KALIKASAN AT MGA KATANGIAN NG DIOS
3. Ang mga katangian ng Dios ayon sa Biblia
4. Ang tunay na Dios ay dapat kilalanin sa tunay niyang kalikasan at mga katangian
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito
"Saliksikin ninyo ang mga kasulatan,
sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan;
at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo
tungkol sa akin."
Juan 5:39
ABSTRAK
Ang tunay na pagkakilala sa Dios ay magsimula sa kaalamang ano at sino siya batay sa kung ano ang kaniyang kalikasan at mga katangian. Ito ay dapat manggagaling hindi sa kung paano siya inunawa o sa haka haka at pala-palagay ng tao, kundi, ay kung paano siya ipinakilala ng banal na kasulatan na mula sa mga taong nakasaksi at rektang kaniyang pinahayagan na natala sa mimong banal na kasulatan na siyang Biblia.
Si Jesus ay hayagang nagsabi sa Juan 5:39 na,
"Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin."
Ang tamang pagkakilala sa Dios ay magsimula sa alamin ang katotohanan kung paano siya naghayag ng Kaniyang sarili sa bayang Kaniyang hinirang at ito'y kanilang nasaksihan.
Sa paksang ito, layunin nating alamin at baybayin ang mga nasusulat upang kilalanin ang tunay na Dios ayon sa kung ano ang kaniyang kalikasan at mga katangian, na sa totoo'y meron itong mahalagang kalakip sa pagkatoto sa tunay na pagkakilala, at higit na may kinalaman sa tamang relasyon ng tao sa Kaniya. Pahayag ng Dios sa Hebreo 8:10-11, sinabi Niya,
BUOD
ANG KALIKASAN NG TUNAY NA DIOS
Ang Dios ay Espiritu
Juan 4:24 "Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan."
Mga Gawa 7:48-49, "Bagama't ang kataastaasa'y hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay... Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa."
1 Hari 8:27 ".... Narito sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya..."
Sinasabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagkat ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin." Lukas 24:39. Ito ay nagpapatunay na ang espiritu ay walang laman at mga buto.
Ang Espiritu ay walang katawang materyal at di nakikita. Samakatuwid, ang Dios na Espiritu ay walang katawang materyal at di nakikita.
Ang babaeng Samaritana ay nagtanong kung saan matatagpuan ang Dios. Siya ay sinagot ng ating Panginoon na ang Dios ay hindi nakabukod sa isang dako sa lahat ng oras. Ito ay posible lamang kung siya ay Espiritu nga. Mga Awit 139:12.
Ang Diyos ay Hindi Nakikita
Exodu 33:20, "At kanyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagkat hindi maaring makita ako ng tao at mabuhay"
Juan 1:18, "Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Am, siya ang nagpakilala sakanya."
Colosas 1:15, "Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang."
I Timoteo 1:17, "Ngayon sa haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakainlan kailan man. Siya nawa."
Ang mga Imahen o Rebolto ay Ipinagbabawal ng Dios.
Exodo 20:4-5, "Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis manng anomang anyong nasa itaas sa langit o ng nasa ibaba sa lupa..."
Ang mga imahen o rebolto para sa Dios ay mahigpit Niyang ipinagbabawal sapagkat:
- Ang Dios ay Espiritu at hindi nakikita - Mga Gawa 17:29
- Ang Dios ay walang laman at mga buto - Lukas 24:39
- Walang taong nakakita kailanman sa Diyos - Juan 1:18
- Ang Dios ay walang katulad - Jeremias 10:1-6, Isaias 46:5-7
- Hahatulan ng Dios ang mananamba sa diyos-diyosan - Apocalipsis 21:8
ANG TAMANG PAGSAMBA NA TANGGAP NG DIOS
May tamang pamantayan o standard ang tunay na Dios sa kung paano siya dapat sambahin at ito ay nag-uugnay mismo sa kung sino siya batay sa kaniyang tunay na kalikasan at mga katangiang ipinahayag mismo ng banal na kasulatan. Ito ay pinatotohanan mismo ng Panginoong Jesucristo nang siya ay nasa anyong tao at gumanap bilang Cristo, sinabi niya,"Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kanya. Ang Dios ay Espiritu..." Juan 4:23-24
Siya ay dapat sambahin sa:
- Sa Espiritu - Pagsamba sa Espiritu (hindi sa mga larawan).
