ANG KAPAMAHALAAN NG IGLESIA AT ARAL NG PAGKAKALOOB
3. Ang pamahalaan at pamamahala ng Dios
4. Ang iba-ibang kapamahalaan na sumaklaw sa bayan ng Dios
5. Ibahagi sa iba ang katotohanan ng pag-aaral ng paksang ito
"At sinabi sa kanila ni Hesus, ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar, at sa Dios ang sa Dios. At sila'y nanggilalas na mainam sa kaniya."
Markos 12:17
ABSTRAK
Ang unawain ang kasaysayan kasama ang pamamahala at ang wika nito, ay mahalagang kasangkapang proteksyon mula sa mga panganib at hidwang mga aral; at imbentong kasinungalingan na nagliligaw at sumisira sa kultura, kapamahalaan, sistema at pamamaraan ng pamumuhay; at dayain ang tunay na nilalaman at pagpapahalaga ng mga ito na dapat ingatan sa ano mang halaga at sukat ng pagbabantay. Ang alamin ng tama ang katotohanan ang siyang tunay na magpapalaya sa sinoman mula sa pagkakaalipin nito sa kawalang malay at pagmamataas ng mga mandarambong.
Ang biblikal na kasaysayan na ibinilang ang kaayusan ng pag-iral ng katalagahan tulad na lang sa kahalagahan ng pagbibigay suporta sa gawain ng Dios sa bawa’t panahon, lalo’t ang pag-iral ng pagpapahalaga ng gawaing pag-iikapu na pinapahalagahan sa bawat panahong dinaanan, ay dapat hindi ituring na dikit na kautusang di na magalaw (fastened or affixed law) halaw sa sistema ng kapamahalaan nitong kinabibilangan, bagkus, dapat maintindihang lubos, na ito ay inilagay na ng Dios sa puso ng mga tunay na lingkod niyang inihiwalay sa sanlibutan, upang katagpuin ang pangangailangan ng gawain ng Dios.sa ano mang kapanahunan. Mula pa sa panahon ng gawain ng Dios sa bayan ng Israel hanggang sa kasalukuyan.
Ang sistema kung paano ang IKAPU ay ipinapatupad na pormal bilang kautusan kasama ang mga katawagan o terminolohiya na nagbabago sa pagtakbo ng panahon, ang layunin ng mandato o atas nito ay malinaw na nagpapahalaga upang katagpuin ang pangangailangan ng gawain ng Dios, kasama ang kaniyang mga manggagawang tinawag “fulltime” sa paglilingkod sa pangangasiwa at pamamahala sa tahanan ng Dios, sabay din ang pag-aayos o pagpapaganda nito, ito ay nanatili.
Dapat maintindihang mabuti at hindi isawalang bahala, na ang Dios mismo ang nagtalaga ng mga PAMAMAHALA, bilang mga tagapangasiwang nasa otoridad gaya ng ipinapaliwanag na mabuti ni apostol Pablo sa sulat niya sa mga taga Roma na nanatili at Dios mismo ang nagtatag. Roma 13:1-7
ANG DIWA AT ATAS PAGBIBIGAY IKAPU AT KALOOB AY NANATILI SA KASALUKUYAN
1”Ang bawat isa ay dapat magpasakop sa nakakataas na kapamahalaan sapagkat walang kapamahalaan maliban doon sa nagmula ng Dios. Ang mga kapamahalaang iyon ay itinakda ng Dios.
2 Kaya nga, ang sinumang sumasalungat sa kapamahalaan ay tumatanggi sa batas na mula sa Dios. Ang mga tumatanggi ay makakatanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.
3 Ito ay sapagkat ang mga namumuno ay hindi nagbibigay takot sa mga gumagawa ng mabuti kundi sa mga gumagawa ng masama. Hindi mo ba ninanais na matakot sa pamahalaan? Gumawa ka ng mabuti at ang kapamahalaan ang pupuri sa iyo.
4 Ito ay sapagkat siya ang tagapaglingkod ng Dios para sa iyong kabutihan. Ngunit kung ang ginagawa mo ay masama, matakot ka dahil hindi siya nagdadala ng tabak ng walang kahihinatnan sapagkat siya ang tagapaglingkod ng Dios, na isang tagapaghiganti upang magdala ng poot sa gumagawa ng masasama.
5 Kaya nga, magpasakop ka hindi lang dahil sa galit kundi dahil sa budhi.
6 Ito ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis sapagkat ang mga kapamahalaan ay mga natatanging tagapaglingkod ng Dios na nakatalaga sa gawaing ito.
