PANUKALA NG DIOS SA KALIGTASAN

____________________________________________________________________________________________
WARNING: 
Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and its operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.   

The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building. 
____________________________________________________________________________________________









ARALIN PANG LABING TATLO
© copyright 2021



Layunin ng pag-aaral sa paksang ito, malaman: 

1. Ang katangian ng Dios bilang "Omniscient"  
2. Nakita na ng Dios ang pagkahulog nito sa pagkakasala bago pa ang paglikha.  
3. Ang  pagpapahayag ng Dios ng Kaniyang plano sa Lumang Tipan
4. Ang kaganapan at pagtupad ng Dios ng Kaniyang panukala tungkol sa kaligtasan ng sangkataohan
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito


"At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong."  

Genesis 3:15



ABSTRAK


Sa katangian ng Dios bilang "omniscient" o "alam ang lahat ng bagay" 1 Juan 3:20, walang bagay na hindi Niya alam o hindi lingid sa Kaniyang kaisipan bago pa man mag-umpisa ang kapanahonan o matapos na magkaroon nito ng simula, kasalukuyan at panghinaharap.  Isaias 42:9; Job 37:16

Dahil dito, bago pa Niya lalangin ang tao at ilagay sa hardin ng Eden na tinawag na paraiso, dapat hindi na maging palaisipan o katanungan pa sa atin, kung alam ba ng Dios ang mangyayari sa tao lalo ang pagkahulog nito sa pagkakasala na nauwi sa hatol ng Dios na sila ay hindi na karapat dapat manahan pa sa dakong ito dati nilang kinalalagyan.  Genesis 3:23-24

Ang Panginoon ay lubhang mahabagin at mapagmahal na hindi niya ibig mapahamak ang sangkatauhan na walang pag-asa. Pagkatapos mahulog ng tao sa pagkakasala, binanggit kaagad niya ang kanyang pangako ng pagtubos sa sangkatauhan bilang hula na mangyayari sa hinaharap. Sa Genesis 3:15, "At papagalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kanyang binhi ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong." Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa pagdating ng Tagapagligtas, walang iba ang Cristo na siyang nakilala na sa ating kapanahonan.  

Paano ba hinahayag ito ng Dios sa tao ng dahan dahan gamit ang kapanahonan?  


KAPAHAYAGAN NG PLANO NG DIOS SA LUMANG TIPAN 

Mga Anino sa Lumang Tipan
  • Exodo 20:24 - Handog na susungin, handog tungkol sa kapayapaan, mga tupa, at mga baka.
  • Levitico 22:19 - Lalaking hayop na walang kapintasan. Ang handog na hayop na malinis ay anino ng Panginoong Jesucristo bilang handog sa Diyos para sa ating kaligtasan. Ang lahat ng mga kapistahan, mga alay, at mga sabbath ay mga aninong lahat ng darating na Cristo Colosas 2:16-17.  Ang dugo ng mga hayop ay kalarawan ng dugo ng ating Panginoon Jesus Hebreo 9:22; 1 Pedro 1:18-20; Juan 1:29.  Ang mga pagdurusa ng ating Panginoon sa bunkok ng kalbaryo ay para sa ating kapakanan Isaias 53:4-7.

Ang Cristo ay Naghirap at Namatay para sa Buong Sanlibutan

  • I Juan 2:2 "At siya ang pangpaluabg - loob sa ating mga kasalan; at hindi lamang sa ating mga kasalann, kundi ng buong sanglibutan din namn."

Ang Kaligtasan ay Libreng Alok sa Nais Tumanggap

Hindi dahil ang Cristo o "Mesias" ay namatay para sa lahat, ang lahat ay ligtas na at wala ng gagawin, o sila ay magpapatuloy pang lumakad sa pagkakasala sa daang dati niyang nilalakaran.  Kawikaan 14:12  Hindi ito ang kalooban ng Dios, kundi, ang biyaya ng Dios ay nagpapaanyaya sa lahat sa alok ng panibagong buhay at ito'y ang buhay na may kasaganaan.  Juan 10:10; Mateo 6:33       

  • Juan 3:16, "Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walng hanggan."
Kailangan ang pananampalataya at pagsunod sa kanyang salita Mga Gawa 5:32.

