ANG IGLESIA
Layunin ng pag-aaral sa paksang ito, malaman:
2. Ang tama at Biblikal na aral tungkol sa Iglesia
3. Ang pagkahawig ng Iglesia sa Lumang Tipan
4. Ang Iglesia ay kumakatawan sa mga mananampalataya
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito.
"At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit."
Mateo 16:18-19
ABSTRAK
Kung ating suriing mabuti mula sa Banal na Kasulatan, ang salitang Iglesia ay maituring na isang hiwaga sa Lumang Tipan yamang hindi ito kailanman binabanggit o pinag-uusapan man sa naunang kapanahonan.
Sa kabilang banda, ito ay binigyan na ng paglalarawan noon din bilang paghahanda nito ng Dios ayon sa kaniyang panukalang kaniyang tubusin ang kaniyang bayan mula sa kanilang pagkakasala. ito ay naganap sa panahon ng hirangin ng Dios si Moises at dalhin siya sa ilang upang ihanda siyang pangunahan ang bayan ng Dios sa pagkakaalipin nito sa Ehipto at iparanas sa kanila ang kalayaan mula sa pagkabihag at dalhin sila sa lupang ipinangako ng Dios sa kanila na tinawag niyang kaniyang bayan.
Ang mga pagkakahawig bilang panuntunan sa darating na mga bagay ukol sa Iglesia ay hayag na ipinakita na ng Dios na tinawag na anino sa mga bagay na darating. Ito ay tumutukoy tumbok mismo sa Iglesiang tutubusin ng Dios sa pamamagitan ng pag-uula ng dugo tugon sa kautusang nailatag ng Dios sa panahon ni Moses.
Ang Ehipto ay sumisimbolo sa kasalanan na bumihag sa bayan ng Dios, matapos ng baliwalain at limutin nila ang tunay na Dios na sa kanilang mga magulang ay humirang. Ang pagtawid sa dagat at ang ulan mula sa ulap na sumusunod sa kanila ay naglalarawan naman ng paglilinis nito sa mga kasalanan, at ang ipinangakong lupa na naroon ang pagdaloy ng kasaganaan ng gatas at pulo't putyukan ay sumasalamin naman sa kalangitan.
Sa paksang ito, ating alamin at aralin ang proseso ng paghirang ng Dios muli ng kaniyang bayan sa pamamagitan ng kaniyang pagliligtas nito na tinawag na kaniyang Iglesia.
ANO ANG IGLESIA NG DIOS?
Ang salitang "Iglesia" ay binanggit hindi sa Lumang Tipan kundi ito ay dumating na lamang sa panahong si Jesus ay naparito bilang Cristo o "Mesias" at nagtatag ng kaniyang Iglesia na siya mismo ang pundasyon o bato na kinataayuan nito.
Sinabi niya kay Pedro na kaniyang alagad, sa pamamagitan niya bilang maliit na bato "petros", ay sa malaking bato "Petra" na tumutukoy sa kaniyang sarili, ay itatayo niya ang kaniyang "Iglesia". Mateo 16:18
ANG KAHULUGAN NG SALITANG IGLESIA
- Ang orihinal na Griyegong salitang ginamit tungkol dito na "ekklesia" ay nangangahulugang, kalipunan ng mga tinawag o kabuuhang pangkat na mga hinirang ni Cristo para sa kaniya, ang kaniyang mga alagad at mga sa kaniya'y nagsisisampalataya. I Pedro 2:9-10
- Binanggit ng Strongs Exhaustive Hebrew & Greek Dictionary at sinabing, ang "ekklesia" ay tumutukoy sa kalipunan sa ilang sa Lumang Tipan na tumutukoy sa kapanahonan ni Moses, sa bayang pinalaya ng Dios mula sa pagkakaalipin ng Ehipto na naglalarawan ng kasalanan. Gawa 7:38
- Dapat maging malinaw, na ang Biblikal na kahulugan ng salitang "Iglesia" at kalagayan nito ay kahit kailan, ito ay hindi tumutukoy sa mga gusali o ano mang sekta. Ito ay isang kapulungang o kalipunang pangkalahatan at pandaigdig na binubuo ng mga mananampalataya sa Panginoong Cristo Jesus at tunay na mga tagasunod at naglilingkod sa kanya. Sila ay ang mga taong pinanahanan at puspos ng Espiritu ni Kristo Jesus. Roma 8:9
MAPAGMATYAG AT TUNAY NA TAGASUNOD NI JESUS
- Huwag tayong lumayo at gumawa ng sariling paraan labas sa aral at iniwan ng katotohanan ni Jesus tungkol sa kaniyang iglesia.
- Si Jesus ang may akda at nagtatag nito mismo sa pamamagitan ni Pedro.
- Mag-ingat sa mga lumilihis at gumagawa ng sarili nilang pagtatatag ng kaparehas ding tinawag na kalipunan o pangkat ng mga taong may sariling pamamaraan at tinawag din nila itong kanilang pananampalataya.