7 Ibigay sa bawat isa ang anumang dapat niyang tanggapin. Kung ang dapat ibigay ay buwis para sa nakakasakop, magbigay ng buwis na iyon. Kung buwis sa sariling pamahalaan, ibigay ang buwis na ito. Kung ang dapat mong ibigay ay takot, dapat kang magdalang takot. Kung ito ay karangalan, magbigay ka ng karangalan.” Roma 13:1-7
Sino tayo bilang mga tunay na mananampalataya sa Panginoong Hesus upang kalabanin at baliwalain ito?
UNAWA SA MGA URI NG PAMAMAHALA
TATLONG URI NG PAMAHALAAN
Tatlong uri ng pamahalaan na dumaan, kung saan ang mga anak ng Dios ay saklaw at gumagalaw din sa ilalim nito
Una. Kapamahalaan ng Dios (Theocracy)
Ayon sa mas makabago o modernong pakahulugan, ang “theocracy” ay isang sistema ng pamamahala ng pangangasiwa ng pagkasaserdote (sacerdotal order), umaangkin sa makalangit na pagtatalaga, (The Shorter Oxford English Dictionary on Historical Principles, vol. 2, 1939, p. 2166) kalagayan na kung saan ang mga saserdote ay nagpapatupad din ng politikal na kapangyarihan.
Sa ganitong uri ng pamamahala “God rules” ang unang bayan ng Dios ay pinamahalaan, kung saan ang salitang buwis “tax” ay hindi pa nababanggit ngunit ito’y naging katumbas ng IKAPU at handog sa kalaunan. Ang ikapu at handog sa panahong ito ang alituntunin ng Dios ay tinataguyod upang katagpuin ang pangangailangan sa tahanan ng mga lingkod ng Dios na nagsisigawa sa ministeryo ng paglilingkod, na mga anak ni Aaron at ang mga Levita.
Pangalawa. Ang Pamahalaang Romano (Roman Government)
Mula Monarkiya hanggang sa ‘Representation’
Sa ganitong uri ng pamahalaan si Cristo ay dumating kung saan ang mga Hudeo ay napasailalim, na ang buwis ay karaniwan na at naunawaan nila, lalo’t ang paniningil sa mga magsasaka o sa mga umaani ng saka. Sa ganitong panahon ang buwis ay naging ang katumbas ng ikapu o ikasampung bahagi na pinapahalagahan sa Lumang Tipan.
Hindi kailanman sinira ni Hesus ang kautusan ng mga naitalagang otoridad bagkus siya nagpasailalim nito.
Sinabi ni Hesus, “…ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar, at sa Dios ang sa Dios…” Mateo 22:21
Pangatlo. Demokratikong Pamahalaan
UNAWA SA SISTEMANG EKONOMIYA NG BAWAT PAMAHALAAN
Ang magbigay ng bahagi ng kinikita o maging nasira sa digmaan ay kilala sa lumang mundo mula sa Greece hanggang China. Ang kaloob ay ginawa bilang pang relihiyong pagkakaloob, o pagbibigay sa mga pang politikal na otoridad bilang pagalang o buwis. Ang relihiyon at pang politikang layunin ay ginamit madalas parehas ang mga ito, sa simula pa lang at pangkaraniwan sa panglupa o makalangit mang layunin. Ang donasyon mula sa ika-sampung bahagi, o ikapu, ay pangkaraniwan at maaring dahil na rin sa mga nakakarami alam ang bilang ng kanilang mga daliri.
Sa kapanahonan ng mga hukom, ayon sa ‘theocratic’ na pamamahala sa kaisapang halaw sa kautusan, ang tanging mga kabayarang tungkulin ng bayan bilang permanenteng obligasyon ay (1) ang ikapu, ang unang mga bunga, (2) ang pantubos na salapi mula sa unang ipinanganak, at (3) ibang mga kaloob na kabilang sa mga mahalagang pagdiriwang.
Ang bayad ng bawat Israelita sa kalahating mga ‘shekels’ o salapi bilang “salaping pantubos” (atonement-money), para sa panglilingkod sa tabernakulo, sa pagkuha ng sensus o bilang ng mga mamamayan, Exodus 30:13 hindi lalabas na ito ay umuulit na buwis, kundi upang maging pandagdag na mga kaloob ayon sa malayang kalooban Exodus 25:1-7 pagpapataw para sa layunin ng pagtatayo ng mga sagradong mga tolda (tents).