  • Roma 1:16, "Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihanng Diyos sa ikaliligtas ng bawat sumasamapalataya; una'y sa judio, at gayon din sa Griego"

Sariling Pamamaraan at mga Gawa ay Hindi Makapaliligtas

Ang tao ay maliligtas hindi dahil sa kung sino at ano ang kaniyang ginawa, mga kabutihan man o pangkawanggawa, kundi tanging dahil sa kahabagan at kaawaan lamang ng Dios Tito 3:5; Efeso 2:8-9; I Juan 4:19.


TUNAY NA PAG-ASA NG KALIGTASAN AY NA KAY JESUS LAMANG 

Ang Katuparan at Kapahayagan ni Cristo
 
Ang salitang Cristo hango sa Hebreong salita na (חמשיח) "HammaShiach" na dito galing ang salitang "Mesias"; o (Χριστός) "Cristos", ay nangangahulugang "anointed one" o pinahiran ng Dios o di kaya'y sugo ng Ama.  Ito ay malinaw na tumutukoy sa pagiging tao ni Jesus o ayon sa laman ng siya ay nasa lupa at nabuhay sa loob ng 33 at kalahating mga taon. Tumutukoy ito sa ginampanan ni Jesus bilang tao at tinawag na Anak ng Dios, Anak ng tao, tagapamagitan sa Dios at ng mga tao 1 Timoteo 2:5, gawa sa ilalim ng kautusan at ng babae.  Galatia 4:4  Ang paganap ni Jesus bilang Cristo ay hindi tumutukoy sa kaniyang pagka-Dios kundi sa kaniyang pagiging totoong tao, ang katuparan at kapahayagan ng Dios sa sa laman.  Juan 1:14; 1 Timoteo 3:16.  Si Jesucristo o si Jesus sa paganap bilang Cristo ay tinawag na "Kordero ng Dios" na mag-aalis at maglinis sa kasalanan ng sanlibutan.  Juan 1:29 

Ang Cristo ay nasa panukala na ng Dios, ang ganap na larawan ng persona ng Dios na ipinanukala Niya buhat pa sa simula, ang ikalawa o huling Adan. Genesis 1:27; Efeso 1:4-11; 1 Corinto 15:44-46

Si Jesucristo lamang ang tagapagligtas at wala ng iba at dapat siyang pakinggan.  Ang kaniyang mga salita ay katotohanan at ito'y ang magpapalataya sa sinoman.  Juan 17:17  

Pasalamatan natin at paglingkuran ang Panginoong Jesucristo, at sa ganito lamang natin maipapakitang lubos ang tunay nating pagmamahal sa Dios ng buong katapatan dahil sa dakilang Niyang pag-ibig sa ating mga kaluluwa na ayaw Niyang mapapahamak.  2 Pedro 3:9


_________________

Pagsipi:

"Three Definitions of Death" © 1977, THE MONIST, La Salle, Illinois 61301.             




PAGSUSULIT:

(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)


1.


 Ang salitang Cristo ay nangangahulugang

..         Dios               Tao             Pinahiran ng Dios

2.

 Ang pagiging Mesias ni Hesus bilang Cristo ay tumutukoy sa kaniyang paganap bilang 

             Dios              Tao           

3.

 Ang tao ay maaring maligtas sa kaniyang mga kasalanan sa impierno sa pamamagitan ng pagawa ng mabuti, pagkawang gawa at pagiging mahabagin  

 Oo                 Hindi             

4.

 Ang kaligtasan ay makamtan lamang sa pamamagitan ng Panginoong Cristo Hesus lamang.                   

             Oo                   Hindi

5.

 Ang alok na kaligtasan ng Panginoong Hesus ay makamtan lamang sa mga nagnanais nito    

             Tama               Hindi



Mga Komento

  1. Kung may tanong man ang sino man sa o may nais sabihin o ibahaging saloobin, kayo'y aking inanyayahan at malaya kayong maghayag ng inyong damdamin dito sa "comment section" sa isang constructive na paraan bilang kritikong mananaliksik...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...

Mga sikat na post sa blog na ito

MAHALAGANG ARAL TUNGKOL SA BAUTISMO SA TUBIG

ANG BIBLIA: KASAYSAYAN NG PAGLALAKBAY NG MGA SALIN

RELIHIYONG TUNAY NA SA DIOS