ANG PAGPAPARITO NG PANGINOONG CRISTO HESUS SA MGA ALAPAAP
Layunin ng pag-aaral sa
paksang ito, malaman:
- Ang katotohanan ng muling pagpaparito ng Panginoong Hesus
- Ang salubungan sa alapaap na magaganap
- Ang pagdadamit ng katawang maluwalhati at ang buhay na di na makakaranas pa ng kabulukan
- Sino sino ang makakaranas ng pagsalubong sa Panginoon sa mga alapaap
- Ibahagi sa iba ang katotohanan ng Biblia tungkol sa tunay na muling pagpaparito ng Panginoon
" Sa araw na iyon ay maririnig ang tinig ng arkanghel at ang tunog ng trumpeta ng Dios, at ang Panginoon mismo ay bababâ mula sa langit na sumisigaw. At ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman. "
1 Tesalonica 4:16-17
ABSTRAK
Bagaman walang tiyak na nakakaalam ng eksaktong petsa ng panahon ng kapanganakan ng Mesias na si Cristo Jesus, kapansin pansin na halos buong mundo ay pilit ipagdiriwang ito na kilala sa katawagang Pasko na itinatapat sa araw ng kapanganakan ni Tammuz sa ika 25 ng Disyembre, ang anak ni Semiramis na asawa ni Nimrod. Sinabi niyang siya daw ay nililiman ng espiritu ng kaniyang asawang si Nimrod na tinawag niyang dios, kaya't si Tammuz ay tinaguriang "anak ng Dios". Hindi sa panahon ng Disyembre naipanganak ang Cristo sa sabsaban sa patunay mismo na ang dayami na siyang naging kilalang kaniyang sinilangan ay sa panahon ng tag-ani ng trigo ay ito ay nangyayari sa panahon ng tag-init, hindi sa panahon ng taglamig o tag-ulan.
Ang pagdiriwang ng mga tao bilang pagunita ng kapanganakan ng Tagapagligtas na pinaniwalaan ng buong mundo ay malaking tanda ng paniniwala din ng karamihan sa unang pagparito ng Panginoong Hesus, ng siya'y isilang sa Jerusalem higit na dalawang libong taon ng nakalipas.
Ang hula ng Lumang Tipan mula sa bibig ng mga propeta ng Dios ay hayag na natupad sa ating kapanahonan tungkol sa unang pagparito ng Panginoon at ito'y hindi mapasubalian gaya ng sinabi ng Mikas 5:2 at Mateo 2:6.
KATOTOHANAN NG MULING PAGPAPARITO NG PANGINOON
Kung natupad na ang mga hula ng unang pagparito ng Panginoon, higit at lalong dapat paniwalaan na mas lalong matutupad ang kanyang ikalawang pagparito na mismong ipinangako ng Panginoon, at higit na mas marami ang mga hula tungkol sa ikalawa kaysa sa una niyang pagparito.
LAYUNIN NG PAGBABALIK NI JESUS
- Kukunin niya ang kanyang mga anak upang makasama magpakailanman 1 Tesalonica 4:16-17.
- Bibigyang gantimpala niya ang kanyang mga anak Apocalipsis 22:12
- Bibigyan niya ang kanyang mga anak ng maluwalhating katawan 1 Corinto 15:50-54.
- Ibubuhos niya ang kanyang kagalitan sa sanlibutan 2 Pedro 3:10.
ANG KATIYAKAN NG PAGBABALIK NI JESUS
Siya mismo ang nagsabi Juan 14:3; Hebreo 6:18.
- Ang kaalaman ay lalago at palaging magmamadali ang mga tao Daniel 12:4.
- Ang kasamaan ay sasagana 2 Timoteo 3:1-5.
- May mga di-maiiwasang pangyayari sa ating kalikasan Mateo 24:3-14.
- Walang nakakaalam Mateo 24:36-52.
- Kagaya ng magnanakaw sa gabi 1 Tesalonica 5:1-2; Apocalipsis 3:3.
- Hangarin natin ang kaniyang pagbabalik 2 Timoteo 4:8.
- Maghintay tayo sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanya Mateo 24:32-47.
Pagsipi:
- (Hango sa mga talata
ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)
1.
Kaninong kaarawan ang ika-25 ng Disyembre, ang hinalintulad sa unang pagpaparito ng Panginoong Hesus?
Nimrod Tammuz Cristo Hesus
2.
Bababa ba o aapak ba muli sa lupa ang Panginoong Hesus sa muli niyang pagpaparito upang kunin niya ang kaniyang iglesia?
Oo Hindi
3.
Saan bang bundok huling nakita ang Panginoong Hesus ng kaniyang mga alagad at doon sinabi ng mga anghel na doon din siya muling makitang bababa?
Sinai Saudi Arabia Olibo
4. Sino-sino ang mapalad na makasama sa pagsalubong sa Panginoon sa mga alapaap?
Lahat ang mga nakay Cristo Hesus walang nakakaalam
5.
Mapapalitan ba ng katawang makalangit o katawang di mabubulok ang mga buhay na makakasama sa pagsalubong sa Panginoon sa mga alapaap??
Oo Hindi Walang nakakaalam
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento
As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...