailangang magkaroon ng pagsang-ayon sa puso sa salita ng Dios. Hindi nararapat magtakwil kundi sumang-ayon (Apocalipsis 3:20)/ Kumakatok Siya sa ating puso sa pamamagitan ng Kanyang salita Roma 10:13-17.
Posibleng kilalanin ng isang tao na si Jesus ay Dios at itakwil siya bilang Tagapagligtas ng kanyang buhay.

Ang pananampalataya ay laging may pagkilos tungo sa sinasampalatayanan. Ito ay isang desisyon ng kaluluwa na niyayakap at inaangkin ang sentrong si Jesus ang sinasampalatayanan.

Ito ang nag-uugnay ng biyaya ng Dios at ng makasalan. Ito ang kamay na tumatanggap sa ibinibigay ng Dios. 


Ano ba ang Gagawin ng Tao Upang Magkaroon Siya ng Pananampalataya

  • Gamitin at isagawa ang pananampalataya

Maging tunay na mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo gaya ng naglagablab na pananampalataya ng kaniyang mga alagad at mga apostol na nagsipanatili sa aral ng apostolikong pananampalataya, sa pagtitipon, pagpipiraso ng tinapay, pag-abot sa bawa't isa sa kanila'y may mga pangangailangan, at sa pananalangin.  Mga Gawa 2:42; Colosas 2:8; Galatia 1:7-9.   


 

Pagsipi:

-     (Hango sa mga talata ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)

 

 

 

 

 

PAGSUSULIT:

 (Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)

 

1.


 Ang unang iglesia na nabuo matapos silang mabautismohan sa pangalan ni Hesus at mapuspos ng banal na Espiritu sa mga Gawa 2:42 ay nagsipanatili sa

           aral ni Juan Bautista         aral ni Pedro          aral ng mga Apostol

2.

 Ang pananampalataya ay paniniwalang walang batayan na susundan.                           

            Tama             Mali  

3.

 Ang tamang pananampalatayang tinanggap ng mga apostol ay nakasentro sa pagsunod sa atas at utos ni  Cristo Hesus    

            Tama              Mali

4.

 Sapat ng maniniwala kay Hesus sa isip o pagpapahayag ng labi lamang at di na kailangang gumawa ng pagsunod sa kung ano ang sinasabi niya para maligtas              

             Tama              Mali           

5.

 Ang kaligtasan ay nakasalalay sa tamang pananampalatayang may gawa, sa pagsunod sa paganap ng kalooban ng Dios batay sa nasusulat               

              Tama              Mali





Mga Komento

  1. Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...

Mga sikat na post sa blog na ito

MAHALAGANG ARAL TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG

ANG BIBLIA: KASAYSAYAN NG PAGLALAKBAY NG MGA SALIN

RELIHIYONG TUNAY NA SA DIOS