- Upang malaman kung sino ang mga nagpapanggap na umangkin kadalasan na sila ang tunay na iglesiya, ang tamang pagsusuri parin sa mga nasusulat ang magiging bantay ng pag-iingat dito. Ito ang otoridad na batayan mismo, ang iglesiang pinatotohanan ng Bibliya, na hayag sa ating kapanahonan, marami na ang masyadong lihis sa diwa at katotohanan sa nasusulat ang kanilang mga katuruan.
- Upang tayo ay makapanatili sa tunay na iglesiang itinatag ni Cristo na pinatotohanan ng aklat ng mga gawa ng mga apostol at maging gaya din nila, kinakailangang sundang mabuti ang aral ng mga apostol at ipapamuhay ito ng may katapatan at walang bahid ng ano mang paglihis. Galacia 1:6-8; Colosas 2:8
ANG IGLESIA SA IBANG KATAWAGAN NITO
Ang "Iglesia" ay tinatawag sa iba pang paghahalintulad nito na siyang pagmamay-ari ni Cristo at kaniyang itinalaga para sa kaniya.
- Ang "Iglesia" ay tinawag na babaing ikakasal kay Kristo Apocalipsis 21:2
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Katawan ni Kristo Colosas 1:18
- Ang "Iglesia" ay tinawag na isang Katawan I Corinto 12:18-24
- Ang Iglesiya Efeso 3:21
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Iglesia ng mga Panganay Hebreo 12:23
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Iglesia ng Diyos I Corinto 1:2
- Ang "Iglesia" ay tinawag na mga Iglesia ng Diyos I Corinto 11:16
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Iglesia ng Diyos na Buhay I Timoteo 3:15
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Sangbahayan ng Diyos Efeso 2:19
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Israel ng Diyos Galacia 6:16
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Herusalem Galacia 4:26
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Kaharian Hebreo 12:28
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Kaharian ng Anak Colosas 1:13
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Asawang Babae ng Kordero Apocalipsis 19:7-8
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Mga Iglesia ni Kristo Roma 16:16
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Mga Iglesia ng mga Hentil Roma 16:4
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Lungsod ng Diyos na Buhay Hebreo 12:22
- Ang "Iglesia" ay tinawag na Kawan Gawa 20:28
- Ang "Iglesia" ay tinawag Kawan ng Diyos I Pedro 5:2
- Ang "Iglesia" ay tinawag Tahanan ng Diyos Efeso 2:22
- Ang "Iglesia" ay tinawag Gusali ng Diyos I Corinto 3:9
- Ang "Iglesia" ay tinawag Bukid ng Diyos I Corinto 3:9
- Ang "Iglesia" ay tinawag Bayan ng Diyos I Pedro 2:10
- Ang "Iglesia" ay tinawag Espirituwal na Bahay I Pedro 2:5
- Ang "Iglesia" ay tinawag Templo ng Diyos I Corinto 3:16
- Ang "Iglesia" ay tinawag Bundok ng Sion Hebreo 12:22
Ang "Iglesia" ay malinaw, hindi ito tumutukoy sa mga bagay gawa ng sanlibutan ni binuo ng kamay ng tao at sa pamamagitan ng kakayahan, dunong, kalooban ng tao, o ng salapi, kayamanan o di kaya'y gusali na yari ng bato at magagarang kagamitan. Ang "iglesia" ay ang kabuuhang bilang o lipunanan, sambayanan ng mga tunay na mananampalataya na sumusunod at gumaganap sa kalooban ng Dios at sa utos ni Cristo na hindi naiiba sa mga naunang alagad ng Panginoon, kundi nagiging gaya din nila na nag-iingat at nagpapatuloy sa aral ng mga apostol. Mga Gawa 2:41-47
Ang "iglesia" ay inihahanda ng Dios at dapat mananatiling malinis na nag-iingat ng kanilang kaligtasan hanggang sa sila ay muling babalikan ng Panginoon gaya ng isang babaeng ikakasal na mananatiling birhen sa paghalintulad hanggang sa muling pagdating ng kaniyang Panginoon upang ito ay isama nya na at maging kaisa hanggang sa walang hanggan. Matthew 25:1-13; Efeso 5:22-33
Pagsipi:
- (Hango sa mga talata
ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)
1.
Ang unang iglesia ay nabuo matapos silang
mabautismohan sa pangalan ni Hesus at mapuspos ng banal na Espiritu sa mga Gawa 2 ay nagsipanatili sa aral ng mga apostol
. Tama Mali
2.
Sino ang ulo o nagtayo ng kaniyang iglesia
ayon sa Mateo 16:18?
Pedro Cristo Hesus
3.
Nabanggit ba sa Lumang Tipan ang salitang
iglesia?
Oo Hindi
4.
Ang totoong iglesia na itinatag ni Cristo
Hesus ay tumutukoy sa:
gusali isang katawan kalipunan ng mga mananampalataya
5. Ang tunay ba na iglesia na siyang kukunin ni Hesus bilang babaeng ikakasal sa kaniya sa paglalarawan ay dapat walang dungis o bahid ng karumihan?
Oo Hindi
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento
As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...