- Sa katotohanan - Pagsambang hindi salungat sa Bibliya.
ANG MGA KATANGIAN NG TUNAY NA DIOS
Ang Dios ay banal
- Ang kabanalan ay isa sa mga katangian ng Dios Levitico 11:44; Josue 24:19: Awit 99:5; Exodo 15:11: I Juan 1:5.
- Kinamumuhian ng Dios ang kasamaan Job 34:10; Habakuk 1:13; Deuteronomio 25-16; Kawikaan 15:9, 26; Genesis 6:5-6; Bilang 25:9-11
- Nais ng Dios na maging banal din ang kanyang mga anak Exodo 19:6; I Tesalonica 4:7; I Pedro 1:15-16; I Tesalonica 5:23; II Tesalonica 2:13
- Itatakwil ng Dios ang mga makasalanang hindi nagsisisi Hebreo 12:14; Awit 24:3-4; Isaias 59:1-2; Deuteronomio 23:9-14; Awit 1:5
Ang Dios ay Matuwid
- Ang kasulatan ay nagpapahayag na ang Dios ay matuwid Isaias 45:21; Juan 17:25; Zefanias 3:5; Awit 89:14, 145:17.
- Ang mga batas ng Dios ay matuwid Awit 19:9, 116:138; Roma 7:12; Awit 119:160.
- Iniuutos din ng Diyos sa kanyang mga anak na maging matuwid Mateo 23:23; I Timoteo 6:11; II Timoteo 2:22; Isaias 56:1; Santiago 2:1-3; Kawikaan 10:20, 12:28.
- Ang paghatol ng Dios ay matuwid Awit 96:10, 98:9; Awit 9:4,7; Exodo 34:7; Awit 119:75; Kawikaan 8:8; Roma 2:6; Apocalipsis 22:12.
- Parurusahan ng Dios ang mga masasama Roma 2:8-9; Ezekiel 18:4; Awit 103:6; Apocalipsis 21:8.
- May gantimpala mula sa Dios ang mga matuwid Roma 2:10-11; I Hari 8:32; Hebreo 6:10; Gawa 10:4; II Pedro 2:5; II Timoteo 4:8; Mateo 13:43.
Ang Diyos ay Maawain
Ang Bibliya ay nagsasad na ang Dios ay maawain Awit 86:15; Exodo 34:6; Awit 145:8-9, 118:1.Sino-sino ang mahal ng Dios? Awit 147:11; Juan 14:21, 23; Awit 103:17; Exodo 20:6.
Ang tamang pagkakakilala sa Dios ay napakahalaga, at ang kalikasan at mga katangian mismo Niya ang nagpapatunay na iba Siya sa mga dios-diosang hindi gaya Niya. Walang katulad ang tunay na Dios na sinabi ng Biblia.
Pagsipi:
- (Hango sa mga talata ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipilian)
1.
Ang Dios ay may kalikasan at mga katangiang taglay.
Tama Mali
2. Ang Dios ay nakikita at nahahawakan.
Tama Mali
3.
Ang langit ay ang luklukan ng Dios at ang lupa ay ang apakan ng kaniyang mga paa.
Tama Mali
4. Ang Dios ay dapat sambahin sa katulad ng mga bagay na nakikita.
Tama Mali
5.
Mahalagang makilala ang Dios sa tunay niyang kalikasan at mga katangian.
Tama Mali
Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...
TumugonBurahin