Tatlong uri ng pagpapatupad ng pag-iikapu sa panahon ng Lumang Tipan na malinaw na tumukoy sa pagtugon sa pangangailangan ng gawain ng Dios at sa paglilingkod ay:
(1) Levitical o Banal na Ikapu (Sacred Tithes) - Mga Bilang 18:21,24
(2) Ikapu sa Kapistahan (Tithes of the Feast) - Deuteronomio 14:22-27
(3) Ikapu para sa mga Mahirap (Tithes for the Poor) - Deuteronomio 14:22-27
Sa kalaunan, ang totoo’y, matapos ang pagbabalik ng bayan ng Dios mula sa Babilonya, ay nagkaroon ng taonang pagbabayad para sa pagpapanatili ng mga tela at paglilingkod sa templo, ngunit ito ay nag-umpisa sa ‘shekels’ Nehemias 10:32 nagsasalarawan na sa panahong iyon ay wala pang pataw o kabayaran na kinikilala na kailanganin.
Hindi nagtagal ang ikatlong bahagi ay naging kalahati, at sa ilalim ng pangalan ng ‘didrachma’, ito’y binabayaran ng bawat Hudeo, ano mang sulok ng mundo sila maaring naninirahan.- Smith’s Bible Dictionary - Taxes
UNAWA SA PAMAMAHALA AT PANGANGASIWA
Ang salitang kapamahalaan (governance) ay mula sa Latin na padiwang “gubernare”, o di kaya’y sa mismong orihinal nitong salita sa Griego na “kubernaein,” na ibig sabihin ay “patnubayan”. Batay sa kaniyang etemolohiya, ang kapamahalaan ay tumutukoy sa kaugaliang patnubayan o pamahalaan, o sa pagabay at kontrol, sa isang grupo ng mga mamamayan o isang estado. Ang kapamahalaan ayon sa kaugalian, ay iniugnay sa pamahalaan. Sa mga panitikan o mga literatura, ang kapamahalaan at pamahalaan ay madalas parehas na ginagamit ng baliktaran. (Law, Politics & Philosophy)
Ang pangunguna (leadership) ay isang pagkilos ng pamumuno sa isang grupo ng mga tao o ng samahan sa pamamagitan ng kanilang mga taga panguna. Ang pangunguna (leadership) ay isang mahalagang tungkulin ng pagpapatakbo na tumutulong upang mas lalong mapalawak ang kakayahan na matamo ang layunin ng grupo o ng iglesia mismo. Ang totoo’y, ang pangunguna ay mahalagang bahagi at krusyal na sangkap ng epektibong pagpapatakbo.
Si Adan, Abraham, Jacob, Isaac, Moises, mga propeta, at ang Panginoong Hesus sa pagiging Cristo ay mga halimbawa ng mga tagapanguna (leaders) sa Biblia na naging pinuno ng mga tao Sila ay hindi ibinibida o itinalaga ang sarili upang manguna, kundi silang lahat ay tinawag sa pangunguna (leadership), itinalaga at binasbasan ng Dios.
Ang mga taga pangunang mga ito ay hindi kailanman tinalikuran ang tahanan ng Dios, hindi naging walang galang, binastos at kiinaligtaang magbigay pagalang sa mga tao ng Dios bilang mga tagapanguna sa pagmiministeryo sa tahanan ng Dios, bagkus sila mismo ang nagpapakita ng mga dakilang halimbawa maging sa pagiging tapat at masunurin sa kautusan ng Dios na nagbibigay pagpapahalaga sa ikapu at handog bilang buwis sa ating modernong kapanahonan. .
PAIRALIN ANG TAMANG UNAWA SA IKAKA-AYOS NG SAMBAYANAN NG DIOS AT PANGANGASIWA
Kung sa kong paano siya gumagawa sa kasaysayan at hatulan ang bawat isa ayon sa kaniya-kaniyang mga gawang pagsunod o di pagsunod sa ano mang kapamahalaan na sumasaklaw sa kanila, gaya ng sinabi ni apostol Pablo at malinaw na ipinapaliwanag, wika niya, “Kaya nga, ang sinumang sumasalungat sa kapamahalaan ay tumatanggi sa batas na mula sa Dios. Ang mga tumatanggi ay makakatanggap ng kahatulan sa kanilang sarili”, Roma 13:2 ang Dios ay nanatili ng buong inam na tapat na gumagawa upang dalawin niya ang tao.
Batay nga sa biblikal na mga pangyayari sa kasaysayan naiukit sa mga kasulatan, inihayag ng mga ‘scholars’ at manunulat ng kasaysayan, binigyan diin na ang IKAPU, tinawag ding pangkaraniwan dahil sa ang lahat ay bumilang ng sampu, batay sa sampung mga daliri sa unang panahon, ito ay bahagi na ng katalagahan, at mahalagang atas ng Dios hanggang sa ngayon.
Ang mandatong ito ay nagsisilbing pangkalahatang layunin upang katagpuin ang mga pangangailangan ng tahanan at ng kaniyang mga lingkod na hinirang. Ang katotohanang ito ay nanatili hanggang sa kasalukuyan, ito’y bahagi sa atas ng Panginoon na pinapatupad sa ano mang uri ng pamamahala at pamahalaan ang Dios ang nagtatalaga, at mula sa sambayanang kaniyang tinawag upang pangalagaan at pagsilbihan ang kaniyang tahanan, ang kaniyang iglesia sa kasalukuyan.
Ang mga lehitimong mga institusyong pangrelihiyon sa ating panahon o ang simbahan na may legal na personalidad saklaw sa batas ng pamahalaan, binigyan ng pribilehiyong ipapatupad ang mandato sa kani-kanilang mga sinasakupan at dapat sundin ito na nasasaad din sa kani-kanilang mga “by-laws” ng kanilang mga samahan lalo’t sa pagsulong ng kanilang mga adhikain at layunin, at upang matustusan ang pang ekonomiyang pangangailangan nito, dito’y ipinapatupad ang pinansyal na obligasyon sa lahat at bawat kaanib.
Mahalagang Pagsusuri sa Sarili
Ang mahalagang tanong upang suriin ng bawat isa ang kanilang mga sarili, sino tayong tanungin ang pribilehiyong inatas sa mga nangangasiwang nasa otoridad gaya ng malinaw na bilin ni apostol Pablo sa bawat pamahalaan at pangangasiwang ang Dios ang nagtatag?
Ang Malachi 3:10 ay tandaang tinawag na ordinansa na ang ibig sabihin ay pwedeng amendahan sa bawa’t kapanahunan upang itaguyod, hindi ‘fixed’ o ‘fastened law’ o umaayon sa isang kapanahunan lamang, upang pangasiwaan at matugunan ng maayos ang tahanan ng Dios kasama ang matustusan ang pangangailangan ng mga lingkod na Dios mismo ang humirang, nagtalaga at nagbasbas.
Ang iglesia ay ang tahanan ng Dios, at ang mga lingkod ng Dios na gumagawa sa pangangasiwa nito sa loob ng gawain buong oras (full time), mangangaral ng ebanghelyo ni Cristo Hesus, wika ni apostol Pablo ay mangabuhay sa ebanghelyo 1 Corinto 9:14, at may karapatang tumanggap ng mga ito. 2 Tesalonica 3:6-10
Ang pagiging mangmang sa kautusan, ay di pinapalampas ang sinoman!
Mapalad ang taong nakakasumpong ng tunay na unawa sa ginintuang aral ng pagbibigay ikapu at handog lalo’t ang narapat na suportang ukol sa kaharian ng Panginoong Hesus ay hindi babalik na walang kabuluhan sa Dios. Mga Gawa 20:35; Mateo 6:19-21
Pagsipi:
- The Shorter Oxford English Dictionary on Historical Principles, vol. 2, 1939, p. 2166
- Retrieved from https://en.wikipedia.org/wiki/Theocracy
- Retrieved from www.britannica.com/biography/Flavius-Josephus
- Retrieved from www.britannica.com/topic/monarchy
- Retrieved from www.dictionary.com/browse/monarchy
- Retrieved from americanbuilt.us/governments/monarchy.shtm
- Retrieved from www.merriam-webster.com/dictionary/democracy
- Retrieved from www.britannica.com/topic/democracy
- Retrieved from www.biblestudytools.com/.../tithe-tithing.html
- Smith's Bible Dictionary - Taxes
- (Hango sa mga talata ng Tagalog na Biblia (Ang Dating Biblia (1905); Magandang Balita Biblia)
PAGSUSULIT:
(Markahan ang tamang sagot sa pagpipiliang mga parisukat)
1.
Sinong manunulat ng kasaysahan ang tinawag na “Theocracy” o “God rules” ang pamamahala sa Lumang Tipan?
Moises Flavius Josephus Cristo Hesus
2.
Anong uri ng pamahalaan ang naging emperyo, at nahahati sa tatlong pangunahing mga elemento (ibinutong hindi minana na kapangyarihan, isang senado na magbibigay payo at pahintulot, at ang nakakarami).
Pamahalaan ng Dios Pamahalaang Romano Demokratikong Pamahalaan
3.
Anong uri ng pamahalaan na ang sinunod ay ang Dios, na ang kaniyang salita ay nagiging batas sa kanila?
Pamahalaan ng Dios Pamahalaang Romano Demokratikong Pamahalaan
4.
Anong uri ng pamahalaan na ang pinuno ang pumili, ay ang mga tao, maglagay ng kanilang tagapanguna o lider sa pamamagitan ng pagboto sa isang halalan?
Pamahalaan ng Dios Pamahalaang Romano Demokratikong Pamahalaan
5.
Ang Panginoong Hesus ba ay may pamahalaang hindi sinang-ayonan?
Meron Wala
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento
As critical thinkers, I do care and like appreciative inquiry from you to each lesson presented...